Chapter Forty-Six

20 0 1
                                    

Hindi ko kayang sagutin 'yong gustong malaman ni Mama. Bigla akong natigagal sa kinatatayuan ko.

"Angela, anak, may kailangan ba akong malaman?"

Sandali akong lumihis ng tingin sa kanya.


Ano bang issue kung sabihin ko man sa kanya ang totoo?

Ano naman kung sabihin ko kay Mama na nagawa lang naman naming magpanggap dahil gustong pagselosin ni Ian si Logan. Pwede ko naman ding sabihin na hindi ko alam kung bakit gusto niyang gawin iyon. At kung tanungin man ako ni Mama kung bakit ako pumayag, pwede kong sabihin na gusto kong patunayan kay Ian na wala namang mangyayari sa pagpapanggap na gusto niyang gawin. Tapos, yo'n na...

Anyway, I could add up that I really don't like this idea at first. Ian's just pushing it so hard and so I agree. Just to shut him up. To show him he's wrong.


"Si Logan ba?"

Doon ako napalingon muli kay Mama. Mas lalo akong natahimik.

Ngumiti siya na para bang tama ang naging hinuha niya base na rin sa naging reaksyon ko. Agap niya ring binalikan ang pag-aayos doon sa may lababo.


Paano naman kaya niya nasabi na si Logan ang dahilan no'n? I mean, pa'no niya nalaman? Did Ian told her about his plan?

At posible kayang katulad ng nangyari sa pagpapanggap namin noon, alam niya na rin ang lahat ng ito bago pa man maisiwalat lahat?


"Alam niyo na po ba Ma?"

"Anong alam ko?" Agap niyang tanong


Trip lang naman ito ni Ian eh kaya bakit kailangan niya pang ipaalam kay Mama.

Besides, alam naman no'n na close si luga kay Mama kaya paniguradong mabubuking agad kami kung sakaling sabihin man niya. At base na rin sa naging itsura niya kanina, paniguradong wala ngang alam si Mama doon sa naging plano niya.


Bumuntong-hininga muna ako bago nagsimulang magpaliwanag.

"Kasi Ma, ganito po yo'n" Buong-puso kong ipinaliwanag sa kanya ang lahat. "Gusto raw pong makita ni Ian kung magseselos man si luga kung sakali, eh imposible naman po yo'n di ba? Kaya lang naman po ako pumayag ay para patunayan sa kanyang mali siya. At kahit naman po siguro pumayag ako do'n sa gusto niya, hindi pa rin naman po ako sang-ayon kaya hinahayaan ko na lang po siya sa mga pinag-gagawa niya."

"Sa tingin mo imposible iyon?"

"Ma, kung sakaling magselos man si luga, siguro dala lang ng pagkakaibigan namin. Alam niyo naman po kung anong naging sitwasyon namin bago pa man ako umalis. At sa loob po ng ilang taon, natural lang na maging malayo na nga po kami sa isa't isa. Pero, sa tingin ko po naging maayos na rin naman po kami nitong mga nakaraang araw. Improvement na rin po yun."

Tinitigan niya lang ako matapos kong magsalita. Sinalo ko naman ang tingin niya.

Para bang may gusto siyang sabihin o iklaro doon sa sinabi ko. Pero sa bandang huli ay inilingan niya na rin ako.

"Angela, tara na?" Nahanap ko ang mga mata ni Ian. Nag-aalala pa rin iyon. Agad yo'ng nalipat sa direksyon ni Mama. "Tita?"

"Sure, go ahead. Baka maiwanan pa kayo ng eroplano."

Tumango lamang si Ian at dahan-dahang lumapit kay Mama saka hinandugan ng isang yakap. "Sorry Tita, pasensya na po talaga"

Nagulat si Mama sa ginawa niya kaya isang tapik lang ang naigawad nito pabalik. "Ayos lang yo'n. Sa susunod siguro, huwag niyo na lang ulitin. Hindi, dapat ay hindi na mauulit pa."

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Where stories live. Discover now