Chapter Thirty-Two

20 0 0
                                    

Natural lang ang reaksyong binigay sa akin ni Ate Ruth. Hindi nagtatanong ang itsura niya. Hindi rin siya mukhang nag-panic sa unexpected na mga tanong ko.

IF... it was really unexpected for her. Mukha naman kasing inasahan niya iyong mga tanong ko.


"Hindi mo pa rin ba napapansin Angela?"

Ano ba ang kailangan kong pansinin? Meron bang dapat pansinin? Ano ba itong mga sinasabi niya?


Parang ako pa yung mukhang na-on the spot dito. Hingal na hingal ako sa ginawa kong pagtatanong, at siguro nga hindi na rin magkangayaw ang pagtagaktak ng pawis ko dahil sa paghintay ng mga sagot niya. I don't know why I'm this nervous.


"Mukha nga" Bulong niyang narinig ko naman. "Hindi mo nga nagawang mapansin noon di ba, ngayon pa kaya? Ngayong iba ka na sa dating Angela-ng nakilala ko."


And so what if I change? What's the relate of that with the questions I shared?


"Sa tingin ko si Logan dapat ang tanungin mo tungkol dito" Bumaling ulet siya sa kinaroroonan nila Ian.


Can't I ask her? E di ba silang dalawa ang involve sa relationship na iyon? Both of them have a say about this!


"Bakit kailangan kay Logan ko malaman? Siya ba ang nakipag-break sa'yo? Sabihin mo Ate Ruth, siya ba?"

"Angela..." Pagod na tono ang ginamit niya.

"Siguro, siya no? Dakilang luga talaga ang isang yun" Tumawa pa ako. Sinubukan ko na ring tumayo dahil hindi ko na alam kung anong magagawa ko ngayong nagngingitngit na ako sa galit. "Hindi pa ba siya nadala? You are the perfect girl for him, can't he just be thankful for that?! Kaya nga-"

Pinutol ko ang sasabihin ko.

... Kaya nga ako nagparaya di ba? Kaya nga pinili kong lumayo. Kaya nga kahit mahirap, umalis ako sa tabi ni Mama para mawala lang yung nararamdaman ko sa kanya noon. Dahil alam ko kung gaano kabait si Ate Ruth. Unang tingin ko pa lang sa kanya, alam kong iba na siya sa mga naging ex noon ni Logan. Na finally, may nahanap na siyang tatapat sa pagmamahal niya. And it's obviously not me.

Tinanggap ko iyon dahil nakita ko ang mga pinagdaanan ni Logan. I'd felt his hurt, I have seen him in worst. Halos magpakamatay na yung tao dahil lang sa pagmamahal na yan. Kaya bakit ko ipagkakait sa kanya yun para lang hindi ako masaktan? Ako pa na mismong bestfriend niya?

Kaya nga, di baleng ako na lang, huwag na siya. Di baleng mabalewala ako, basta makita ko lang siyang masaya.


Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko.  Halos manginig na rin ang buong katawan ko.

Am I keeping this for all these years, kaya ganito ang nararamdaman ko ngayon? AM I?!


Pinalis ko agad ang mga luhang iyon, at pinigilan ang mga nagbabadya na sanang tumulo. "S-sorry."

Naramdaman ko ang unti-unting paglapit ni Ate Ruth.

Lumayo agad ako sa kanya.


I don't need some comfort. I'm okay. I'm all good. Di ba nga naka-move on na ako? So I don't need someone to comfort me. 


BEST-Friend-Zoned (Book 2)Where stories live. Discover now