Chapter Forty-Eight

20 0 1
                                    

Lumagpas ng limang minuto ang naging palugit ko kay Ian. Hindi ko rin naman iyon napansin dahil na rin sa ka-text ko.


"Mukhang hindi ka pa naman inaantok eh, dilat na dilat 'yang mata mo sa harap ng cellphone" Pang-aasar ni Ian nang makapasok na kami ng kwarto.


Kung gusto niya pang lumangoy, edi magpakasasa siya doon sa pool. Lunurin niya na rin ang sarili niya para maganda. Huwag niya na akong idamay pa.

Who knows, baka mag-enjoy pa siyang wala ako dahil mas malaya niyang makakasalamuha ang mga nagagwapuhang nilalang sa diksyunaryo niya. Well, in that case, I feel too bad for Sean.


Nauna si Ian sa may shower kaya naman naghintay pa ako ng ilang minuto bago makaayos na sa kama. Naghanda ako ng isang sando at pajama pants para pantulog.

Habang naghihintay, patuloy naman ang pakikipag-text ko kay luga. Kung bakit hindi pa siya natutulog ay hindi ko alam.

Mabuti na nga lang at nakalusot ako kanina patungkol sa kasama ko sa kwarto, but then, he won't stop insisting me to change rooms, nang sa ganoon ay hindi ko kasama si Ian.


To: LUGA

Matutulog na ako.
If you're still planning to tattle... then fine.

From: LUGA

May sinabi ba ako?


Magtitipa na sana ako ng panibagong mensahe nang muli na namang may dumating galing sa kanya.


From: LUGA

Sige na, matulog ka na. Goodnight :)
Magpa-iba ka ng kwarto ahh, mahaba pa ang linggo!


Tss! Whatever!


To: LUGA

Goodnight!


Inilapag ko ang cellphone sa isang drawer na malapit. At nang matanaw ng mga mata ko ang isang pitsel sa isang kalapit na lamesa, ay uminom muna ako ng tubig.

Sakto namang pagkababa ko ng baso ay ang paglabas ni Ian sa banyo.

"You seriously have to act fast, you know..." I mocked him

Umirap lang naman siya. Tinawanan ko na lang siya habang pumapasok na doon sa banyo.


May automatic na heater ang mga banyo dito kaya naman hindi ko na inabala pang painitin iyon.

This is good especially during cold nights. But if it's summer, pinapatay naman nila, well, depends on what the guest would like. Pero dahil 'Ber' months na, kaya lumalamig na rin ang klima, so I better need this one.


Nagbihis na agad ako sa banyo. Pagkatapos ay nagsipilyo at saka inilugay ang buhok ko.

Pagkalabas ko ng banyo, naaninag ko naman si Ian na may dalang unan at kumot at papunta ata doon sa couch.

"San ka pupunta?" Bungad ko sa kanya

Nagpakawala siya ng hininga. "Ang demanding ng lover boy mo ahh. Tss! Tandaan mo, ako naman sa kama bukas!" Tumalikod na siya at ni hindi na ako hinayaang magsalita pa.

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Where stories live. Discover now