Chapter Forty-Nine

20 0 0
                                    

Almost eleven na nang magsimula kaming pumalaot. Nagrenta sila ng isang bangka para i-tour kami sa kabuuan ng Boracay, maging sa mga karatig-isla nito.

Nagdesisyon na rin kami na roon na lang kumain ng lunch kaya naman pinaanyayahan kami ng resort ng packed lunches. Napag-planuhan rin namin na magpahuli ng mga sariwang isda para makain mamaya.


"Where's Ian?" Nangungunot ang noo ni Daph kahit pa naka wayfarers na siya.

Tirik na tirik ang araw at hindi ko ba alam kung tamang desisyon ang mamasyal ng ganitong oras. Pero sabi rin kasi nila kung hapon pa kami mamamangka, malamang mas malakas na ang alon. Mabuti na rin siguro ito.

"Sleepy as a princess..."

Hindi na siya dumugtong pa ng tanong. Isa-isa na rin kaming sumakay sa loob ng bangka.


I feel out-of-place. Lahat ba naman ng kasama ko ay magkaka-partner, ako lang ang wala. If only Ian's here, then at least I can enjoy everything.

Pero, sa tingin ko, mabuti na ring wala siya ngayon. Mauumay lang ako sa pang-aasar niya lalo na't tinext pa siya ng lugang iyon kagabi.

I kind of thinking how am I gonna stop him from pushing that on me. 'Cause he'll surely ask me repetitively of what's that about. Mangungulit at mangungulit yo'n panigurado.


Maganda ang naging simula namin.

Kitang-kita namin kahit sa malayo ang napaka-puting buhangin ng kabuuan ng Boracay. Maraming bakasyunista ang nasa beach, maging sa mga restaurants na nakatambay sa may buhanginan. Marami na rin ang sumusubok ng ilang mga water activities.


"I'm excited to try those water activities!" Hiyaw ni Perrie na siyang nagpa-excite rin sa akin.

Nang huli kaming pumunta rito, hindi ako halos nakasubok ng mga aktibidad. Halos si Matthew lang ang pinapagawa ko kapag nag-aaya siya. Nanonood lang ako sa malayo at tinatawanan siya habang sumisigaw sa intense ng ginagawa.


Nagmistulang tour guide din namin ang head ng bangka. Maraming tanong sila Daphne ngunit nasasagot niya naman iyon lahat.

Bago kami pumunta ng Crocodile Island ay nag-lunch muna kami.

Si Kuya Marcelino, ang kuyang bangkero-slash-tour guide-slash-mangingisda-slash-cook, ang nanghuli ng mga isda. Nakisali rin kami sa kanya pero siya lang ata ang nakahuli ng mga isdang niluluto na.

Nakahuli rin sila Ric at Kyle ngunit pulos maliliit lamang iyon. Baka nga hindi pa sila mabusog kung kakainin nila ang mga iyon.


Malalaking lapu-lapu ang mga isdang nahuli kaya naman ay nabusog kaming lahat.

Nagpahinga muna kami para hindi naman kami bloated kapag lumangoy mamaya at para ayos lang din kung ilang beses kaming mag-dive sa islang pupuntahan.


"I definitely need to pull the gym right when we get back! The food in here's disabling me to join Ian's spring show..."

Natawa kaming lahat.

Naiisipan ko na nga ring mag-jogging bukas. Isang araw pa lang ang itinatagal namin dito pero feeling ko ilang kilo na ang nadagdag sa timbang ko.

"I hope Ian won't regret this chance..." Bati ni Betty

"I doubt that Betty." Humarap si Daph at binitawan sandali ang buko juice na iniinom. "He won't exactly miss the fun, he'll surely enjoy the night party tonight."

BEST-Friend-Zoned (Book 2)Where stories live. Discover now