"Ma'am kayo yung may trabaho. Ilibre niyo naman ako."

"Sino bang nag-aya?"

"A-ako?"

"De sagot mo."

Hindi ako mananalo sa kanya -.-

Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa room. Inilapag ko sa isang tabi ang box.

Pagtayo ko ay nakita ko ang magbestfriend sa dulo ng room at ang silya ko sa gitna nila.

"Sky, you may sit now."

Walang isip isip na inukupa ko ang silya sa unahan. Mismong tapat ng table ni Ma'am.

Nagtatakang tumingin siya sakin "Diba dun ka nakaupo?" turo niya sa likod.

"Wala namang seating arrangement diba po? I can sit wherever I want."

"Yes but that doesn't mean you can change seats whenever you want. You'll be sitting there for the rest of the semester, understand?"

I pout "Yes, Ma'am."

Lunch time.

"Hi Ma'am!" pumasok ako sa faculty dala dala ang isang paper bag.

Nilapag ko ito sa table niya "Dito nalang tayo kumain."

"Luto mo?"

"Oh yes Ma'am."

Nagsimula kaming kumain.

We fell into silence which is weird.

Napaangat ako ng tingin and found her eyes on me.

"What?" I asked.

"May problema ka no?"

Ganun ba ako katransparent? o sadyang magaling lang sila magbasa ng tao?

"How can you say?"

She shrugged "I can sense it."

I heaved a sighed.

"Kelan ka ba mauubusan ng problema?"

I don't know if that's a joke or what pero iba ang dating sakin nun.

"Pasensya na magulo kasi buhay ko. I should not let anyone be involved in my problems. Sorry." tumayo ako naglakad palabas.

Hindi pa man ako nakakalayo sa office ay may humigit sakin at biglang yakap.

"I did not mean that. It was a joke okay? You're a friend and I would love to be involve in your problems so that I can help you." she said.

"Ma'am, I just did what I think is the best for us."

"I know, gagawin mo ang tama kahit mahirap para sayo. And that makes you a good person so don't be too hard on yourself okay?" kumalas siya yakap at binigyan ako ng isang ngiti.

Sino ba naman ang hindi mahahawa sa ngiti ng magandang dilag na 'to?

"O siya tama na ang drama. Kumain na tayo sa loob."

"Mauna na kayo."

"Osige pero sunod ka na okay?"

Tumango ako.

Pumasok siya at naiwan ako dito sa hallway. Buti nalang at walang tao ngayon dito kundi baka kung ano na ang isipin samin dalawa.

I composed myself before I get back inside.

But before I even took a step, I saw someone in my peripheral vision standing not far way from where I stood.

Tumingin ako sa pamilyar na pigura at bigla akong nakaramdam ng panlalamig.

There she stand, the girl whom I've been avoiding since this morning.

Medyo malayo siya pero hindi nakatakas sa mata ko kung gaano siya kalungkot.

Did she saw us?

Dahan dahan siya tumalikod at umalis.

Napako ako sa aking kinatatayuan.

I think she did.




"Uy bakit ndi ka sumabay samin nung lunch?" tanong ni Dom habang palabas kami ng school.

Uwian na kasi.

"May inasikaso lang. Bakit?"

"Hinahanap ka sakin eh hindi ko naman alam kung anong isasagot ko."

"Sabihin mo lang busy."

Sa di kalayuan ay tanaw ko kung paano mag-interact si Sunny at yung bodyguard niya.

I tried to not to focus on them but it's hard.

Diretso yung tingin ko pero sa kanila nakatuon ang atensyon ko.

As we pass by them, I heard her laugh.

I felt something.

I just don't know whether I should be happy that I heard her laugh or sad because I was never the reason for it.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Mga beeeees, ang hirap magsulat kapag pagod. Pasensya sa chapter na 'to 😭😭😭😭

Thank you for reading!

Her Greatest Battle (Editing)Where stories live. Discover now