Wait, why am I calling myself Luhan? I am not Luhan...

I am Han. Xi Han.


Nang maibalik ko ang aking sarili sa katinuan ay napatingin ako sa bintanang nasa gilid ko. Nakasara ito at tinted subalit kitang-kita ko ang mukha ni Sehun. Nakaawang ang kanyang labi habang nakatitig sa bintana. Kitang-kita ko rin ang parang nagkaroon ng pagbabago sa dating nakakunot niyang noo. Ngayon ay parang isang taong naalimpungatan. Umiwas ako ng tingin. I don't effin care about him. Kung gusto niyang makipag-usap dun nang hindi ako kailangan ay okay lang talaga. Ipupush ko pa nga sila eh.

Napatingin ang aking mga mata sa harapan nang makitang dumaan doon si Sehun. Napalunok ako nang makita ang seryoso niyang mukha nang pumasok siya sa driver's seat. Nagkaroon ng kalampag. Nang maayos niya ang sarili ay napatingin siya sa akin.

Nagtama ang mga mata namin. Gustong-gusto kong lumaban sa mga titig na iyon pero mas ginusto kong mag-iwas na lamang ng tingin at tumingin sa bintana. Ramdam ko ang titig ni Sehun sa akin. Itinagilid ko ang aking mga mata para makita ang reaksyon niya. Kaya kitang-kita ko ang dahan-dahan niyang pagkagat sa kanyang labi. Umayos siya ng upo.

Pero hindi niya pinaandar ang sasakyan.

Inis akong napatingin sa kanya. "Ano, tutunganga lang ba tayo rito?"

Napakagat-labi ako nang hindi siya lumingon o magreak man lang. Huminga lang siya ng malalim.

"Anong oras tayo aalis kung ganun? Baka matagalan tayo. Naghihintay yung sinasabi mong 'importanteng' tao." I said, quoting with my fingers the word. importante. Huminga ako ng malalim nang hindi siya nagsalita. Tumingin ako sa kanya at nakita ko kung gaano kabigat ang bawat hingang pinapakawalan niya. Kitang-kita iyon kung paano tumaas-baba ang kanyang dibdib.

Hindi siya sumagot kaya mas lalong nadagdagan ang inis ko. "Now what, hanggang anong oras tayo nandito?"

Nang hindi siya nagsalita, pumikit ako ng mariin. Pumasok sa sistema ko ang panginginig kaya di ko maiwasan na hindi mapasinghap sa bawat oras na papakawalan ko ang paghinga ko. I balled my fists because of my irritation. Naiinis ako sa kanya. Naiinis ako sa pinapakita niya. Noong kaninang hapon? Hindi pa iyon nawala sa akin at ngayon naman ito... What the hell is happening?! I need a fucking answer. I demand an answer.

"Tell me, what's wrong with you, Sehun?"

Hindi ako tumingin sa kanya. Hinintay ko siyang sumagot pero wala akong narinig na imik niya. Mas lalong umusbong sa dibdib ko ang napakainit na emosyon. Kinalma ko ang sarili ko. Kalma, Kalma, Kalma. Nawawala ka sa sarili mo.

Ano bang kinagagalit mo?

My head snapped at the window. Ano nga ba ang kinagagalit ko?


Nanindig ang balahibo ko nang maramdaman ko ang mainit na kamay ni Sehun sa aking braso. "Luhan," malambing niyang tawag sa akin. Nanghina ako roon. Boses pa lang ni Sehun nanghihina na talaga ang sistema ko. Masarap ang pakiramdam na ito, oo. Pinapakita lang na malakas talaga ang epekto niya sa akin. Kahit sa simpleng galaw niya, nanginginig ang sistema ko. Tipong matutunaw ang lamig na nabubuo sa aking puso. Tipong tawag pa lang niya ay siguradong mapapasunod na niya ako sa lahat ng kagustuhan niya. I love this feeling. But today's an exception, I loath myself as it goes rigid because of him.

"Baby deer..." Fucking name he gave. Shit, stop!


"Baby deer... I-I'm sorry."

Napapikit ako ng mariin. Tumambol ang puso ko. Mas mabilis na tila may hinahabol. Ramdam ko ang pagbaluktot ng tiyan ko. May gumagalaw. Hindi dahil nakakaramdam ako ng gutom kundi may nararamdaman akong lumilipad. Naging mabigat ang paghinga ko. Hindi ko alam kung sincere ba si Sehun sa pagsosorry niya but...

Binuksan ko ang mga mata ko at lumingon sa kanya. Nagtama ang mga mata namin.

"Tell me, then. Why are sorry?"

Pinasadahan niya ng tingin ang kamay ko na nasa lap ko. Dahan-dahan niya itong hinawakan at sa pinagsalikop niya ang aming mga kamay. Kinagat niya ang kanyang labi at nagpakawala ng isang malalim na hininga. Tumingin siya sa akin at nagtama ulit ang aming tingin. Ako, may katanungan. Siya, may takot sa mga mata niya.

"Tell me, Sehun. Bakit ka nagsosorry? Anong nangyayari?"


Ang isang kamay niya ay dumausdos sa aking pisngi at isang malalim na halik ang ibinigay niya. It was passionate, so full of love. Nawala sa utak ko ang mga katanungan. Lumipad lahat. Hinawakan ko ang kanyang batok and Kiss him back.


Nang maghiwalay ang mga labi namin... Hindi ko iyon inaasahan.


"I'm sorry, baby. But I can't tell you."

HUNHAN: That New Guy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon