Lihim 2: Chapter 8- Lasing..

Magsimula sa umpisa
                                    

Habang nagmamaneho ako ng aking sasakyan, luminga-linga ako para maghanap ng convience store.

Napatingin ako sa babaing nakaupo sa may gilid ng kalsada. Nalagpasan ko na ito, pero parang may nagtulak sa'kin tumingin sa side mirror ng aking sasakyan.

"Marydale???"

Inihinto ko sa may gilid ang aking sasakyan at binalik ko ang tingin ko sa likuran.

"Anong ginagawa niya sa doon?" Takang tanong ko.

Pinagmasdan ko muna ito. Akmang tatayo ito nang mapaupo ulit ito. Napailing ito ng tumawa ito ng parang timang.

"Tsk!"

Tumingin ako sa paligid, wala na masyadong nagdadaang sasakyan.

Nagsimulang magmaneho ako. Ano bang ginagawa ko dito? Nag-aaksaya lang ako ng oras, pagod at gusto ko nang matulog.

Pero... hindi ko maatim na iwanan siya kaya lumiko ako at nagmaneho papunta sa kung nasaan siya.

Nang matapat ako sa kanya, bumaba ako. Ganun nalang ang pag-iling ko nang makitang nakapikit at mukhang tulog na ito.

"Miss Entrata.." tawag ko dito.

Hindi man lang gumalaw ito.

Niyugyog ko ang balikat nito.

"Miss Entrata.."

Tanging ungol lang naging tugon nito. Mukhang mahihirapan akong gisingin ito.

"Marydale!!" Malakas tawag ko sa pangalan nito.

Gulat na napatingala ito.

"Dong??!"

Tatayo sana ito pero biglang napaupo ulit ito.

"Tsk! You're drank!"

Lumebel ako sa kanya at inalalayang makatayo ito. Amoy na amoy ko ang alak na ininom nito.

"Hmm.. Ed..Edwardo."

"Shut up! Tsk!"

Tumawa ito.

"Ang shu..ngit mo pha rin Dong." Tumatawang sabi nito. "Panaginip lang ba ito?"

Tsk! Sa lahat ng ayaw ko ay mga hindi kayang dalhin ang sarili kapag umiinom.. lalo na ang babaing umiinom.

Halos hindi ito lumalakad kaya nagpasya akong buhatin na lamang siya.

Ang gaan niya, no wonder ang payat niya. Ano ba pinagkakain nito?

Ipinasok ko siya sa loob ng sasakyan at nang masigurong maayos na ang pagkakaupo nito. Umikot na ako sa may driver seat.

Pagkaupo na pagkaupo ko narinig ko ang mahinang hikbi nito. Kaya pinagmasdan ko muna ito.

"Edwardo.. Dong ang shakit sha..kit na nang pusho ko. Akala ko mash masha..kit na pa..tay ka pero mash masha..kit ang makita kung andyan ka lang sha tabi ko pero.. pero mashaya ka na sha iba.." humikbing sabi nito.

Napahigpit ang hawak ko sa manubela at umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Ang daya daya mo Edwardo!"

Napabugtong hininga ako at sinimulang magmaneho.

Tama ba ang ginawa kong desisyon na ibalik siya sa trabaho? Tama ba ang ginawa kong kilalanin siya at hayaang pumasok sa buhay ko?

Umiiyak pa rin ito habang paulit-ulit na binabanggit nito ang pangalan ko.

Nagfocus nalang ako sa pagmamaneho ko papuntang condo ko. Malapit na rin naman ako..

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon