CHAPTER 45

4.2K 79 0
                                    

Fere's POV

At dahil nga sanay na ang lahat na kasama ko si Yugi, hinahanap na nilang lahat ito. Wala akong buntot ngayong araw. Nakakamiss din kasi yung may bumubuntot sayo kahit saan ka magpunta. Iba nga naman talaga kapag may anak. Kahit sa CR may bantay ako.

"Ma'am Aya, asaan po si Yugi?" tanong nang isang trainee after ng wrap up

"Naku nagpaiwan sa Papa nya."

"Papa nya po?" tila gulat na tanong nya

"Oo, dumating kasi kagabi ang asawa ko."

"May asawa po kayo?" Nakakagulat ba talaga na may asawa ako?

"Oo naman."

"Hala! Ang akala ko po single kayo." I smiled. Akala ko din eh.

"Hahaha. Hindi. May asawa ako."

"Hala Ma'am sorry akala ko single mom kayo."

"Okay lang yun. Wala naman ding problema kung single mom ako diba?"

I smiled at them. My phone suddenly ranged.

****Hubby Calling****

Fere: Hello?
Yuseff: Wife?
Fere: Oh? Bakit?
Yuseff: Andito kami ni Yugi sa baba ng building nyo. Hinihintay ka namin.
Fere: Ah ganun. Sige, malapit na din namang mag-out. Hintayin nyo na lang ako jan.
Yuseff: Okay! I love you wife.

I ended the call.

Nakakaloka. Ngayon pa ba ako kikiligin??

Pagkatapos na pagkatapos namin sa session. Mabilis na nag-out ako dahil naghihintay ang mag-ama ko. Haii, ansarap bigkasin. Hindi ko akalain.

"Aya! Madaling madali ka ata??" Bati ng dati kong ka team

"May naghihintay kasi sa akin. Sige ha!"

"Mama! Mama! Mama!" Dinig kong sigaw ni Yugi na nakatayo malapit sa may biometrics at turn style

"Ma'am Aya, kanina pa yang anak mo jan. Inip na inip na yan."

"Oonga. Kanina pa nga sila tumatawag eh."

"Mama!!! Mama!!"

"Nakakatuwa ang batang yan, parang masiglang masigla ngayon si Yugi ah."

I smiled. If you got your best gift, who would not?

"Oonga eh. Sige una na ako, kita mo naman at nagwawala na ang isang yun."

"Mama! Antagal tagal mo naman magout. Nitagal na kami nihihintay ni Papa eh!!"

"Hala! Sorry na po Sir."

"Sige na nga. Halika na Mama, mapogi pa naman si Papa tapos tagal namin nihihintay ka po."

Higit higit ako ni Yugi palabas. Natatawa na lang din pati mga guard kasi sobra akong pinagmamadali ni Yugi. At hindi naman ako nabigo.

Isang gwapong gwapong Yuseff ang nakasandal sa kotse ang naghihintay sa akin.

"Hi Wife!I missed you today." Sabi nya sabay kiss sa akin

"Yehey!!! Malapit na malapit na talaga si Baby Sister!!!!"

Natawa na lang kami ni Yuseff sa sigaw ni Yugi. Akala ko pa naman, nakalimutan na nang batang ito ang hinihingi nyang baby sister.

Yuseff then carried Yugi and put him on the backseat and tuck him with a seatbelt.

"Let's go wife?"

My smiling husband asked.

"Where are we going?"

A LOVE THAT STARTED IN MY BOSS' OFFICEWhere stories live. Discover now