CHAPTER 44

4K 73 0
                                    

Fere's POV

"Mama! Mama! Mama!"

Nagising ako sa malakas na boses ni Yugi. Nakakapagtaka lang na hindi naman na ito sumisigaw, huling beses nyang ginawa ito ay kasama pa namin si Yuseff. Ay! speaking of Yuseff! Nasa kabilang kwarto nga pala sya.

"Mama!"

"Bakit anak? Maaga pa ah! Dapat nagsleep ka pa oh, 4:00 am pa lang. May 2 hours ka pa."

"Nagkaroon kasi ako ng dream Mama. Napnigipan ko daw si Santa Claus Mama! Nisabi nya na nasa kabilang room daw yung gift nya sa akin ngayong Christmas tapos Mama napunta ako sa kabilang room tapos nikita ko si Pap-- yung Daddy ni Clark!"

"Matulog ka pa anak, mamaya iwawake up
kita para malaman natin kung gift talaga sya ni Santa sayo ha? Kapag hindi ka natulog ulit baka bawiin yun ni Santa Claus sige ka!"

Pilit namang pumikit muli si Yugi at nakatulog. At dahil nagising na lamang din naman ako, bumangon na ako at naghandanang makakain namin. Inihanda ko rin ang paracetamol. Siguradong masakit ang ulo ni Yuseff dahil sa hang over. Kung bakit nga naman kasi nagpakalasing pa.

Tiningnan ko kung ano ang pwede kong ihanda ngayong breakfast. Ako kasi pandesal at kape na lang. Si Yugi lang talaga ang pinakakain ko nang kanin. Haii, mabuti na lamang at may hotdog pa dito at itlog. Hindi pa man din kami nakakapag grocery ni Yugi.

I am busy preparing the table when a groggy Yuseff came near me.

"Upo ka na Yuseff, mag-almusal ka muna at nang makainom ka nang gamot para mawala ang hangover mo."

He looked around my house. Wala naman syang makikita kundi mga lumang gamit. Mabuti na lang at hindi na ako tumatanggap nang labada kundi, madadatnan nyang kalat ang bahay.

He was about to seat nung maisip nya sigurong napalitan ang damit nya.

"Whose clothes are these?!! These are men's clothes!!"

He was almost shouting with his questions. And by that question alam ko ang nasa isip nya. My smile faded. I remembered clearly what are written on the reports given to him.

"Those were not the clothes of men I used to have. Fortunately, Dad's clothes were saved. Pero kung hindi ka naniniwala, it's okay. Paplantsahin ko muna ang damit mo kasi nilabhan ko kagabi."

A tear fell pagtalikod ko sa kanya. This was painful. I thought he missed me. I just laugh at what I'm thinking. God! I am insane! Unti unti na ngang pumatak ang luha galing sa mga mata ko.

Pinipigil ko naman ang umiyak kasi ang arte ko. Ayaw ko nang umiyak. Nakakasawa na din. Mas marami na akong napagdaanang nakakaiyak kesa sa ganitong bintang.

Hindi pa man ako nakakalayo, niyakap na ako ni Yuseff sa likod.

"I am sorry. I don't mean it. I am so sorry."

My sobs were magically gone.

"Sandali lang talaga, paplantsahin ko lang. Para makaalis ka na din agad pagkatapos mo mag almusal."

I smiled. Sana, hindi na sya abutan pa ni Yugi. Aasa na naman yung bata.

"No. Please! I want to stay Fere. Please wife. Please. Don't let me go. Please."

Humarap ako sa kanya at pilit na kumakawala sa yakap nya.

"Wife, I don't want life without you. I will give up anything just please don't leave me. Please. Ayaw ko na mabuhay nang hindi ka kasama. Fere, hindi ko kaya. Tatanggapin ko ang kahit ano. Lahat lahat Fere, parang awa mo na. Wag mo akong iwan. Ayoko! Wag naman please."

"Yuseff, lasing ka pa ba?"

"Para mo nang awa Fere. I would stay here if you want to have this life. Please Fere. I beg you. I can't live another day without you and Yugi. Please."

"Yuseff! Ano bang nangyayari sa'yo?"

"Fere, ayoko na lokohin ang sarili ko. Mahal kita. Mahal na mahal. Tanggapin mo na ako parang awa mo na. Please Fere."

Hindi ko alam kung anong nangyayari dito kay Yuseff. Pero hindi ko itatanggi, masarap sa pandinig ang mga sinasabi nya.

He tightly hugs my legs while he is on his knees.

"Yuseff, sandali muna. Magusap na muna tayo. Tumayo ka nga muna."

"Fere, kahit ano. Kahit ano gagawin ko, tanggapin mo lang ako ulit. Mahal na mahal kita. Ayaw ko na nang pride, ayaw ko nang maging malungkot. Mahal na mahal kita. Patawarin mo na ako."

I was about to talk when I saw the room door opened. Gising na si Yugi.

"Mama? Totoo po ba yung gift ni Santa?" tanong agad ni Yugi na nakapikit pa rin.

I smiled. Oo Yugi.

"Yuseff, gising na si Yugi." bulong ko

That made him stand and go near Yugi. Paglapit na pagkalapit nya kay Yugi, agad itong lumuhod at inakap nang mahigpit ang bata.

"Sorry Anak. Mahal na mahal ka ni Papa. Miss na miss na kita, kayo ni Mama mo. Sorry na si Papa anak. Sorry na. Mahal na mahal kita anak."

I saw Yugi's eyes sparkled. Ito marahil ang hinihiling nya ngayong pasko.

"Kahit hindi nyo po ako tunay na anak Papa pa din po ba kita?"

"Kahit anong mangyari anak, ako ang Papa mo. Ako lang. Dito sa puso ko anak kita. Papa mo ako."

"Namiss din po kita Papa."

And then, I believe in Santa Claus again. Thank You Lord for making Yugi happy. Sana po, forever na ito.

Masaya kaming kumain ng agahan. Yugi all of a sudden became so cheerful and giddy. At dahil kailangan kong pumasok, hahayaan ko na munang magbond sila Yuseff at Yugi.

Masaya ring inihatid ako nang dalawa hanggang sa building namin. Naibilin ko na din kay Yuseff ang daycare class ni Yugi.

A LOVE THAT STARTED IN MY BOSS' OFFICEWhere stories live. Discover now