CHAPTER 47

4.1K 80 0
                                    

Fere's POV

Nang mag-umaga, heto na naman po ang mag-ama ko na parehong masama ang mukha. Hindi na nga ata sila matutuwa hanggang nagpapacheck up.

"Boys, wag na kayo magalit kay Mama, please?"

"Galit ako Mama! Hindi ka tatake care ng sarili mo!"

"Sorry na Yugi. Magpapdoctor na si Mama bukas."

"Sigurado ka Mama?"

"Opo."

"Sasamahan po kita Mama!"

"Syempre naman. Sasamahan nyo ako ni Papa diba?"

Yuseff is still not talking. Galit pa rin siguro sya. After breakfast, nagayos na kami pra pumasok. Si Yugi nakatulog sa backseat dahil sa sobrang tahimik namin.

Bago ako bumaba ng kotse, gusto ko sana maayos kami mag-usap.

"Hub, sasamahan mo ba ako bukas magpacheck-up?"

Hindi sumasagot si Yuseff. Alam ko masama ang loob nya sa sinabi ko pero hindi naman yun ang gusto kong mangyari.

"Hub?"

"Kung yun ang desisyon mo."

"Hub naman eh. Sorry na please? Kailangan ko lang kasi talaga magwork. Sorry na please? Kailangan kita bukas. Samahan mo ako please?"

He just nodded. I stole a kiss from him before I went down the car. Bakit nga ba mahal na mahal pa rin kita kahit sobrang sungit mo? Haii naku.

I started to work as fast as I can. Hindi ko na dapat paghintayin pa si Yuseff mamaya. Baka uminit na naman ang ulo nun at sumpungin na naman.

After lunch nakaramdam ako ng matinding antok. Buong buhay ko ngayon lang ako inantok nang ganito. Nakakainis. Andami ko pa naman sanang gagawin. I opted to take a nap. Sinabi ko na lang sa katabi ko na masama ang pakiramdam ko.

Pag-gising ko, para lang akong nagdahilan. Masigla na ulit ang katawan ko. I am going to get myself a glass of juice dahil bigla ko na lang gusto ng mango juice nung nakaramdam na naman ako ng hilo. Sa sobrang pag-ikot ng mundo ko, hindi ko na nakaya at natumba na ako ng tuluyan.

I woke up when it's almost time to go home. Pero ang nakakagulat, nung sinabi ng nurse na magpacheck daw ako sa obgyne. I suspected myself being pregnant pero wala namang nangyayari pa sa amin ng asawa ko since umuwi sya sa akin.

George being my only friend in the office take the liberty of looking after me. Sya na ang nagbantay sa akin hanggang makalabas kami ng building.

"Hoy ati! Baka nga preggy boom na you! Kitamo! Matutupad na ang wish ni bebe Yugi!"

"'Wag ka nga maingay George. Hindi pa naman yun confirm. Suspected pa lang. Hinala."

"Ayaw mo ba?"

"Ano?! Syempre gusto ko ito kung totoong baby ito no! Sinong may ayaw na magkaanak?!"

"Eto naman! Galit agad?? Galit?? Ang tsaka mo maglihi ati! Galit!"

"Ah naglilihi pala ah!"

I started tickling George. Alam na alam ko kasing malakas ang kiliti nito. At dahil baklang malandi ang kaibigan ko, gumanti sya ng kiliti sa akin. Hanggang napatigil kami dahil may isang lalaking humigit sa kanya at bigla na lang syang sinuntok.

A LOVE THAT STARTED IN MY BOSS' OFFICEWhere stories live. Discover now