CHAPTER 43

4K 85 1
                                    

Fere's POV

Malapit na magpasko. Malamig na ang simoy ng hangin pero ang anak ko, andun pa rin sa may pinto ng bahay. Naghihintay sa himala. Naghihintay na sana'y dumating ang 'Papa' nya. Hindi ko man naririnig na yun ang gusto nya, alam ko na sa puso nya hinihintay nya si Yuseff.

Si Yugi, hindi na nya binitawan yung laruan na hawak nya. Mula nang umalis kami sa bahay ni Yuseff, lagi nya na itong dala. Itinatabi nya pa nga ito sa pagtulog nya.

"Nak, Yugi, Ano ba hinihintay mo sa pinto?" tanong ko

"Wala po Mama. Tutulog na po ba tayo?"

"Halika na?"

"Sige po."

Tinabihan ko si Yugi sa kama at kinantahan sya para makatulog.

"Mama,"

"Hmmmn?"

"Totoo po ba si Santa Claus?"

"Oo naman."

"Ah.. Sa mayaman lang siguro ano Mama?"

"Bakit mo naman nasabi yan?"

"Sabi dun sa school ko dati na maganda, lahat ng classmate ko kilala yung si Santa Claus, si Kiteng at Ren ren, nitanong ko kanina, hindi nila alam yun. Kaya siguro mayaman lang din kilala ni Santa Claus."

"Hindi naman ganun yun anak. Ganito na lang, isulat mo yung wish mo kay Santa Claus, tapos magsabit tayo ng medyas. Malay mo, ibigay ni Santa Claus yung gift na gusto mo."

"Talaga ba Mama?"

"Oo, binibigyan nya yung mga good boy."

"Kaso Mama hindi naman ako good boy. Niaway ko po si Clark kahit hindi naman sya nagsusungaling."

"Magsorry ka na lang muna kay Jesus anak, sabihin mo na kapag nakita natin ulit si Clark, magsosorry ka din sa kanya. Kaya wag mo na lang ulitin ang makipag-away ha?"

"Opo Mama."

I tap his legs and hum a song. Napakabata pa ni Yugi para sa ganitong sitwasyon pero wala akong magagawa kundi ang manatili sa tabi nya at damayan sya.

Fate, tulungan mo ang anak mong sumaya. Kahit sya na lang. Ibigay mo sa kanya ang mga bagay na nawala sa atin. Tulungan mo ako. Kahit si Yugi na lang.

Yugi fall asleep but I can see tears from his eyes. Kung pwede lang na kay Mama na lang lahat ng sakit Yugi, kukunin ko na lahat. Ayaw ko na ganyan ka. Kayo na lang ni Tita Faye mo ang meron ako at hindi ko gugustuhin pasakitan pa kayo. Kung kaya ko lang na akuin nang lahat lahat, kukuhanin ko na lang ang lahat ng sakit. Ako na lang ang iiyak para sa inyo.

Maaga akong gumising kinabukasan dahil kailangan ko pang pumasok sa opisina. Napakaswerte na pagbalik ko sa probinsya, may trabahong naghihintay sa akin. Ang maganda pa, ginawa akong trainor ng opisina para sa mga bagong pasok na agents.

Si Yugi, inienroll ko ulit sa isang baranggay day care, sinusundo ko na lang ulit at isinasama sa office. Mabuti na lang at naiintindihan ng opisina ang pangangailangan namin. Wala naman kasi akong choice kasi wala akong mapagiiwanan kay Yugi. Pumapasok pa rin kasi si Faye sa metro. Nung isang araw lang ay dumalaw sya sa amin kasama nila Patchie. Napagalitan ko pa nga kasi kaka one month pa lang ng baby nya iginala na nila agad.

Si Yugi, kunatutuwaan ng boss ko dito sa office kasi super behave talaga sya. Minsan makikuta ko na lang, tulog na sya kung saan ko sya iniwan. Nakakalungkot na nawala talaga ang masayang Yugi mula ng umuwi kami. Andoon pa rin naman at nakikipaglaro sya pero hindi na gaya ng dati.

Hindi na maririnig ang malakas nyang halakhak. Hindi na sya nagsisisigaw kapag naeexcite. Hindi na sya aktibo. At hindi na rin sya nangungulit. Kung ano lang ang sinabi ko, yun lang ang ginagawa nya. Masakit para sa akin na para bang naagaw ng sakit na nararamdaman nya ang saya ng pagiging bata.

"Babye Yugi!" Paalam ng isang trainee

"Anak, babye na daw si Ate Tere."

"Babye din po."

"Bye po Ma'am Fere."

I nodded at them. Si Yugi, nakasilip sa baba ng building. Nilapitan ko sya at nakita ang sinisilayan nya. Isang fast food chain.

"Anak gusto mo kumain doon?"

"Marami na po ba tayong pera Mama?"

"Hindi naman madami pero pwede tayong kumain doon."

"Wag na lang po Mama. Baka po maubos. Ayaw ko po ikaw maglalaba at mamamlantsa ng damit ng other people."

I smiled at this little boy. At his young age, he surely knew how hard life was.

"Hindi naman na ako magwawash diba? Kasi malaki na sweldo ni Mama. May pera naman na tayo kaya kakain na tayo sa masarap. Kahit minsan minsan lang."

"Hindi po mauubos?"

"Hindi! Ikaw talaga. Nagwowork naman si Mama eh. Kapag nagsweldo si Mama next week, magbubuy tayo ng 1 toy tsaka damit mo."

"Wag na po Mama! Madami pa naman ako ganun eh."

"Ang bait naman ng baby ko talaga. Halika na? Kain tayo dun! Oorder tayo ng carbonara tsaka chicken tapos may ice cream pa!"

"Talaga po ba Mama?"

"Oo naman. Tara na? Baba na tayo?"

Yugi smiled at me and hold my hand. Natatawa ako kasi binigyan din sya ng ID ng HR kasi tuwang tuwa yun sa kanya.

Yugi enjoyed eating his favorite food. Masaya ako na kahit papaano, napapangiti ko ang anak ko ng totoo. Kahit saglit lang. Umuwi kaming pagod si Yugi kaya binuhat ko na lang sya. Ako na lang ang naglinis ng katawan nya at nagtoothbrush sa kanya. I love it when I take care of him. I feel complete.

Dahil mejo maaga pa, naisipan kong maglaba na lang muna ng mga damit namin. Kakaunti pa naman kasi naglaba ako noong isang araw kaya lang sayang ang oras.

Magsasampay sana ako ng damit sa labas nang mapansin kong may taong parang nakahiga sa harap na pinto. Dali dali kong kinuha ang bat sa may kusina at nilapitan ang tulog na manong. Lakung gulat ko nang mamukhaan ko kung sinong lalaki ang nakabulagta sa harap.

"Yuseff???"

Yuseff smells like alcohol. Jusme! Lasing ata ito. Chineck ko ang paligid. I found his car very open. Haii naku! Malamang ay lasing nga ito.

Hinanap ko ang car keys nya at iniayos ang prk ng kotse nya papasok sa aming trangka. Inilock  ko ang kotse nya at si Yuseff naman ay halos buhating ipasok sa loob ng bahay.

Dahil natutulog na si Yugi sa kwarto doon ko na lang sya dadalhin sa ginagamit na kwarto ni Faye, magtiis na lamang sya sa maliit na kama. He really was drunk. Dahil hindi pa man nakakapasok sa kwarto ay nagsuka na sya.

"Haii nako Yuseff!!!"

Dahil kahit na nakakainis itong ginagawa nya, iniayos ko pa rin sya at binihisan. May ilan pa akong gamit ni Papa na nakasama sa gamit ko na maaari kong ipasuot sa kanya. Kaya nung matapos syang magsuka ay nilinisan ko sya at pinunasang mabuti.

Nagkaroon na naman tuloy ako ng pagkakataon na matitigan ang gwapo nyang mukha.

"Kahit ano pa man ang mangyari, tatanggapin kita ng buong puso dahil mahal na mahal kita hubby."

Hinalikan ko sya sa noo at nagpasyang matulog  na lang sa tabi ni Yugi.

A LOVE THAT STARTED IN MY BOSS' OFFICEWhere stories live. Discover now