CHAPTER 28.5

3.7K 77 2
                                    

Fere's POV

I woke up with throbbing head and body. I stared at the white ceiling.

A doctor came in

"Mrs. Hernandez?"

I pushed myself up so I could seat. Pinipigilan ako ng doctor pero I opt not to listen. Pinatunayan kong malakas na ako at kaya ko na ang sarili ko.

"Do you know your situation prior today?"

"Yes, I am 10 weeks pregnant."

"So do you know---"

"Yes, I lose him."

Gusto kong magsinungaling sya. Gusto kong maniwala sa miracle. Gusto ko kapitan ang dating pangako ni Yuseff na hindi nya ako iiwan. Gusto ko maniwala na panaginip ang lahat ng nangyari, na binabangungot lamang ako at ngayong gising na ako, yayakapin ako ng mahigpit ng asawa ko at hahalikan para mawala ang takot ko. Pero sino bang niloloko ko? Alam na alam ko naman ang totoo dahil maliwanag pa sa ilaw sa loob ng kwartong ito ang lahat.

Binigyan nya ako ng malungkot na ngiti. Sa pagkakataong iyon, gusto ko syang yakapin. Gusto kong tawagan ang mga kaibigan ko.Gusto ko ng kahit sinong yayakapin ako. Gusto kong damayan nila ako, pero hindi pwede. Tama na. Ayoko nang makitang mahirapan sila ng dahil sa akin. Ayoko nang makitang malungkot sila para sa akin.

Kung ito man ang kabayaran sa lahat ng kasalanang nagawa ko, tanggap ko kahit na masakit. Masakit? hindi ko na nga ramdam. Parang manhid ang buong pagkatao ko ngayon. Kahit siguro saksakin ako ngayon, hindi ko mararamdaman.

"Mrs.—"

"How long am I sleeping?"

"About 2 days already."

"Can I go now?"

"But—"

"Dra, I believe mahal itong ospital nyo at hindi charitable institution. Honestly, wala po akong ibabayad sa inyo. Wala po akong pera. Etong mga gamit ko lang ang meron ako. Kung papatagalin nyo po ako dito, lalaki ang bill ko, magugutom ang mga kapatid ko at baka tuluyan na mabaliw ang mama ko."

"Pero Mrs.—"

"At isa pa po, hindi po ako Mrs. Hernandez, fake po yang ID ko na nasa bag."

"Hindi mo pa kaya. Masyadong maraming—"

"Dra., kaya ko na po. Gusto nyo, ganito na lang pipirma ako ng waiver para irelease nyo ako. Na wala kayong pananagutan sa akin dahil kagustuhan ko ang lumabas. Dra. Madami pa po akong kailangang gawin. Napakatagal ko na pong nagpahinga."

She just look at me with pity. Oonga naman, nakakaawa ako.

Malaki ang bill. Nakatitig lang ako sa papel na nasa harap ko. Saan ako kukuha ng pambayad nito? Bakit kasi dinala pa nila ako sa ospital? Wala na din namang pag asa.

The doctor came in again to give me prescriptions. Sinabi ko sa kanya na wala akong ibang maibabayad. I remembered I am wearing my Mama's emerald earings. Alam ko na mejo may halaga ito so I handed it to the doctor.

"Doc, wala talaga akong pwedeng ibayad kundi ito. Totoong emerald po yan. Namana ko pa po yan. Yan na lang po ang meron ako kaya po sana pwede kong ibayad yan dito sa ospital."

The doctor is kind enough to accept the emerald. Sya na din daw ang bahala sa bills ko. She even lend me a dress. Para may maisuot ako.

"Doc, kung dadating ang panahon at magkikita tayong muli, sana pwede ko pang mabili ulit ang mga hikaw na yan. Napakahalaga po nyan sa akin pero yan na lang po ang meron ako. Kapag po kaya ko na, babalik po ako para mabili ko ulit ang hikaw na yan sa inyo. Yun ay kung pagbibigyan pa po ako ng pagkakataon."

A LOVE THAT STARTED IN MY BOSS' OFFICEWhere stories live. Discover now