Chapter 18:

13 0 0
                                    

Agad kong niligpit ang mga gamit ko at lumabas agad sa coffee shop. Sumunod naman si Toby sa 'kin habang naiwan sa loob si Thomas.

I walked straight ahead not even knowing where to go.

Toby and I walked silently. Walang umiimik sa amin. Ang tanging naririnig mo lang ay ang ihip ng hangin, ang aming hininga at ang aming footsteps. 

Huminto at umupo ako sa isang bench sa park na malapit sa kung saan kami nanggaling kanina.

Dahil nabibingi na ako sa katahimikan at parang nawalan ng dila tong kasama ko, ako ang unang nagsalita.

"So, magkapatid pala kayo?" sabi ko ng hindi lumilingon sa direskyon niya. Pareho kaming hindi makatingin sa isa't isa.

"Half-brother ko siya. Anak sya ni Dad sa ibang babae."

"Bakit magkaiba yung aplelyido niyo?" nagugulohang tanong ko kay Toby.

"Ginamit niya yung sa mom niya." 

.....

"Wala kang balak ipaalam sa 'kin ang tungkol sa inyo? Akala ko ba hindi tayo maglilihim sa isa't-isa? At matagal niyo na pala akong ginagawang tanga."

"Sorry na...Gusto ko naman talagang sabihin sayo pero ayaw ipaalam ni Dad sa iba."

"So alam nato ni Tita?"

"Ewan. Parang hindi pa."

"Kelan mo pa nalaman ang tungkol sa affair ni Tito?"

"A few years after we went to the states. Pinasunod kasi ni dad si Harry doon at pinag-aral sa parehong school kung saan ako pumapasok at doon siya pinakilala ni dad sa 'kin as my half-brother. Inex-plain ni dad sa akin ang lahat ng mga pangyayari at kung paano kami umabot sa ganung sitwasyon. Natanggap ko naman agad ang lahat at naging magkapatid talaga ang turingan namin ni Harry sa isa't isa. Siguro dahil na rin sa murang edad ko nalaman kaya hindi ako nahirapang mag-adjust."

"Asan yung mom niya?"

"Yung mom niya? Naiwan dito sa Pilipinas. Binigyan siya ng business ni dad which is a restaurant." 

So tama nga ako, yung restaurant na pinuntahan namin ni Thomas(Harry) once ay sakanila. 

"Kung hindi ko pa kayo nabuko ay hindi ko malalaman ang lahat ng ito, tama ba ko?"

"Parang ganun na nga. Gusto kasing itago ni daddy ang tungkol kay Harry baka kasi makasama raw sa negosyo at siguro pati na rin sa pagsasama nila ni mommy. Mahal na mahal niya kasi si mommy, ayaw niyang masaktan ito."

"Paano naman yung mommy ni Thomas?"

"Tanggap naman niya ang sitwasyon namin. Alam niyang mas makabubuti kung mananahimik nalang siya."

"Siguro minahal niya talaga si Tito kaya nakakayanan niyang magsakripisyo ng ganito kahit na masakit." Lumingon ako sa direksyon niya. 

"Lahat naman siguro gagawin natin para lang sa taong mahal natin diba?" Pagkasabi niya nun, lumingon siya sa direksyon ko. 

There's something in Toby's eyes. Something's bothering him, I'm pretty sure about it.

"What's bothering you?" tanong ko agad sa kanya. Nagulat siya sa tanong ko pero nakabawi naman agad.

"Nothing. I'm thinking bout something, but it's not that important."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 31, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hang On, Don't Let Go...Where stories live. Discover now