Chapter 5:

11 0 0
                                    

Chapter 5:

Nandito kami ngayon sa isang lugar na kung saan pwede mong matanaw ang buong city, TOPS ata ang name nung place kasi nga nasa tuktok ka. Ang sarap ng simoy ng hangin dito at medyo malamig ang temperatura dahil medyo bukirin ang lugar na ito. Yung malapit sa burol at maraming nakapalibot na puno. At ang isang pang tanawin dito ay ang city lights ng buong city tuwing gabi.... 

Nakaupo kami ngayon ni Toby sa isang malaking bato na nasa edge ng cliff, mas maganda kasi ang view...

"Cass, are you sure you're okay?" tanong ni Toby na concern na concern ang mukha.

"Oo, ang kulit mo din noh? Sabi ko okay lang ako, konting bruise lang naman to no, malayo sa bituka. Haha..." Tinawanan ko siya, worried na worried kasi ang expression niya. 

"Patingin nga ulit ng pasa mo." Pinakita ko sa kanya yung pasa ko sa braso na nasa left side.

"Grabe pala yung pagkabangga mo kanina noh? Namamaga pa kasi oh. Ipa check na kaya natin sa hospital yan."

Inilayo ko sa kanya ang braso ko at tiningnan siya. "Oy, ano kaba. Ang OA mo! Okay lang talaga ako promise. Hindi na kailangan ng hospital. Hindi naman to nakakamatay." inirapan ko siya ang OA kasi masaydo, para pasa lang.

"Concern lang naman ako. Baka makita yan ni Tita at mapapagalitan ka pa."

"Hindi niya to makikita, natatabunan kasi ng sleeves ng uniform ko so chill ka lang dyan at mag relax." Inalis ko ang tingin ko sa kanya at binaling ko sa city lights. Nagsisilabasan na kasi ito dahil gumagabi na din.

Ang ganda talaga dito. I feel so relax for the first time in my life. Yung walang iniitindi sa buhay.

"Ngayon ko lang kaya na-experience ang ganito. Yung walang nakabantay sayo, yung malayo sa mapanghusgang mata ng tao, yung Walang nanggugulo. Malayo sa lahat..." Nilingon ko siya, doon ko lang namalayan na nakatitig pala siya sa 'kin.

"Thank you for this. Thank you for letting me experience what it feels like to be free, to be away from everything." abot tenga siguro ang ngiti ko ngayon, ang saya ko talaga... 

Niyakap niya ako ng mahigpit pero iniwasan niya yung pasa ko. 

I feel so carefree when I'm with him. I'm so thankful na nandyan lang siya palagi kapag kailangan ko siya. Masasabi ko talaga na ang swerte ko sa bestfriend ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko pag nawala siya sa 'kin.

"I will do everything that I can to make you happy Cass. Ito lang naman ang wish ko eh... yung makita kang masaya. And I'm so glad that I put that..." tinuro niya ang ngiti ko "..on your face." Then hinalikan niya ako sa pisngi.

Sabay naming tiningnan ang buong city....Hindi niya pa rin inalis ang yakap niya sa 'kin. Nakaupo lang kami sa bato sa edge ng cliff.

Bigla kong naisip sina Kuya Jeff at Ate Rose. Ano na kayang nangyari sa kanila ngayon? Umuwi na kaya sila ng bahay? Oh no! Patay ako pag nagsumbong sila kina Dad at Mom. Naalala ko yung nangyari kanina.... 

FLASHBACK:

Pagkalabas namin ng room ay dinala niya ko sa parking lot. Doon kasi naka park yung kotse niya.

"Kuya Jeff, sa akin sasabay si Cass ha?"

"Pero sir hindi..." Nagsalita agad si Toby bago pa makasagot si Kuya Jeff.

"Pumayag kana kuya, nakasunod pa rin naman kayo sa 'min eh. Please..."

"Sige na Kuya Jeff, pumayag kana. Ngayon lang naman to oh. Hindi naman kami magpapakalayo. Mababantayan mo pa rin kami." sabat ko agad sa usapan nila. 

Hang On, Don't Let Go...Where stories live. Discover now