Lihim 2: Chapter 2- Got new job!

Börja om från början
                                    

Ah? Hanudaw?

"Tanggap na ako?" Turo ko sa sarili ko.

Tumatawang tumango-tango ito.

"Yup.. kaya mo rin siguro 'yon. Madali lang magsecretary. Saka tiyak magkakasundo kayo.." pahina ng pahinang sabi nito.

"huh? Secretary ako?"

"Yup.. welcome to E.J.B Corporation Miss Marydale Entrata." Kinuha nito ang kamay ko at nakipag-handshake sa'kin. "Sayang kakakuha ko palang ng sekretarya ko. Akin ka nalang sana. Di bale araw-araw naman na kita makikita."

Secretary talaga? Akala ko ba factory worker.

"By the way.. I'm Ronnie..call me yours.. I'll see you on monday Maymay and nice meeting you" nakangiting sabi nito.. mali, malanding sabi nito. Ayaw pa rin nitong bitawan ang kamay kong hawak-hawak pa rin niya.

Marahang binawi ko ang kamay ko dito.

Nginitian ko nalang siya ng tipid para matapos na kami.

Sa wakas natapos din kami. Wala akong balak makipagkwentuhan sa kanya kahit ang gwapo ni kuya at ang kyut ng mata tuwing ngingiti. At isa pa gutom na gutom na ako.

Speaking of gutom.. tumunog ang selpon ko at siya ang sagot sa gutom ko.

Agad kong sinagot ang tawag.

"Chan ano ba niluto mo ngayon? Pakain naman diyan oh.." agad kong sabi dito.

Narinig ko ang malakas nitong tawa sa kabilang linya. Matapos naming mag-usap ng konti, pinara ko agad ang paparating na taxi.

Someone's POV

"Ayoko na! Please lubayan mo na kami.. mahal na mah.."

Bago pa niya matapos ang dialogue niya sinampal ko na siya ng malakas para magising siya kahibangan niya.

"Baka nagkakalimutan na tayo! Wala ka kung wala ako! Tandaan mo 'yan!" Singhal ko dito at sinampal ulit ng mas malakas pa sa una.

Napahagugol ito, pero wala akong pakialam kahit maglupasay pa siya sa sementong tinatapakan niya.

"Mahal na mahal ko siya.. naguguilty na ako sa lahat ng.."

"Eh tarantada ka pala eh! Sinabi ko ba sayong mahalin mo siya?! Bobo! Tanga! Akin lang siya!" Singhal ko dito sabay tulak dito.

Mas lalong lumakas ang iyak nito na siyang mas lalong kinairita ko.

"Tumigil-tigil ka nga diyan sa pag-aatungal mo diyan! Nagmumukha ka lang aso.. Sundin mo lang lahat ng gusto ko para di tayo magkaproblema.."

Bago pa ako tuluyang mabwisit dito pumanik na ako sa itaas kung nasaan naroroon ang aking silid.

Kinuha ko ang alak na di ko naubos kagabi saka tinungga ito ng diretso. Pagkalapag ko sa bote, inilabas ko naman ang sigarilyo at sinindihan ito.

Sampung taon.. isa lang ang inaasam ko ang mapasaakin siya.

Tumingin ako sa bintana at tinanaw ang kalangitan.

Maymay's POV

"Oi nag-aaway na naman kayo.." saway ko kina Chan at Conde.

Kahit kailan di na nagkasundo ang dalawa.

Nang malaman ni Conde na papunta ako sa resto ni Chan agad din itong nagpunta dito.

Kaya heto, nag-aasaran, nagbwibwisitan at nagpipikonan silang dalawa.

Mga abnoy lang eh..

"Tama na nga niyan. Uuwi na ako."

"Hatid na kita.." magkasabay na sabi nila.

"Dude seryoso iiwanan mo resto mo? Sinong magluluto dito?" Nakangising sabi ni Conde.

"Bakit ka ba epal ng epal dito?" Matalim na sabi naman ni Chan.

Naku naman po oh!

Tumayo nalang ako at iniwanan sila.. pagkalabas ko narinig ko na may tumatawag sa pangalan ko.. sina Chan at Conde.

"Chan bumalik ka na sa loob. Thanks sa pagpapakain sa'kin ulit.. okay lang ako. kailangan ka nila dito." Nakangiting sabi ko.

Napipilitang tumango ito at ngumiti din sa'kin. Nagpaalam na ito sa'kin pero bago ito tumalikod binigyan pa nito ng matalim na tingin si Conde. Ang siraulong Conde naman sinagot ng nakakalukong ngisi si Chan.

"Tara.." untag ni Conde sa'kin sabay kuha ng mga gamit ko. "Saan ka ba nanggaling?" Tanong nito ng makasakay kami sa sasakyan nito.

"Nag-apply ng trabaho at alam mo ba?" Masayang pamamalita ko dito.

"Ano? Binibitin pa eh.."

"Atat? Hmp!" Nakaingos na sabi ko.

"Ano nga?"- Conde.

"I got new job!" Nakangiting sabi ko dito.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?! Di sana libre 'yong kinain ko kanina.. siguradong icecelebrate ni Christian 'yan." Sabi ni Conde habang umiiling-iling.

"Sira!" Natatawang sabi ko rito.

"Teka saan at ano ang bago mong trabaho?" Nakangiting tanong nito.

"Sexycretary.. sa E?? basta Corporation ang dulo.. E? EG? EJV? EJB?? Tama.. tama E.J.B Corporation." Tumatangong sabi ko

Muntik na akong mauntog ng biglang nagpreno ito.

"Ano ba?! Papatayin mo ba ako?!" Asik ko dito.

"Bakit doon?! I mean.. arrghhs" frustrated na sabi nito.

"Ano??!"

"Wala!" Singhal nito.

Sinamaan ko siya ng tingin..

"Sorry na.. nasaktan ka ba?"

Umiling ako dito kahit nawewerduhan ako sa kilos nito pinagsawalang-bahala ko nalang. Malamang nagtritrip na naman ang mokong na ito.

"Hatid kita bukas.." seryosong sabi nito bago ulit pinaandar ang sasakyan nito.

Hindi ko na siya sinagot.. umayos nalang ako ng upo at tumahimik.

Ang weird niya.

Hatid pa niya ako.. tatay na tatay talaga ang dating ni Conde sa'kin.

Pa-epz si Totz!

Thanks ulit ng marami sa mga patuloy na nagbabasa at bumuboto nito.

Pagtiyagaan niyo nalang ang mali-mali ko diyan..sa jeep lang ako nag-update.

Thanks po ulit (^_^)/

Nakakilala ako ng mahilig magbasa ng Watty dito sa jeep. hehehe natensed ako bigla ng tinanong ako.. pipi kasi sa personal hehe.. etchos lang.. 89% mahiyaing Maria Clara pa ako.

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Där berättelser lever. Upptäck nu