Lihim 2: Chapter 2- Got new job!

Magsimula sa umpisa
                                    

Sabi ni Chan doon nalang daw ako mag-apply sa kanya. Hehe ayoko nga.. gusto ko ng panibagong trabahong pang-opisina. Ang gulo ko noh..

Tumawid ako sa pedestrian lane para pumuntang kabila. Nakakita ako ng kumpulan ng babae sa may harapan.

Naglakad ako papunta sa mga ito at nagtanong kay ate sa may hulian ng linya.

"Teh anong meron?" Untag ko dito.

Tinignan muna ako nito.

"Applayan malamang.." mataray nitong sagot.

Pambihira naman ito.. ingudngod ko kaya makita niya! Hmp! Nagtatanong lang eh!

"Ng ano?" pagtitimpi ko. Ngumiti ako ng tabingi.

"Sa factory.." impatient na sagot nito.

"Salamat ah... po!" Sagot ko.

Factory ng ano kaya? Hmm factory worker.. try ko kaya. Di na masama.. pumila na ako.. sa kamalas-malasan nasa pinakadulo ako.. wala pang makausap. Ang sungit ni ateng! Hindi niya siguro matanggap na may diyosang tumabi sa kanya.

Kumakalam na ang tiyan ko.. paunti-unti lang ang usad ng linya. Ibang klase naman! Isang daang tanong ba ang tinatanong ng mga nag-iinterview dito?! Tumingin ako sa suot kong relo.. 10:34am na rin pala.

After bente years sa wakas malapit na ako.. alas-dose na ayon sa relo ko. Wag na wag lang nilang masabi-sabing lunch break muna, kundi pasasabugin ko talaga ang building sa ito!

"Next three in the line!" Sigaw nang kung sino.

Bakit di nalang apat? Pang-apat ako at ako nalang ang natitira.. ititira pa nila ako! Ang sama! ilang minuto din ang tinagal bago lumabas ang tatlo.

"Oh meron pa pala! Bakit di ka na sumama sa tatlong nauna neng?" May mataas na boses na sabi nito.

Alam ko? Alam ko? Kasalanan ko pa ba? Nakita naman niya akong nag-iisa kanina ah! Pambihira!

Gustuhin ko mang sagutin si manang.. pinigilan ko ang sarili ko.

"Ano pa tinatanga mo diyan? Pasok na!" Masungit na sabi nito.

Kinagat ko ang dila ko para pigilan ang sarili ko.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagpasyang pumasok sa loob.

"Good afterno...." napatigil ako at napatulala dito nang umikot ang swivel chair nito paharap sa'kin.

Ang gwapo! (^_^)

"I thought tapos na.. sit down Miss?"

"Miss Entrata ho.. Marydale Entrata po sir. Maymay for short?!" Putol ko dito sabay ngiti ng matamis.

Napangiti din ito. Senenyasan niya akong maupo. Agad naman akong tumalima at naupo sa upuan sa harap ng lamesa nito. Inabot ko rito ang resume ko.

"Umpisa na natin ang interview Maymay" nakangiting sabi nito. "HRM graduate ka pala.. and twenty-eight years old na rin." Pagbabasa nito sa hawak nitong resume ko.

"Ah yes po sir.. ah eh bata pa ako sir nasa kalendaryo pa edad ko."

Natatawang bumaling ito sa'kin.

"Yeah nakikita ko nga.. nagulat lang ako akala ko kasi fourteen years old lang kaharap ko." natatawang sabi nito.

"Ah.." napakamot nalang ako ng ulo ko.

Mukhang nag-iisip-isip pa ito at minsan nangingiti pa.

"Kung ikaw nalang kaya.. tiyak magiging roller coaster ang.. nevermind. You're hired Maymay. Report at monday 8am sharp." Nakangiting sabi nito.

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon