CHAPPIE 64 ♚

26K 686 25
                                    

3rd Persons pov


Nang mapatay na ni Kodie lahat ng kalabang nakapaligid sa kaniya, kinausap niya sa isip niya lahat ng members niya na hanapin kung nasaan si Hazel at kung ano na ang nangyari sa kaniya. Nang matapos na niyang makausap ito, tatay naman niya ang kinausap niya sa isip niya.

"Are you alright dad? Or should I ask kung okay lang ba yung mga bata diyan sa loob?" Bahagyang napangiti naman ang tatay niya. Hindi kasi kinakamusta ni kodie ang dad niya kasi alam naman nito na kayang-kaya ng dad niya ang sarili niya kasi never pa niyang nakita itong malubhang sugatan. Nang lumaban ito dati sa ibang lugar, daplis lang ang natamo nito.

"Haha, inaalam palang namin kung kumpleto silang lahat. Naiyak parin sa takot ang karamihan sa kanila. But I think we're all fine tho. Sana nga'y walang matigas na ulo na lalabas ng R.A." Pagkatapos nun ay namaalam na si Kodie. Binigay ni Rex ang lokasyon ni Hazel at dali-dali siyang tumakbo papunta roon.

Natanaw niya si Hazel na dahan-dahang naglalakad. Napangiti si Kodie nang makitang nakangiti ito—binilisan niya pa ang takbo at biglaang niyakap si Hazel na ikinagulat naman nito—nang matauhan na si Hazel, niyakap niya rin ito pabalik.

Tumulo ang luha ni Hazel ngunit hindi parin napapawi ang ngiti sa mga labi nito. Hinigpitan niya ang yakap kay Kodie sabay bulong, "Tapos na. Wala na siya."

Maya-maya'y kumalas na sila, hinawakan ni Kodie ang kamay ni Hazel at hinalikan ito habang nakangiting nakatingin ito sa mga mata ni Hazel.

"Mine, I'm glad you're still breathing." Nagsimula na silang maglakad pabalik ng Academy.

"Ako rin." Sabi ni Hazel. Muntik na siyang matumba dahil nananakit ang hita at paa niya. Marami ring pasa, daplis at kung ano pa sa katawan niya. Buti nalang at napakapit siya kay Kodie. Binuhat naman siya ni Kodie nang pa bridal style.


Hazel's Pov

*****fast forward*****


Nandito ako nakahiga sa kama sa Hospital. Ramdam ko parin yung sakit ng mga sugat ko pero hindi na ganoon kasakit.

Nakaramdam ako ng kaginhawaan nang maisip ko na wala nang gugulong muli sa aming lahat. Wala nang magtatangkang muli na pumatay samin. Sana nga, wala na.

Pero agad naman akong nalungkot nang maisip ko si Dyana. Yung mga ngiti niya, hindi mawala sa isip ko. Ganito siguro talaga ang buhay. May mamamatay at mamamatay sa kahit anong oras at kailangan nating maging handa sa oras na may mawalang mahal natin sa buhay.

Sa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang may kumatok at bumukas ng pinto.

Nandun si Kodie sa pintuan, wearing his poker face na ikinataka ko naman. Mukha siyang bad trip na ewan. Bakit naman?

Padabog siyang nagtungo papunta sa akin at nagulat ako nang halikan niya ako sa labi. Nanlalaki ang mga mata ko pero maya-maya'y pumikit na rin ako't tumugon sa mga halik niya. After some minutes, tumigil na rin siya at sinabing, "Parusa mo yan sa pagyakap mo kay Luke." Iwas tingin niyang sabi sakin, nakapamulsa at nakakunot ang noo. Medyo magulo rin ang brownish na buhok niya na mas lalo niya pang ikinagwapo. Napangiti naman ako dahil alam kong nagseselos siya. Nakita pala niya yun? Hahaha.

"Ang gwapo mo talaga." Sabi ko at mahinang tumawa.

"Tss." he reacted at mukhang naiinis.

"I love you." Agad niya naman akong nilingon nang nakataas ang kilay. Kinindatan ko naman siya habang nakangiti.

"Para ba yan kay Luke?" Kunot noong sabi niya. Wahhh! Nagseselos talaga ang mokong HAHAHAHA. Ang cute niya pag nagseselos.

"Para sa hahalikan ko ngayon." Sabi ko at hinila siya at hinalikan.


[ 3 days later ]


Nakabalik na rin ako ng R.A. Magaling na kasi ang mga sugat ko. Naglakad ako sa Hallway at binabati ako ng mga nakakasalubong kong estudyante. Naaalala ko dati, hindi nila ako pinapansin at kulang nalang patayin ako ng iba sa tingin dahil kasama ko ang mga mapapangit na mga ugok.

Biglang may umakbay sakin, "Ready ka na ba mamayang gabi?" Tanong ni Kuya habang nakangiti. Naglalakad kami ngayon patungong library.

"Anong meron mamaya, Kuya?" Tanong ko. He pouted.

"I-cecelebrate ang 103rd years ng R.A., remember?" My mouth went 'o'.

"I forgot! Ang dami naman kasing nangyaring hindi maganda, may gagawin pa tayo sa castle. Aba!" Sabi ko at ginulo niya ang buhok ko.

"Yung damit nga pala, nasa castle na... tatlo yun, mamili ka nalang." Sabi niya at kinindatan saglit yung babaeng nakasalubong namin. Tumili naman ito. I rolled my eyes.

"Anong klaseng damit naman yun?" Tanong ko.

"I checked it kanina. Gown." Napasipol naman ako roon. Papasok na sana kami ng library nang hilain niya ako papunta sa Cafeteria. "Libro nanaman, ang aga-aga oh." it's 10:45am sa watch ko. Maaga ba yun? Hindi ko feel.

"Ang bongga yata ng celebration?" React ko. Nakita ko sa isang round table ang mga ka-grupo ko at nagtungo kami roon at naupo.

"Girl, anong susuutin mong dress mamaya?"

"Ewan ko."

Rinig kong sabi ng mga babae sa kabilang table. Dress? Dress naman pala.

"Dress daw ah." bulong ko kay kuya.

"Nakakalimutan mo yatang prinsesa ka?" Sabi ni Kuya sabay ngisi at kuha ng pagkain ni Kodie. Mukhang sanay na si Kodie kay kuya kasi hindi naman siya umimik, kain lang ng kain.

"Ganun ba talaga pag prinsesa?" Tamad na sabi ko. Hindi kasi ako pala gown.

"Oo naman, yes." sabay tango niya.

Nang matapos na silang kumain, nagtungo na kami sa castle. Hindi ako kumain kasi di ako gutom. Sila Kodie, Rex, Luke at Cymon nag-ayos na rin para mamaya.

Sabi ng tatay ni Kodie na nakasalubong namin kanina sa Hallway, 4:30 daw ang start ng celebration. Napadaan din kami kanina sa quadrangle kung saan maraming estudyanteng tumutulong na mag-ayos ng lamesa, stage at kung ano pa.

Nang makarating na kami sa loob ng castle, bumungad sa amin si Vieve. Nag'Hi' siya sakin at hinalikan naman ni Kuya sa pisngi ito. 2:15 na at nakaayos na siya. She's wearing a white dress na bumabagay sa maputi niyang balat. Nakabraid naman ang kalahati ng buhok niya.

I smirked at tinusok ang beywang ni Kuya. "Hindi naman nakarating sakin na kayo na pala." Then I pouted. Ngumiti naman si Vieve.

"Yan kasi, pawala-wala ka pa." Sabi ni Kuya at ginulo yung buhok ko.

"Sabay na ako sa inyo magtungo roon." Sabi ni Vieve. Nagpaalam na muna kami kay Vieve at hinila na ako ni Kuya papunta sa taas. Sa dressing room.


Itutuloy....


****
A/N :

This update is lame.

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon