CHAPPIE 1 ♚

126K 3.1K 237
                                    

Bumaba na kami nang kotse.

"Be sure to comeback home early okay? You need to do household chores." Talagang may -S pa talagang kasama dun sa chore thingy ha!

"Yes auntie." Sagot ko at saka inayos ko ung pagdala ko ng bag.

"And remember the 'EOR'?" ang ibig sabihin nyan ay 'English Only Rule.'

Rule no. 1- Tsaka lang magtatagalog kapag ang subject sa classroom ay tagalog.

Rule no. 2- English language ang gagamitin kahit nakikipag-usap lang kung kanino. Sa loob man o sa labas ng school.

Mabuti nga at sa mansion ni Auntie pwede magtagalog. Kung hindi maliligo na ako sa dugo kakanosebleed.

Ginawa niya yang rule na 'yan para daw mahasa ko daw yung galing ko sa pag-eenglish. Mapa-aacent man o mapasalita. Ang parusa kapag hindi sinunod? Mas dadagdagan niya yung mga papagawain niya saking household chores. Kapagod kaya yun. That will be hell.

"I will never forget that rule, Auntie." Talagang hindi ko makakalimutan yun! Tuwing tatapak ba naman kami dito sa school, lagi niyang pinapaalala.

"Very good." Nauna siyang pumasok sa gate at sumunod lang ako.

Sayang talaga at wala si Dyana Flores slash nag-iisa kong bespren.

Nandun na kasi siya nag-aaral sa Royal Academy. Syempre proud na proud ako sa kaniya't nakapasok siya doon. Pero nakakalungkot nga lang kasi hindi na kami palaging magkadikit.

Yun lang naman kasi ang kasama ko sonce then. Medyo hindi pa nga rin ako sanay na wala siya sa tabi ko. Kababata ko kasi ang isang iyon kaya ganun nalang kami ka-close sa isa't-isa.

She has Earth Power, by the way.

Mabuti na nga lang at nauso yang phone or other gadgets. Kaya nakakapag-usap parin kami. Nakakamiss talaga yung babaitang yun. :(

Nakapasok na kami ni Auntie sa school building. Nagtungo na siya sa faculty at ako naman sa locker ko. Binuksan ko na yung locker ko at kinuha ung spell book. Para sa sorcery namin mamaya. Excited na ako. ^^

After some few minutes, biglang may nagsara padabog ng locker ko na naglikha ng malakas na ingay na ikinagulat ko.

"Well, well, well.... look who's here." Mataray na sabi ni Syndie. Tinanggal ko yung headphone ko sa tainga at sinabit sa leeg ko. I shrugged in disappointment. Paano kaya kung gawin ko rin sa kaniya yun? Edi nganga siya, ganon?

Si Syndie Serrona nga pala. Ang kinakatakutan ng karamihang babae dito sa MA.

Sikat kasi ito sa pambubully bilang isang dakilang clown este leader ng grupo niyang mga mukhang bulate. Spice girls sila kung tawagin. Muntik pa nga akong matawa sa suot nila kasi mukhang kinapos sila sa tela, pero pinigilan ko nalang sa pamamagitan ng pagkagat ng pang-ibabang labi ko.

Hays, someday, luluhod ka rin sa harapan ko't magmamakaawa.

"Psh, Syndie and friends." Pang-aasar ko. Sa Tomas and friends ko yan nakuha. Lol.

(^-^)7

Sinara na rin naman niya yung locker ko... EDI ALIS NA AKO! BABUSHH!

Binangga ko lang ung shoulder niya at nilagpasan na sila.

Hindi pa ako nakakalayo, bigla niyang hinila yung buhok ko. May mga nagtitinginan na estudyante.

"You. will. rot. in. hell!" Sigaw niya habang sinasabunutan ako. Napahawak nalang ako sa buhok ko. Aray naman, shemay!

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon