CHAPPIE 6 ♚

74.3K 2.2K 52
                                    

Pumasok na ako nang tuluyan sa kwarto. Nasilaw ako sa ilaw na bumungad sakin pagpasok ko na ikinataka ko naman. Ni-lock ko muna yung pinto bago ko tingnan kung anong nangyayari.

"Aalis ka na?" Tanong ko nang makita kong kakatapos lang niyang gumawa ng portal. Mind reading, healing, at teleportation. Not bad for a person, medyo malakas lakas na din ang mahika.

Napangiti ako dahil siguro aalis na siya. Hindi naman sa gusto ko na siyang palayasin after niya akong gamutin, pero yun na nga yung gusto kong mangyari. Peace, joke lang. >3<

"No, aalis TAYO." There's never an US. Charot lang xD *secretly chuckling* Pero agad din namang napawi ang ngiti ko nang mag sink in sa utak ko iyon.

"Saan TAYO pupunta?"

Walang sabi-sabing bigla nalang akong hinila papasok ng portal.

Pumikit ako saglit kasi masyadong masilaw sa loob ng portal, dumilat na ako nang maramdaman ko nang napawi na ang nakakasilaw na ilaw.

"Where are we?" I asked out of curiousity. Nagpamulsa siya at saka inilibot ang tingin sa paligid, nakatingin lang ako sa kaniya.

"Royal Academy." Nanlalaking mata na inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Napaawang din ng bahagya ang aking bibig sa paghanga. Ang ganda dito! glob.

"Nga pala, bawal gumamit ng mahika dito ng walang pahintulot sa mga nakatataas dito sa RA. Hindi rin ako basta-basta nalang makababasa ng mind, kapag gustong-gusto ko lang." Pagshare niya. Natuwa naman ako roon. Huwaw, mabuti nalang.

Puno ng iba't ibang bulaklak dito, pati sa sahig. Nag-aalinlangan nga akong tumapak sa sahig kasi baka masira ko ang mga flowers pero tuwing bubuhatin ko na pataas yung paa ko, bumabalik lang sa dati yung bulaklak, hindi nasisira o ano.

"Ang ganda." Sabi ko at saka pumitas ng bulaklak. Naupo na rin ako sa lupa at tumabi naman si Kodie sakin.

"Mind telling me kung anong mga hawak mong mahika?"

"3 elemental powers, and etc." Sagot ko sa kaniya. So ano nga ba ang tatlong elements? Ito ay ang fire, frost, at air.

"Anong ability mo?" Tanong niya ulit. Ano to? Getting to know each other tapos hihingiin niya number ko tapos ililibre niya ako ng pagkain sa mamahaling restau or something? xD Charot lang hahaha.

Ibinaling ko sa expensive niyang mukha yung mata ko.

"Marami e." Nakatingin na siya sakin ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako nakikipag-usap sa stranger. >•<

"Bakit hindi ka pumasa sa R.A.?" Hm? Bakit ba ang dami niyang tanong? Hays.

"Paano ako papasa kung hindi naman ako nagtest." Natatawa kong sambit at parehas kaming ngumisi.

"Why?"

"Hindi ko alam, may nagyaya nga sakin kaso tinanggihan ko." Naalala ko, halos mahulog na nga ako sa hagdan ng MA kakahila niya para lang mapapayag ako na magtest dito sa RA.

Binaling ko ulit ung tingin ko sa bulaklak na hawak ko. Inikot-ikot ko yun gamit yung dulo ng hintuturo ko at ng hinlalaki.

"Bakit ayaw mo?" Tanong niya ulit. Tiningnan ko ung hawak na bulaklak niya. Biglang nagningning yung mata ko. Rose!

Sinundan niya yung tingin ko.

"Kunin mo na." Sabay lahad niya sakin nito na agad ko namang tinanggap. Rosas, kay gandang bulaklak.

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon