CHAPPIE 13 ♚

61K 1.8K 54
                                    

"What. Are. You. Three. Doing. Here?" Tanong ko, diniinan ko talaga bawat salita. May kasama sila, yung principal, dalawang teachers... and si kuya Janitor.

Nasa harapan silang tatlo. Tumabi si Kodie, kaya kaharap ko na ngayon sina Syndie and Friends.

Nakayuko silang tatlo. Winala ko ulit yung bubble ko.

"Uhm, Alzea we're," Nagtinginan sila. Ano nanaman 'tong pakulong 'to? "WE'RE SORRY." Sabi nung dalawang kaibigan niya.
Siniko naman nila si Syndie.

"....really sorry." Dugtong ni Syndie sa sinabi nila.

Tinaas ko lang yung kilay ko. Tiningnan ko si kuya Janitor. Nakangiti.

Nilapitan ko si Kuya at lumayo muna kami sa kanila. Nakatingin lang silang lahat sakin.

"Why did you do that? You really shouldn't complaint them." Bulong ko kay kuya, pabalik-balik yung lingon ko sa kanila habang bumubulong ako.

"They deserve it." Sabi ni kuya sabay ngiti.

"No kuya, they don't. You don't even have a proof, to show them." Bulong ko.

"I have." Sabi niya. Binalik na niya ako dun sa kanila. Tumabi na ako muli kay Kodie.

"Kuya Dredd has the video." Biglang sabi ni Kodie. Ha?

"What video?" Tanong ko. May bubble na pinakita si Kuya Janitor ( Dredd ) at nasa loob nun yung video.

Hinawakan ko yung bubble na ginawa niya at pinanood ko yung video.

Kitang kita. Nasa taas namin yung bubble. Pagkatapos nung video, kinuha na ni Kuya Janitor yung bubble na ginawa niya.

"So, what punishment do you decide on?" Tanong ko. Alam ko may parusa talaga, hindi ko lang alam kung ano yun. Nagtinginan yung teachers and principal.

"That's for you to decide." Sabi nung principal. Tiningnan ko silang tatlo.

"Since they seemed really sorry. They don't deserve penalty," Marunong ako tumingin kung plastic o hindi, at nararamdaman ko ngayon yung pagsisisi nilang walang halong kaplastikan.

Sino ba ako para parusahan sila sa pagkakamaling nagawa nila? Tao lang din naman ako, nagkakamali. Isa lang akong hamak na magic user, nagkakamali rin.

"I forgive you, three." Ngumiti sila at napaiyak.

"Mangako lang kayo na hindi niyo na uulitin yun ha?" Biglang singit nung isa naming teacher. Tumulo yung luha nila at tumango. Yan yung matagal ko nang hinihintay. Yung SORRY nila, yung hindi basta lang SORRY. Sincere na SORRY, na first time kong narinig sa kanila.

Niyakap nila ako at maya-maya rin ay kumalas na. Napansin ko, hindi na rin sila nagyeyelo pero medyo magulo ng buhok nila.

"Oshya, balik na sa klase." Sabi nung isa pa naming teacher. Tumalikod na siya kasama sila Syndie and Friends. Lumingon si Syndie. Bumalik siya at niyakap akong muli.

"Thankyou.. your majesty." Bulong niya. Hindi na ako nagtanong pa. Ewan ko kung ano yung sinabi niya. Maya maya kumalas na siya at tumakbo na papunta sa kaibigan nya.

Kumaway siya at kumaway na rin ako. Tiningnan ko si Kodie. Inakbayan niya ako at nilapit yung mukha nya sa tenga ko.

"You did the right thing, little sissy." Tumawa nalang ako.

"Naayos na nga pala yung mga papel mo at pwede ka nang pumunta bukas sa RA." Biglang sabi nung principal at may binigay saking brown envelope. Lahat nang natira ay nakangiti sakin.

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon