CHAPPIE 18 ♚

56.1K 1.6K 61
                                    

Kinabukasan


Hindi parin mawala sa isip ko yung nangyari kagabi. Can't forget it tho even if I tried to. 

Nandito ako sa dining room. Nagka-kape, wala pa kasi akong ganang kumain. Nakatulala lang ako habang umiinom. Natauhan lang ako nang mag vibrate yung phone ko. Nakita ko message ni Andre and bespren. Inuna ko munang basahin yung text ni bes.

From Bestie <3 :

Good morning sleepy head!!!! One hour and 20 minutes to go and first class mo na! I'm really excited for you.

Here's my Good Morning kiss! :-*

Hihi!!!!!

Lagi niyang ginagawa yan pero mayroon paring time na nakakalimutan niya yung good morning kiss niya. Ganyan yan ka-sweet.

To Bestie <3 :

Walang good sa morning ko bes.

Morning too Best. Mwuah :-*

Walang good sa morning lalo na't muntik na akong mapatay kagabi. I need to be much careful. Ang mga death, bloodshed, revenge, war, agawan ng trono and stuff. Hinding-hindi naman yan mawawala talaga sa mundo ng mga mahika.

Sometimes, parang mas gusto ko lang na wala akong mahika. Na mamuhay ng normal nalang. Pero kahit ganun, naiisip ko rin naman na mahirap ding walang mahika. Oo, maraming technologies na ang naimbento para mapadali ang paggawa. Pero, iba parin talaga kapag may mahika. You'll feel safe. Kasi, alam mong may panlaban ka. Whenever you're in danger, alam mong malalagpasan mo yun dahil makakalaban ka.

In the other side, I'm thankful for having such awesome powers. Because of that, I've met my groupmates. And also, naging magbespren kami ni Dyana. Hindi kasi siya plastik. Cause, I really hate fake friends. Sila kasi yung tao na walang paki sa iba. Selfish kumbaga kung tawagin ng ilan.

Nandyan lang sila kapag may kailangan sila sa'yo. Tapos, kapag nakuha na nila ang gusto mo. Ayun, Iiwan ka nalang sa ere na parang wala kayong pinagsamahan.

Sila yung tipo nang tao na ang gusto ay sila ang laging nasa taas. Itatapon ka nalang nila kung saan-saan kapag wala ka nang silbi.

Konti nalang ang totoo. Kaya, ang advice ko, mas mabuti kung kilalanin mo muna sila nang mabuti bago mo sila pagkatiwalaan, kung ayaw mong masira nila yung tiwala mo.

Swertihan nalang kasi ngayon ang pagkakaroon ng totoong kaibigan.

True friends are hard to find. Fake friends are so easy to find, kasi, sila yung kusang lalapit sa'yo. May kailangan nga kasi sila sa'yo.

So, you better watch out.

Tiningnan ko naman yung text message ni Andre.

From Andre :

Hayy! I got some morning bad news. :'(

Hindi ka daw pwedeng sumama samin sa public. Si Kodie nagdecide niyan ah? Para daw sa kaligtasan mo.Try mo kayang kontrahin? Para naman magkasama sama tayo! Pleaasshh! :'(

Sabi ko na e, wala talagang good sa morning sa araw na ito.

To Andre :

Nah, mas okay nang bad trip ka kaysa sa dumugin ako nang fans niyo. Nasobrahan na kasi kayo sa KAPANGITAN. Kaya ayan tuloy, ang daming fans. :P

Bad morning din sa'yo!

Ang sarap asarin ni Andre. To be honest, gusto ko naman talaga silang kasama kahit sa public. Ang boring kayang mag-isa.

Hindi na nila ako kailangang protektahan. I can handle myself bruh, hindi na ako bata.

About the uniform and I.D, may nagbigay na babae kagabi. Pati na rin yung medyas at sapatos. Nakaready na nga ang lahat.

Maya maya, nagvibrate ulit yung phone ko.

From Andre :

Aww~ Gwapo kaya AKO ;-P

Awtsu naman, nakatanggap ako nang dalawang belat! Ikaw ha, you're keeping me down. Sa Inner core nang mundo. As in, down down down. Iyak na ako, huk huk huk :'(

Hihi! Sarap katext to ehh. Ang cute lang.

To Andre :

Kpayn, iyak ka na. Sahurin mo sa balde. Para cool. Hihi :P

By that, hindi na siya nagreply.

Tumayo na rin ako and nilagay na yung mug sa sink. Pagkatapos nun nagtungo na ako sa shower. Syempre I'd done my daily routine. Pagkatapos kong gawin yun lahat, nilagay ko na yung libro sa bag ko.

I mean, yung Royal Academy na book. Ung hiniram ko sa library. Nabasa ko na naman yung ilang pages. Nalaman ko na ung tatay ni Kodie, King of Kings sa ngayon. Tingin ko next King of Kings ay si Kodie. Bagay naman siyang maging kasunod ng tatay niya.

I walk towards the mirror and scanned myself from head to toe. Some sort of my hobby.

Ang cute ng uniform nila. White long sleeves, Red, Black and White stripes yung necktie, ganun din sa palda na above the knee. Nakasabit sa leeg ko ung headphone. Mabuti nga't naayos. Ewan ko naman kung sino nag-ayos nito. I'm pretty sure na hindi si Kodie ang nag-ayos. Healing ang mahika niya, remember?

Above the knee yung pair of socks na suot ko. Black pair of shoes. Brownish na hair na curly, black na perfect eyebrows, medyo black na lipstick. I prefer black lipstick kasi than the red ones. Mahabang eye lashes, maputing skin--I think, mukha na akong belong dito sa R.A.

"Done checking your beauty? Pak! Straight english yun ah." Nagulat naman ako nang biglang nakita ko si Andre na katabi ko na. Napahawak pa ako sa dibdib ko sa gulat.

"You almost gave me a heart attack," I said, after I breath out. "Paano ka ba nakapasok dito?"

"Hindi mo nilock yung pinto." I checked him. He's cool with that uniform plus messy hair.

"BTW, beauty? Wala nga ako nun." I said, looking straight at the mirror. I think, I'm the ugliest person here. Hindi ko feel yung kagandahan ko, siguro naman kahit papano bagay ako ng 5% dito sa RA.

He lifted my chin up, at hinarap sa kanya. "You may not be the prettiest girl in the whole wide world, ikaw naman ang pinakamaganda dito sa R.A."

"Bolero." Biro ko sa kaniya sabay tawa naman niya.

"You really think so?"

"Yes. Tara na nga!" Sigaw niya sabay hila sa akin. Hinablot niya yung bag ko. Kinuha ko naman yung phone ko and susi ng room. Saka lumabas na kami.

Pagkalabas namin, pinagtinginan kami ng mga napapadaan dito na mukhang nautusan ng guro sa pagbitbit ng kung ano. Napapatingin sila sa amin pero kapag titignan ko sila, iiiwas nila sakin yung tingin nila.

Para ding nagtatanong yung iba kung bakit kasama ko si Andre. Hindi pa ba sila na-iinform about sa bagong transfer na babae? Tingin ko hindi pa.

Huminga ako ng malalim. Kung totoo ngang mapanganib ang pagsama ko sa grupo, kailangan kong ihanda ang sarili ko.





Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon