CHAPPIE 5 ♚

81.7K 2.2K 137
                                    

Masakit man ang ulo at medyo umiikot yung view ko, pinilit ko paring tumakbo papunta sa kusina para tingnan kung anong nangyari.

"What happened?!" Napahawak ako sa pinakadulo ng puting dingding para bumalanse nang makarating na ako sa kitchen. Mukha na rin kasi akong matutumba.

Ung isang kamay ko naman ay nakahawak sa pintuan. Napapikit pa ako saglit nang tumapak ako sa loob ng kitchen dahil kumirot bigla yung ulo ko. Arayyy, ano bang nangyayari sa ulo ko?

Nang tingnan ko na ang paligid, agad na nakita ko yung yayang naglilinis ng nabasag na platito. At nabaling naman ang mata ko sa kaliwa. Nakita ko naman yung lalaking nakaupo doon sa may mesa habang nanguya't nakatingin kay Auntie.

"And, who's that guy?" tanong ko. Katabi ni Auntie yung stranger na lalaking nakikikain sa pamamahay ni Auntie. Medyo familiar ang face niya, saan ko nga ba siya nakita?

Umiling nalang ako at tinigil na yung pag-iisip kung saan ko siya nakita. Mas lalo lang sumasakit yung ulo ko.

Umupo ako sa harapan ni Auntie, base sa mukha niya, nagtataka yata siya sa in-akto ko dahil ganun ang tingin niya sakin ngayon.

Kumuha na rin ako ng toasted bread at saka sumubo. Umayos na rin ng upo dahil mukhang mayaman yung nakikikain dito sa bahay ni Auntie. Kahit kasi simple lang ang pananamit nito, halata parin sa kilos tsaka sa mukha.

Hindi pa rin sumasagot si Auntie at parang walang balak sumagot. Nagtinginan lang sila. Ako naman, palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

An'meron?! ┐(∵)┌

Imbis na si Auntie yung sagot, yung lalaki nalang.

"Kodie Austria." Kodie Austria? Kodie? Ilang segundo pa bago ko siya natandaan. Ah! Yung isa sa mga lalaking nabanggit sakin ni bes?

Hays *face palm* bakit pa kasi ako pina-stalk ng babaitang yun? I mean, ayos naman nila't malakas yung dating. Tingin ko nga sinayang ko lang ang oras sa pangstalk sa kanila.

Naalala ko naman si Andre, ano kayang trip ng nesfrutang iyon?

"Kilala mo si Stephen Andre Cuestas." Sabi nung lalaki, si Kodie. At kataka-taka naman iyon kasi hindi siya tanong. Pa-uulitin ko sana si Kodie na sabihin ulit iyon at paparinggan ang huling tono, kung period ba talaga o question mark pero, hindi ko nagawa.

Inunahan kasi ako ni Auntie.

"Kilala mo si Andre? Kailan pa? Saan?" Tanong niya na mukhang kilala rin niya ang Andre na iyon.

Hindi ako nagsalita kasi tungkol nanaman ito sa lalaking nakakairita. Gusto ko sanang irolyo ang mata ko kaso nandiyan si Auntie at baka pagalitan nanaman niya ako.

Nilakihan ko nalang yung subo sa tinapay at ngumuya. Pag-kibit balikat lang ang isinagot ko kay Auntie.

Wait, kung period nga yun, paano nalaman nitong lalaking 'to na kilala ko si Andre? Kanina ko lang naman si Andre nakausap.

"Mind Reading." Wtf. Napamura nalang ako sa isip ko, napatitig sa kaniya habang nakakunot ang noo at napatigil sa pagnguya.

"Stop cussing." Saway niya sakin. Binungangaan muna ni Auntie yung maid na mabagal daw kumilos at saka nagwalk out. Iwan kami ni stranger, ganern?

"Kaano-ano mo si Auntie ko?" Tanong ko, at pag-iling lang ang sinagot niya. "Anak ka ba ng isa sa mga maids dito o kamag-anak?" Nakataas ang kilay habang umiling ulit ito. "Kaano-ano kita? Gardener ka ba? Mag-aaply ka bang taga-bantay ni Auntie? Nanay ka ba ng isa sa mga guards dito or what?" Nabulunan naman siya sa sinabi ko at agad na uminom ng tubig. Maya-maya, sumagot na rin siya.

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon