CHAPPIE 32 ♚

42K 1.2K 37
                                    

Walang ni isang sumagot. Tsk, yung iba itinaas lang yung kilay habang yung iba naman ay nakaquestioning look—well, except for Luke na nakatingin lang sakin.

"Bakit?" Tanong ni Andre habang nakakagat ngayon sa loob ng pisngi niya.

"Yeah, why?" Tanong naman ni Kodie. Nakarinig ako ng boses sa isip ko kaya napatigil ako.

'Wag mo munang sabihin. Hindi pa tayo sigurado.' Ang cold ng boses niya, hindi naman si Luke dahil pambabaeng boses yun. Hindi ko alam kung kanino yung boses pero baka nandito lang siya sa paligid. Nilibot naman ng mga mata ko yung saan.

"Finding someone?" Tanong ni Kodie kaya nabaling ang tingin ko sandali sa kaniya.

Nagwave si Lemia na lumitaw kung saan. Nakasandal ito ngayon sa pintuan.'Ako lang yun.' Tinitigan ko lang siya.

'Alam mo?' Tanong ko naman sa kaniya. Nakapagtataka kung paano naging magkaibigan ang isang cold tsaka ang isa namang friendly na mga babae.

'Ako pinagawa ng ilusyon so yeah.' Alam niya, alam niya ang lahat.

'Huh? Ano ba kasi yun? Alam nino?' Bigla namang singit ni Andre sa utak ko.

'Stop reading. Wala 'to.' Sabi ko nalang saka napabuntong hininga. Kahit na may iba silang binagong scenario sa ilusyon, tagos parin sa puso yung sakit.

"Labas na. Si Andre and Lemia na next. Iwanan niyo muna kami dito." Biglang sabi ni ma'am Zoe. Nagtaka naman kami doon. Tahimik silang nagtinginan at lumabas na rin. Hinawakan muna ni Andre yung kamay ko sandali saka umalis na rin.

'Take care sa laban, kuya. Goodluck!' Nilingon niya ako sa huling pagkakataon bago siya sasabak sa laban. Napangiti ako nang ngumiti na siya. Atlast.

'Bye little sissy namin! Pagaling ka.' Tumango lang ako hanggang sa makalabas na sila ng tuluyan dito sa silid.

"Nag-alala kami sa'yo ng sobra." Sabi niya saka naupo sa tabi ko.

"Bakit po?" Tanong ko sa kaniya. Tumikhim muna siya bago niya ako sinagot.

"Almost an hour ka nang trapped doon, akala namin hindi ka na makakalabas." Sabi na e, muntik na nga akong matuluyan doon. Nakakakaba.

"Ano po yung exact time na nakalabas po ako doon sa ilusyon?" Tanong ko sa kaniya.

"57 minutes and 58 seconds." Sabi niya, nanlaki naman yung mga mata ko doon. Sino kaya ang nakakita sakin sa loob? Kasi tinanong ko si Kodie, mukhang wala talaga siyang alam.

"Kaming mga teachers, si Lemia, at yung tatlo sa mga classmates mo." Napakagat labi ako doon. Siguro yung tatlong iyon sa mga kaklase ko, ay may kakayahan ring gumawa ng ilusyon kaya nasilip nila ako sa ilusyon na ginawa ni Lemia.

"Totoo po ba yung mga yun? Ano po yung binago niyo?" Napalunok naman siya doon. Kung nakakabasa lang sana ako ng isip, edi hindi na sana ako mamomroblema.

Ilang minutes din ang nakalipas at hindi siya makasagot. Iniwas niya ang tingin sakin. I know she's hiding something kaya mas lalo akong nakaramdam nang pagkacurious.

Sasagot na sana siya nang may kumatok sa pinto. Bigla naman akong nakaramdam ng inis, great, ayun na yun e. Bumukas yung pinto at nakita ko na yung doctor.

Pinalabas ng doktora si ma'am at kaming dalawa nalang ang natira dito. Nilapag niya yung dala niya sa gilid at nilapitan na ako. Mukha siyang mataray pero nung ngitian niya ako, parang umamo yung mukha niya.

Nginitian ko nalang siya pabalik.

"Taas mo yung t-shirt mo." Binaba ko naman yung kumot hanggang sa waist ko at tinaas yung t-shirt ko hanggang baba ng chest. Tiningnan ko yung sugat ko sa tiyan. Ang laki parin pala saka masakit.

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon