CHAPPIE 62 ♚

27.8K 701 67
                                    

Dedicated to : thegirlinbluemaskxox

------

Sabay-sabay naming in-activate yung kaniya-kaniya naming weapons. Patuloy parin sa paggawa ng Invisible Barriers ang iba. May mga shadows na nakapasok, at pagpasok nila naging pormang tao sila. Marami, sobrang rami nila. Tumingin ako sa langit, wala na ang silaw ng araw... parang gabi dahil madilim, ngunit gray ang langit.. tamang-tama lang na makita namin ang lahat ng nasa paligid namin. Mabilis kong binaril sa ulo yung dalawang kalaban na nagtangkang saksakin ang dalawang estudyante. Iba ang pakiramdam ko dahil sa sobrang lakas ng enerhiya na bumabalot sa buong paligid, samahan pa ito ng malakas na hangin na siyang nagpapadistract sakin kasi sa buhok ko kaya'y tinali ko ito ng pa pony habang sinipa yung 'ano' nung lalaking nasa harap ko. Bumagsak siya kasabay ng maliit niyang kutsilyong may itim na likido. Tiningnan ko ng maigi yung kutsilyo, may ukit ng simbolo ng Empress.

May tumatakbong papunta sakin, may nakahandang tri-dagger na tingin ko'y isasaksak niya sakin. Mabilis siya kaya binilisan ko rin ang pag-iwas dito. Tinapid ko pa siya habang natakbo siya. Nagulat naman ako ng hindi na siya gumalaw nang pagkatapid ko sa kaniya, nadapa kasi siya at hindi tumayo. Dahan-dahan ko siyang nilapitan at hinarap.. agad ko naman itong binalik sa pagkakadapa dahil nagulat ako sa nakita ko. Nakatusok na kasi sa may bandang ilong niya yung tri-dagger. Yan kasi, tatanga-tanga. Psh.

Hahakbang na sana ako papunta kay Kodie para tulungan siya nang may humarang sakin na espada na sobrang kintab at haba. Nakatutok ito sa leeg ko. Napalunok nalang ako sa takot. Tiningnan ko yung may hawak nito sa harap ko. Babae siya, nakamask siya na itim, half ng mukha.. mula noo hanggang sa may bandang ilong. Nakalugay ang itim na itim na buhok. May daplis na siya sa pisngi niya. "Where do you think, you're going." cold at mariin niyang sinabi. Katiting na space nalang ang layo ng espada sa leeg ko. Nararamdaman ko yung puso ko na kumakabog ng mabilis. Huminga ako ng malalim.

"Sa banyo, nadudumi ako e, don't tell me sasama ka sakin dun?" sabay tawa ko na parang wala lang sakin ang lahat. Ramdam ko ang pagginig ng aking tuhod. Nakatutok parin sakin yung espada. Agad akong tumakbo-lumipad pataas ng puno, hinarap siya at pinaulanan siya ng Ice spikes. Medyo tinakpan ko pa yung mata ko kasi, kadiri. Nagsitalsikan yung mga dugo niya nang umulan yung Ice spikes.. pinatamaan ko na rin yung ibang kalaban. Bumaba na ako ng puno at tumakbo papunta sa kabilang puno at nagtago, hindi ko alam na nasugatan niya pala yung leeg ko.

Ganun parin kabilis ang tibok ng aking puso, hindi nabagal. Nagulat ako nang may tumalsik na dugo sa pisngi ko sabay ng pagtunog ng espadang bumaon sa kung ano. Pagkatingin ko sa gilid, nakita ko si Luke, hawak ang sword niya and nakasaksak sa bandang tiyan ng lalaking kalaban yung sword niya. Napangiti naman ako. Tinanggal na niya yung pagkakasaksak ng sword sa lalaki. Puno na yung espada niya, pati ang kamay niya ng dugo at maraming talsik ng blood sa buong katawan niya, gutay na rin ang manggas ng uniform niya.

Kung titingnan mo siya, nakangiti siya, at walang ekspresyon yung mga mata niya. Tumulo yung pawis niya sa ulo at pumatak ito sa uniform niya.

'Ingat.' paalala niya at niyakap ako. Nagulat naman ako sa ginawa niya at hindi natinag. Nang mapansin niya yung ginawa niya, bigla siyang kumalas. 'Ay, sorry.. di ko napigilan.' Hinila ko siya papunta sa gilid ko at sinapak ko naman yung kalaban na nasa likod niya kanina.

'Ikaw din noh.' Banggit ko. Maraming sumunod saming kalaban, puros may takip ang mukha.. kung hindi mask, panyo.. at kung hindi naman panyo, hoodie.

Naghiwalay kami at nagsimulang umatake, siko dito, saksak doon.. sipa dito, hiwa doon. 'Masyadong malakas ang enerhiya, kaya mabagal ang pagtakip ng invisible barriers, nagsisipasukan silang lahat, nakapasok si Porsh, Floren at iba pa.' Narinig kong sabi ni Ma'am Z. I think narinig din yun ni Luke, kasi bahagyang napatigil siya ng ilang segundo.

Nang mapatay ko na yung apat, napatigil ako.

Nakaramdam ako ng mas malakas na enerhiya na nanggagaling sa taas na parte. Agad akong tumingala at nakita ko yung lalaking hindi ko alam kung sino na nakapatong sa sanga. Hinahangin ang cape niya at hindi makita ang kaniyang mukha dahil sa hoodie niya.

Napatalon ako sa gilid at napadapa sa damuhan nang magpalabas siya ng Itim na mahika... parehas ng mahika ni Porsh, Floren at Empress. Agad naman akong tumagilid at nagpaputok ng baril tungo sa kaniya. Nadaplisan ko siya sa braso. Alam kong napangiwi siya dun, hinawakan niya yun at tiningnan yung kamay niyang may dugo. Then, napaatras ako nang tignan niya ako. Napalipad ako at napasandal sa pader, na nakahawak sa leeg ako, sinasakal ako ng mahika niya. ANG HIGPIT!

Tinutok ko yung kamay ko sa kaniya at binugahan siya ng apoy. Pati yung mga halaman, puno, at yung apat na kalaban ay naapoy. By that, nahulog ako galing sa taas ng puno. Nadaplisan yung braso, at kamay ko dahil sa kahoy. Sumakit naman yung butt ko. Hindi muna ako tumayo kasi medyo sumasakit pa yung legs ko, may naipit pa yatang ugat sa may bandang tuhod na kapag galawin mo ay mamimilipit ka talaga sa sakit... Urgh, ang taas ng binagsak ko.

"Who the hell are you." Tanong ko na ako lang ang nakaririnig while glaring at him.

"Oh? Bat nakaupo ka nalang diyan? *burst laughing* alam mo, kayang-kaya kitang patayin ngayon." Ay ganon? Hah! Let me see.

"Edi patayin mo." I said with a singsong voice na parang kalmadong-kalmado.. pero sa totoo lang, kabado ako.. nawawala na ako sa sarili ko. Hindi na ako makapag-isip ng diretso, iba na yung pakiramdam ko. Mas lalo pa siyang natawa sa sinabi ko. "Kung sa tingin mo'y kaya mo na akong patayin, bat hindi pa ngayon? As in, now na. Sayang oras oh." Sabi ko na parang inip na inip. Nag-acting pa ako na naiinis kasi nagsasayang siya ng oras.

Nag-ipon siya ng itim na mahika sa kamay niya... nagsisipsip ang itim na mahika niya ng kung anong parang usok. Basta nakikita ko nalang yung mga parang usok na galing sa mga napatay na mga kalaban.

Soul.



Shadow.


Soul.



Shadow.

Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko.

Ano bang panlaban sa Shadow/Darkness?

Itinutok na niya sakin yung kamay niyang may malaking itim na mahika. Humahangin ng mas malakas pero hindi kami natatangay, yung mga nasa malapit lang samin ang natatangay. Kaming dalawa, tila na-glue ang katawan. Hinangin ang hoodie niya at ngayon, nakita ko na ang kaniyang mukha. Zake.. Yung lalaking sabi ni Alyn na kaniyang kasintahan kuno. Yung pinipilit ni Empress na ipakasal sa aking pinakamamahal na ina.

May naalala ako... yung sinabi sakin ni Grandpa. White princess... white magic. Tama, iyon nga yun.



Kodie's Pov



Tumakbo ako para sundan si Hazel kung saan siya pupunta, hindi ko kasi kayang hindi siya mahagilap ng mata ko sa ganitong sitwasyon.

Lumingon ako kasi may naririnig akong mga yapak. Agad ko naman itong nilazer. Napatigil ako ng makita ko si Hazel, na niyakap ni Luke. Nag-iba naman ang pakiramdam ko, na parang gusto kong manapak na ewan.






Itutuloy....



Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon