CHAPPIE 2 ♚

104K 2.7K 231
                                    


*bell rings*



Recess na. Hayy! Mag-isa nanaman akong kakain ㅠㅠ

Si Bestie lang kase lagi kong kasama. Nao-op lang kasi ako kapag ibang friends ko kasama ko kaya ito. Hindi ko kasi masyadong close.

Geez.

Naglalakad ako papuntang cafeteria ngayon. Tumingin ako sa likod ko. Feeling ko may sumusunod sakin. Hmm. Parang wala naman yata...?

Napailing ako at nagpatuloy sa paglalakad..

Maya-maya, lumingon ako ulit sa likod ko.

Pakiramdam ko talaga may sumusunod sakin e. Dito yata sa may bandang kanan.
Ayun, mayroon nga.

Napasmirk nalang ako. Stalker? Chos. Famous na ba ako? Bakit hindi ko alam?

Gumalaw nalang bigla yung halaman. Tiningnan ko nang mariin kung bakit gumagalaw iyon, may tao yata? May tao nga dun sa may halaman, mukhang nagtatago.

Pumunta ako sa harap nang halaman. Pero nakatago ako. Hinihintay ko siyang sumilip.

Nang bigla siyang sumilip..

"Gotcha!" gulat ko sa kaniya sabay turo. Mabuti nalang at kaunti lang ang nakapansin sa amin.

Umalis na kaming dalawa sa gilid ng halaman. Nilagay nalang niya yung kamay niya sa batok niya at saka napaiwas ng tingin. "Hi Alzea." Bati ni Andrei sabay pa-cool na kumaway. At saka tumingi na ng diretso sa akin.

Oo, si Andrei na kaklase ko.

Ung 'GWAPONG'(daw) FAMOUS dito sa school na hindi ko type. Medyo creepy kasi siya at hindi ako comfortable sa kaniya.

"Don't me! 'Hi Alzea' your face. Are you stalking me?" sabi ko sabay pamewang.

"A-ahh, A-ano ka-kase..." nauutal nyang sabi sabay pamulsa at huminga nang malalim.

"Psh. And now you're stuttering?" Napacross arms naman ako. Tsk tsk, ang taray ko pala sa personal! Ngayon ko lang nalaman.

"Uhmm, bye." Tumalikod na siya. Magee-step na sana siya palayo nang magsalita ako.

Nababasa ko siya. Halata kasi sa kinilos niya at salita. Masyadong halata.

"Don't start to like me, please." sabi ko sa kaniya. Hindi niya ako nilingon. Yumuko lang siya habang nakapamulsa at umalis na. May nakalap din kasi ako noong balita na may something ayang si Andrei





---------------





Nandito na ako sa cafeteria, mag-isa. Malapit na rin naman akong matapos kumain. Maya-maya, nilabas ko ung phone ko para i-text si bestie.

To Bestie <3 :

Hi bestie! Musta ka na dyan? Grabe, kahit ilang araw ka palang nawala namimiss na agad kita!!!

Text back, ASAP....

Tatawagan kita mamaya pagkauwi ko. (^-^)

Labyu! (∩__∩)/

Nilapag ko na ung phone ko sa lamesa at hinintay ang reply niya. Habang hinihintay ang reply niya, pinagpatuloy ko na ang pagkain.

Ung headphone ko, lagi lang yan nakasabit sa leeg ko. Okay lang naman sa teachers. And I really think there's something special dito sa bagay na 'to. I can feel it~

Nilagay ko yung headphone ko sa tainga ko at nagstart magpatugtog..

Maya-maya biglang may nagvibrate. Kinuha ko naman ulit ang phone ko at tiningnan.

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon