CHAPPIE 30 ♚

41.3K 1.2K 74
                                    

Cymon's Pov





Ako na yung next na lalaban. Wala namang kaba na bumabalot sakin at ready na ready ako dito. Hehe, syempre naman ang mga lalaking katulad ko, born to be ready yan!

Tumayo na ako at nagtungo na doon sa gitna. Sumalubong sa akin si Sir at tinapik yung balikat ko. Si Vieve naman, nagtanguan lang kami.

Mahal ko, para sa'yo 'to. Gagalingan ko 'to. ;-)






Rex's Pov






Nasa tabi ni Hazel si Lemia ngayon, kung saan nakapwesto si Vieve kanina. IT'S MY CHANCE TO DO THE GALAWANG BREEZY. Wahaha! ('ヮ')V

Sobrang ganda kaya niya. May light blue siyang mata at nakadress siya na puti; parehas nang suot ni Vieve.

Nagtungo ako doon sa kabilang tabi niya. Tiningnan naman ako nilang tatlo. Umayos na ako nang upo at tiningnan na si Lemia. Sheteng kalabaw, ultra mega as in to da highest level yung ganda niya! Lintek, mapapanganga ka nalang.

"Hi, Lemia! Galing mo dun ah?" Tiningnan niya ako saglit at nagkibit balikat. Pagkatapos nun ay ibinalik na niya yung tingin ulit sa harapan.

"Thanks." Cold na sabi niya. Hindi ba niya alam na mas naaatract ako sa pagiging cold niya?

"Alam mo," Panimula ko na agad din naman niyang pinutol. Nakafocus lang siya ng tingin sa harapan. Nakakrus ang mga braso sa dibdib saka nakasandal yung likod sa sandalan ng inuupuan niya.

"Nope." Cold parin na sabi niya. Samalamig, samalamig~

"Tsk tsk." Inakbayan ko siya, oh come on sanay na ako sa mga ganito. Kumbaga isa akong pro. Kinuha naman niya yung braso kong nakaakbay at pinilipit yun. Gagi, ang lakas niya para sa isang babae. "Aray ko naman!" React ko at binawi ko na yung braso ko.

Napansin kong saglit siyang tumawa na ikinangiti ko naman.

"Uy, tumawa siya.." Pang-aasar ko sa kaniya, siniko-siko ko pa siyang mahina. Naggesture siya na magstop na ako sa ginagawa ko.

"Stop or I'll punch you hard?" Nakangiti parin ako at bakas na sa mukha niya ang pagka-irita.

"Yie, kinakausap na niya ako." Pinaikot niya yung mata niya. Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya habang nakadiretso yung tingin niya sa harap.

Tinakpan niya yung bibig niya at saka ako nilingon, nahalikan ko tuloy yung likod ng kamay niya. Galawang breezy failed :(

"Stop it already." Cold niyang sabi. Hindi nalang ako nagsalita. Sayang talaga yun oh, nakatitig nalang ako sa harapan. "Good."





Cymon's Pov






Hanga na talaga ako sa babaeng 'to. Nakailang daplis na yung kalaban sakin at sa kaniya dalawang daplis palang yata sa braso niya. Daplisan ko kaya 'to ng dalawa pa?

Ilang minuto nalang at napatay na namin yung mga kalaban. Dammit, punit na yung damit ko. Hanga din ako kay Kodie, isa lang yung tama niya, sa likod. Nakita ko kanina, since nakawhite naman kasi siya na damit kaya napansin ko agad yung dugo.

Pinastop na kami ni Sir pagkatapos naming mapatumba ang dalawa. Tagatak kami ng pawis saka hingal na hingal na nagtungo kay mam Zoe. Binigyan niya kami ng towel saka bote ng tubig na agad kong ininom.

"Good job." Tinapik ni Vieve yung balikat ko. Tinanguan ko lang siya habang nakagiti. Pagkatapos niyang uminom sandali ay umalis na siya.

Ako rin naman umalis para magpalit nang damit. Pangalawang beses na rin naman naming SRG dito kaya medyo kabisado ko na ang ilang sulok nito.




Hazel's Pov




Bumalik si Vieve at hinila niya ako paalis dun sa pwesto ko. Dinala niya ako malapit sa locker ng mga babae.

"May sasabihin lang ako," Hingal na sabi niya. Talagang nakakapagod ang labanang iyon. Kahit nga ako na nanonood lang napapagod sa ginagawa nila doon sa ilusyon. "First time mo lang dito, tama?"

"Yes, why?" Tanong ko sa kaniya. Hinawakan niya ang balikat ko.

"I just wanna help you kasi medyo kakaibang laban yung ibibigay nila sa'yo. Nakasulat yun doon sa paper na pinakita ni ma'am Zoe sa amin kanina bago pa kayo makarating." Pinukulan ko siya ng nagtatanong na mata. Ibinaba na niya yung kamay niya saka napahawak sa chin niya.

"Teka, saan ba ako magsisimula?" Tanong niya sa sarili niya at hindi lang ako umimik. "Ikaw lang kasi ang mag-isa sa laban." Ah, ako lang mag-isa sa lab--wait, what!?

"No way."

"Wag kang magpapadala sa emosyon mo ha? Iniba nila yung ibang scene pero karamihan doon ay totoo. Yun lang muna, I guess? Basta, keep that in mind. Go na." Tinulak na niya ako pero hindi ako natinag. Hindi magsink in sa utak ko yung sinabi niya. Anong 'it didn't happened'?

Naglakad nalang ako pabalik. Hindi ko alam kung ano ang i-rereact oh ano.

"Next, Hazel!" Nanlaki naman yung mga mata ko saka sandali akong kinabahan.

Glob, ako na pala. Nilingon ko yung mga kasama ko, nagbubulungan sila. Tiningnan ko din yung mga kaklase ko sa kabilang side, nagbubulungan yung iba at bakas sa mukha ng iba ang gulat. Hindi ako makapaniwala na ako lang mag-isa ang lalaban.

'Go, kaya mo yan. Nandito lang ako.' Rinig kong sabi ni Luke na medyo nakapag-gaan sa loob ko.

'Keribels yan, Hazel!' Rinig ko namang sabi ni Andre. Tumakbo na ako papunta sa gitna.

'Tiwala lang!' Sabi naman iyon ni Rex. Napangiti naman ako doon salamat nalang at nandiyan sila. Medyo gumagaan na rin yung loob ko, pero kinakabahan parin ako.

'Ingat ka, little sissy.' Sabi naman iyon ni Kodie at tiningnan ko siya saglit. Medyo malayo siya pero kita ko naman yung pagcurve ng labi niya.

Nakarating na ako kay ma'am and sir. Huminga ako nang malalim. Kaya ko 'to, kakayanin ko para lang sa mga magulang ko na namatay na. Tinapik ako ni ma'am sa balikat, sinasabing 'Kaya mo yan'

"Goodluck." Sabi naman ni sir. Sinubukan kong ngumiti, mabuti nga at nagawa ko.

Then nagtungo na ako sa gitna at biglang nag-iba na yung lugar. Maganda ang nasa paligid. Malinis at maayos ang mga gamit. Nandito ako sa loob nang castle. Ewan ko kung kaninong castle 'to.

I've never seen this huge castle before. Ang ganda din ng paligid at ang lawak.

Umakyat ako ng hagdan. Pagkarating na pagkarating ko sa taas, nakarinig ako nang ingay. Baby na umiiyak, nanay na nagpapatahan, at tatay na tumatawa. Nagtungo ako doon sa room. Bubuksan ko sana ito kaso, lumagpas lang sa kamay ko yung door knob. I realized that this place is just an ilusyon, I passed through the door ng walang kahirap hirap.

This is a different kind of illusyon, mayroon kasing parang nandoon ka talaga at mayroon ding parang invisible ka lang sa lugar na yun.

Tiningnan ko yung pamilya, majesties to be exact. I stare at the baby na buhat-buhat ng mom niya. Ang cute ng baby!

Tiningnan ko naman yung parents nung baby. They seemed familiar. Siguro nakita ko na sila kung saan. But, I'm not sure when and where. Pero siguro hindi naman yun importante, I'll just waste my precious time kapag inisip ko pa kung saan ko sila nakita. Bigla nalang may bumukas ng pinto.

Nanlaki yung mga mata ko nang makita ko si Auntie. Why's Auntie here? Teka, may kailangan ba akong malaman tungkol dito?

Wala namang kinwento si Auntie na ganito? Hindi niya sinabing sa palasyo siya nakatira noon. Sabagay, hindi naman pala kwento si Auntie tungkol sa nakaraan. Ayaw nga kasi niya na topic yun. Kapag tatanungin mo, huwag ka nang umasang sasagutin ka nun.

Hm, sa tingin ko nga tatlong taon na ang nakakalipas ng huli ko siyang tanungin tungkol sa nakaraan. Pagkatapos nun, naggive up na ako, nakakapagod rin.




Itutuloy.....






____
A/N : Pabitin muna :P

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon