CHAPPIE 10 ♚

62.4K 1.8K 29
                                    

I can't look! Tinakpan ko yung mukha ko gamit yung dalawa kong kamay.

Sumilip ako, ang tagal ko naman nahulog? Ano yun? Parang teledrama sa television? Slow Motion? Huwaw ang galing!

Bigla nalang akong napunta agad sa baba, at napunta sa mga bisig ni Kodie. HERO!

Nanatili lang kami sa ganung posisyon, hindi ako makagalaw sa kaba. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Akala ko sasabog na talaga yung ulo ko tapos magsisitalsikan ang blood! Eww.
Thanks nalang dito sa lalaking 'to. Tamang tama yung pagdating niya.

Kumalas na siya pero ako? Freeze parin. Sobrang natakot talaga ako promise!

Umalis siya saglit. Pumunta sa kitchen. I was left there, nanginginig na nga medyo yung mga tuhod ko, feeling ko isang ubo nalang at matutumba na ako.

Binaba at tiningnan ko ang naninilaw kong mga kamay.

Biglang dumating si Kodie nang may dalang tubig. Binigay niya sakin kaya tinanggap ko agad.

"Thanks." Sabi ko pagkatapos kong uminom. Nakahinga na rin ako nang malalim. Tiningnan ko yung mga kamay ko, unti unti nang bumabalik sa natural na kulay. Hays, pinagpapawisan na ako kaya kinuha ko yung panyo sa bag ko.

"Next time don't run on staircases," Paalala niya. Tumango lang ako, may dumaan na yaya kaya binigay ko na yung baso. "Paano kung hindi pa ako nakarating?" Nag-aalalang sabi nya.

"Eh sa nakarating ka," Natatawang sabi ko. Para na kasi siyang nagpapanic. "Okay ka lang?"

"Psh, let's go." Sabi niya at inakbayan niya ako at nagtungo na kami kay Auntie.

"Morning Auntie." Sabi ko. Kahit wala naman talagang good sa morning lalo na at muntik nang sumabog ang ulo ko.

Tiningnan ni Auntie yung kamay ni Kodie na nakaakbay sakin. Agad ko namang tinabig ang kamay niya.

"Kayo na ba?" Tanong ni Auntie. Nagtinginan kami ni Kodie. Please say no! Tiningnan naming dalawa si Auntie at hindi kami nakasagot.

"Sa tingin niyo, tita?" Wait, TITA? huwaw! Ta ba ang narinig ko? Siniko ko siya na ikina-ngisi niya.

"Ang babata niyo pa para sa mga ganyan!" Sungit naman ni Auntie! Hindi naman kami ah?

Lumapit si Auntie kay Kodie at may binulong. Natawa naman si Kodie habang umiling-iling. Nagtatanong na tiningnan ko naman si Kodie. Hala, ano kaya yun?

Nauna nang lumabas si Auntie at sumunod lang kami. Wait, sa MA na siya mag-aaral?

"Exactly."

"Bakit?" I was shocked! I was freakin shocked! At ano namang kalokohang pumasok sa isip niya at doon na siya nag-aaral?

"To guard you, no worries ilang days ko lang namang susuutin 'tong MA uniform. *winks*" Sabi niya, ayan nanaman siya sa 'to guard you' na yan.

He patted my head at sinabing,

"Little sis," Binuksan niya yung pinto at pinapasok ako. Bago pa man ako tuluyang makapasok sa kotse, nilingon ko siya at sinabing,

"Bantay." Ngumisi lang siya at umiling iling at tuluyan na akong pumasok ng kotse. Gentleman? O kunyareng gentleman?

Kinuha ko yung headphone ko at nilagay sa tainga. Tiningnan naman niya yung headphone ko saglit.

Hm, sino kaya ang nag-utos kay Kodie na bantayan ako? Si Bestie lang naman ang ka-close ko, nung hindi pa dumating si Kodie at nung hindi ko pa nakakausap si Andre sa personal.

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon