CHAPPIE 36 ♚

38.6K 1.1K 15
                                    

Dedicated to : aaaaaazzzzz122456






Nagsilabasan muna sila Vieve, Lemia at yung mga teachers at naiwan kami ditong magkakagrupo.

Hinila nila yung mga upuan na inuupuan nila at lumapit sa akin.

"Will you please explain everything?" Tanong ni Cymon. Napukol ang tingin ko sa kaniya, lutang parin ako. Tulala lang ako at, winagayway ni Andre yung kamay niya sa mukha ko.

"Hey!" Doon lang ako natauhan. Umiling saka tiningnan na si Andre.

"Oh?" Tanong ko sa kaniya. Tumikhim muna siya bago siya nagsalita.

"Ano nga kasing nangyari? Share mo naman sa mga sexy na katulad namin!" Binatukan nilang lahat si Andre at natawa naman kaming lahat. Hindi ko parin sigurado kung tunay na lalaki ang isang 'to.

"Walang damayan, parekoy." React ni Kodie na siyang nanguna sa pambabatok kay Andre. Kawawang nesfruta.

"Hala! Lintek! Hahaha."

"Hoy!"

"Bakit totoo naman eh!" Pagdedefend ni Andre tsaka hinimas yung batok niya.

"GUSTO MO NG SUNTOK?!" Sabay na sabi ng lahat at pinakita ang mga kamao nila kay Andre na mas lalong ikinasimangot nito.

"Kailangang magsabay? Isa-isa lang pwede? Mahina ang kalaban! Chillax!" Reklamo niya saka inirapan sila. Bakit ang kukulit ng mga 'to?

"So gusto mo nga?" Tanong ni Kodie at mukhang handa nang suntukin si Andre. Binelatan naman ni Andre si Kodie saka muling inirapan. Nakacross arms na nga ito ngayon.

"Ang sasama niyo naman sakin, BULINGS KAYO!" Sigaw niya at nagtawanan na kaming lahat. Magrereact pa sana ako nang bigla nalang tumahimik ang lahat at alertong napatayo ang mga nakaupo.

Bigla na nga lang ako ni Kodie hinila tsaka niyakap ng mahigpit. Basta, napalaki nalang yung mata ko sa ginawa niya at sa bilis ng pangyayari.

Napamura na nga lang ang iba, lalo na si Rex. Napahawak nga rin si Andre sakin at umusog siya ng mabilis paforward. Narinig ko nalang kasi na may sumabog sa may bandang kanan ng silid.

Lilingon na sana ako at titingnan yun pero, humarang si Andre para hindi ko makita at binalik naman ni Kodie yung ulo ko sa balikat niya.

Hinimas pa ni Kodie yung ulo ko. Napatunganga nalang ako. "Mga par, bantayan niyo ang mga kwarto niyo. Kapag nakita niyo kung sino yun, sabihin niyo agad sakin. And also meet me at my room mamaya, may kailangan lang tayong pag-usapan. Huwag niyong sasabihin 'to sa mga guro. Tayo na ang bahala dito." Seryosong sabi ni Kodie. At aaminin ko, nakakatakot ang boses niya kapag seryoso siya. Nakakalas na rin siya at huminga ako ng malalim, anong nangyayari?

Then, pinaalis na niya yung lahat. Ayaw nga sana nilang umalis kaso leader si Kodie. Dapat na nirerespeto at sinusunod. Nang makalabas na sila ng silid, sinara na niya ang pinto. Nilibot niya ng tingin ang buong paligid, hinahanap yata kung sino yung nagpaputok ng poisonous bullet na yun.

Nilapitan niya yung may sabog saka pinag-aralan yun gamit ang tingin. Saka siya nagtungo sa isang butas sa dingding kung saan unang lumusot yung bala bago ito pumasok dito sa silid saka sumabog.

Tumayo ako nang dahan-dahan sa kama at naglakad papunta doon sa kung saan tumama yung bala at nagkalat sa paligid yung mga kulay itim na poison na nasa loob nito.

Takte, muntikan na pala ako talaga kanina. Kinuha ko yung bala na yun, at tiningnan ng mariin hanggang sa makita ko yung nakaukit na simbolo dito. Bigla ko nalang itong nabitawan iyon sa gulat.

Siya nga kaya iyon?

Tiningnan ko pa ng mariin at kinusot ko pa yung mata ko at tiningnan yun ulit. Sa kaniya nga talaga 'to sa kaniyang sa kaniya talaga.

"The Empress' Crown." Mahina kong sinabi na may halong hindi makapaniwala. Napatakip nalang ako ng bibig. Agad kong narinig yung footsteps papunta sa akin at niluhod niya yung isa niyang tuhod at tiningnan ding mariin yung bala na nabitawan ko.

"Let's go," Nagmamadali niyang sabi sabay hawak sa wrist ko at tumayo. Tiningala ko naman siya wearing my questioning look.

"Where are we going?" Tanong ko sa kaniya. Seryoso ang mukha nito ngayon.

"Empress." Tipid na sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko, at tumayo na rin.

"Teka, anong gagawin mo sa kaniya?" Kinakabahan na sabi ko. Lagot talaga ako nito. Baka kung anong gawin ni Kodie sa kaniya. Hinila niya ako papasok sa portal hanggang sa tumagos kami at nandito na kami sa labas ng ospital.

"Siya ang may gawa nun, nanganganib ka Hazel!" Nagulat naman ako sa sigaw niya. Saglit pa nga akong napatalon. Nakakunot ang noo nito ngayon. May galit ba siya sa Auntie ko?

"I know! but--" He cut me off. Saka, nagstop sa paglalakad at nilingon ako.

"I'm doing this for your safety, Little Sis." Mahinahon na niyang sinabi.

"Kaya kong protektahan ang sarili ko!" Sigaw ko sa kaniya. "Hindi na ako bata okay?!" Pagpapatuloy ko pa na ikinatahimik niya.

"You don't need to do this. Bakit mo nga ba kasi 'to ginagawa?!" I shouted again, that made him look away. Ilang minuto ko siyang tinitigan pero hindi siya nagbigay ng reaksyon.

"'Cause, ayaw kong makabalik dito sa grupo si Porsh," Tumulo naman yung luha ko. All this time? All this time kaya ganiyan siya sakin dahil lang diyan sa stupidong Porsh na 'yan? ANG KAPAL!

Binawi ko yung kamay ko at hindi na siya tumingin pang muli sakin. Habang ako titig na titig sa kaniya. Hinayaan ko lang na tumulo ang luha ko. Why am I fragile?

"Dahil lang pala dun? Huwaw ang galing!" Take note of the sarcasm. Yumuko siya, at nagpamulsa. Tumalikod na ako at tumakbo.

"Hazel!" Pagtawag niya sa pangalan ko at hindi ko siya pinansin. I'm glad na hindi siya sumunod sakin. Nang malaman ko na nakalayo na ako sa ospital, tumigil na ako.

I rested my hands on my knees and then, I sighed.

"How could you do this to me?" Tanong ko na tila kausap ko siya kahit napakalayo ko na sa kaniya. Umayos na ako tayo. Napabuntong hininga ako saka nagsimula nang maglakad. Nilibot ko yung mata ko sa paligid. Until, nakabangga ako ng tao kaya napaupo ako.

Tiningala ko siy-- sila pala. 4 silang puro lalaki. Kung titingnan mo sila, para silang mga adik kapag tinignan mo sa katawan puros tattoo. Tapos, para silang mga gangsters sa pananamit nila. Gwapo silang lahat, at mukhang mga koreano.

Nagtinginan sila at tinulungan ako ng isa na tumayo.

"Thanks," Nagbow sila(koreano nga)habang nagtinginan ulit at may tiningnan sa phone at tiningnan ulit ako. Pabalik balik yung tingin nga nila sa phone at sa akin eh. "What?" I asked.

"Dangsin(You)." Tinuro ko yung sarili ko wearing my questioning look habang nakatingin sa kanila. "Ireumi mweoya(What's your name?)" Huwaw.

"Alzea Hazel, gwonli?(right?)" The other guy asked.

"Ye, waeyo?(Yes, why?)" Mga Koreano nga. Nagtaka naman ako sa reaction nila.

Bigla nalang kumabog ng malakas yung puso ko at hindi ako makagalaw o makaimik lang dito sa pwesto ko nang magbigay sila ng space sa babaeng nasa gitna. Nakangisi ito ng nakakaloko.

Napahawak ako sa bibig ko at nanlaki yung mga mata ko. Nandito siya? Nako! Lagot ako nito!

"A-Auntie?"





Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon