CHAPPIE 15 ♚

54.3K 1.7K 19
                                    

Dedicated to : a_z112402




Tatayo na sana si Kodie para buksan pero pinigilan ko siya.

"Just eat, ako na magbubukas." Pigil ko sa kaniya nang akmang tatayo na siya. Umupo nalang siya ulit at nagpatuloy sa pagkain. Medyo nagkalaman laman na naman ang tyan ko kaya ako na. Pagkabukas ko nang pinto,

"HELLO!" Sigaw nilang lahat. I mean, lahat nang lalaking inistalk ko except doon sa isa na nakapoker face ang. Yung mga kagrupo ni Kodie. Oo, alam ko sila yun.

"Hm, hi?" Tumabi ako sa pinto para makapasok sila. Si Andre yung huling pumasok at sinara ko na yung pinto.

"Big bro." Nagfist bomb kami ni Andre. Nagtaka naman yung iba sa ginawa namin. Umupo yung tatlo sa sofa, yung iba naman sa sahig.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Cymon yata. Oo, natatandaan ko na yung mga mukha nila at mga pangalan.

"Yep." Singit ni Kodie na kakalabas lang sa dining room.

"Hindi kasi ikaw yung tinatanong ko." Inis na sabi ni Cymon. Nakatitig lang yung iba sakin. Ang awkward, okay?

They're staring at me. Since na-aawkwardan na ako, kailangan kong makaalis muna nang saglit.

Aalis na sana ako nang hablutin ako ni Andre papunta sa sofa.

"Bawal ka munang umalis." May binulong yung Rex yata kay Andre na ikibit balikat lang naman nito.

"Okay?" Sang-ayon ko nalang.

"Hingi!" Sigaw ni Andre at tumalon papunta sa likod nang sofa. Nakatayo kasi si Kodie habang kinakain yung ginawa kong scrambled egg.

"Himala, marunong na!" Hindi makapaniwalang sigaw ni Rex. Na siya namang binatukan ni Cymon.

"Psh. Yan pa magluluto?" Tanong ni Cymon. Tiningnan naman ako nila Luke, Cymon, Andre, and Rex.

"W-What?" Tanong ko, talagang nakakaano yung mga titig nila. Lalamunin ba nila ako?

"Patikim nga din ako!" Sigaw ni Cymon at nagtungo rin kay Kodie. Mukhang nasarapan naman sila.

"Huy, tama na! Akin kaya ito!" Sigaw ni Kodie at pilit na nilalayo sa kanila yung pagkain na niluto ko.

"Ikaw nagluto." And, that's not a question. Sabi yun ni Luke, napakatahimik naman nitong lalaking to.

"Oo." Nginitian ko siya, ngumiti rin naman siya pabalik.

"Uhm, wait lang." Sabi ko sabay punta sa kwarto ko.

Nang makapasok na ako nang kwarto ko, agad ko itong sinara. What's up with those guys? Parang pinag-aaralan nila ako gamit yung tingin nila. Parang ang creepy naman nun, may masama ba silang balak sakin?

Dahil amoy ulam yung damit ko, nagbihis ako. T-shirt na maroon and leggings. Okay na rin yun. Dito lang naman ako sa room ehh, bukas pa yung pasok.

"Ayie, nagpapaganda ulit sakin!" Yun yung bungad sa akin ni Andre pagkalabas na pagkalabas ko nang room. Sinara ko muna yung pinto nang makalabas na ako bago nagreact.

"Asa!" Sigaw ko.

Hindi ko nalang sila pinansin, nagtungo ako sa kitchen para uminom ng tubig. Sinusundan lang nila ako nang tingin. Sumunod sakin si Andre.

"Si bestie nga pala, saan yung room niya?" Tanong ko. Uminom ako nang tubig.

"Sa--- nga pala, hindi ko pwedeng sabihin. Hindi mo rin pwedeng sabihin sa kaniya kasama mo kaming member nang grupo." Paliwanag niya. Kinuha naman niya yung tubig na iniinom ko at ininuman niya rin.

"Huy! Indirect yun ahh!" Pagrereklamo ko at huli na ako dahil naubos na niya yung tubig.

"Nah, okay lang naman yun. Wala namang something diba?" Tanong niya. Napatango nalang ako. Pero, kahit na noh!

"Back to your topic kanina, bawal mo din sabihin sa iba na kasama mo kami." Dagdag pa ni Kodie. Nakapagtataka naman yung mga sinasabi nila. Magtatanong na sana ako nang,

"Kasi, pagkakaguluhan ka." Biglang singit ni Cymon, lumapit siya dito.

"Susugurin ka." Singit din ni Rex, nagtungo siya sa upuan dito sa kitchen at umupo doon.

"And they might kill you." Singit ni Luke. Dinagan niya yung siko niya sa lamesa at mariin akong tinitigan. Huwaw, yun na yata ang pinakamahabang nasabi niya simula nang pumasok siya rito.

"Syempre, ayaw naming mangyari sa'yo yun." Inakbayan ni Kodie si Cymon at Luke na magkatabi. Tinabig naman nila yung kamay ni Kodie.

"Are they that bad?" Tanong ko. Nilalaro laro ni Andre yung glass. Tiningnan ko silang lahat. Sabay-sabay silang tumango.

Napaface palm nalang ako. Gosh, baka mas malala pa yun sa pinaggagawa nila Syndie and friends before. Kasi unang-una, mayayaman sila at malalakas.

Pangalawa naman, siguro naman lahat dito mas matalino pa sa mga estudyante doon sa MA?

"But, nandito naman kami as your shield or somethin." Sabi naman ni Rex.

"Shield?"

"He meant we're here to protect you." Ah, bakit kailangan nila akong protektahan kung kaya ko naman ang sarili ko? Isa din sila noh.

"Plus, it means na kami muna ang matatamaan. Kapag nasira na yung shield means kapag hindi ka na namin kayang protektahan, you should protect yourself." Mahabang sabi ni Cymon.

"Why are you all doing this?" Hindi ko naman sila kaano ano. At unang-una, they're just strangers. Second, they're famous. Third, simpleng babae lang ako na nag-aaral sa MA.

Hindi naman ako famous or what. Kaya nakakapagtataka lang talaga. Sa sobrang dami nang babae sa mundo ako pa talaga.

"At may malalim na rason iyon." Reason? Anong rason naman iyon?

Ayoko nang magtanong kasi alam kong hindi nila yun sasagutin. If only I could read minds. Edi, mas madali yung pagsagot ko sa lahat ng tanong ko.

"Means ako ang sasagot sa tanong ko?" Straight to the point na tanong ko. Ang dami kong tanong sa utak ko pero tingin ko wala pa akong sagot sa lahat nang yun.

Tumango naman ulit sila nang sabay. Seriously? Ang dami namang tanong yung sasagutin ko!

"And, we need to figure out something. We need to find our own answer." Sabi ni Kodie sabay hawak sa chin niya. Pinag-aaralan nga talaga ako, promise. Pero, gamit yung titig nila.

Wait, don't tell me they could all read my mind? Pero, sabi ni Kodie hindi naman daw siya basta-basta makabasa dito. Kailangan ng approval sa mas nakakataas daw, remember?

Baka siguro pinag-aaralan lang talaga nila yung kilos ko. Pero, wala naman akong gagawing masama hindi ako kriminal! Bakit ba kasi kailangan pa nilang gawin yang mga creepy stares nila?

"Hey, stop that already. She's freakin' out. Oh huwaw diretsong english yun ah!" Awat ni Andre sa kanila.

"Nakakabasa ba kayo ng isip katulad ni Kodie?" Tanong ko at nag'oo' naman ang iba sa kanila.

Nakakahiya kayang mabasa nila ang isip ko.

"Katulad ng pagmind reading, pati paggamit ng ibang mahika, kailangan ng paalam sa mas nakatataas sa atin." Sabi ni Cymon na sinang-ayunan naman agad ni Kodie.

Bakit sa MA wala namang ganun? Sabagay, magkaiba naman ang lahat nang schools. Ang nakapagtataka lang, bakit hindi sila free gumamit nang sarili nilang mahika?



"Ano nga ba ang mga rules dito?"

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon