CHAPPIE 28 ♚

45.2K 1.5K 505
                                    

"I hate to say this but, yes, nabasa ko isip niya." He said. Nagpout naman ako.

"Buti ka pa, nakakabasa ka nang isip." Umalis na kami doon sa pwesto namin. Nag-uusap usap sila doon. Nagtaka nga ako kung bakit nila kausap si Andrei eh.

'Hindi naman yata noh. Bakit si Andre? Sweet din naman siya pero, sabi niya kanina, sissy daw ang trato niya sakin. Magulo ah.' He chuckled naman at napangiti ako. Wooo! First time! Pero, bumalik na rin naman sa dati yung mukha niya nang makarating na kami sa grupo.

"San kayo galing?" Andre asked. Tiningnan ko naman si Luke. Naggesture siya na 'wag ako mag-isip nang tungkol sa--secret.

"Nag-usap lang." Sabi ko saka itinaas niya ang kilay niya. Katabi nito ngayon si Rex.

"Weh?" Sabat ni Rex. Siniko ko naman ng marahan si Luke. Siya naman ang magsalita, ano yun? Ako nalang lagi? Magsalita naman siya noh.

'Whatever.' Rinig kong sabi ni Luke sa isip ko. Papunta ngayon si Andrei dito saka kinausap siya ni Andre. Nakakalito talaga sila >•<

"Nag-usap nga lang. Kulit!" Biglang may naghila sakin na kaklase ko at nagpicture-picture kami.






Luke's Pov






Nandito ako, malayo sa grupo at nakatitig sa magkahawak na kamay ni Hazel and yung sa kaklase niyang lalaki na hindi ko alam ang pangalan.

I feel something sa kamay ko. It feels like I wanna punch someone or something right here, right now. I saw Kodie gestured at Hazel para palapitin ito sa kaniya. By that I decided to read his mind.

*Chumachansing si Andrei na yun sa kaniya, manhid ba siya? Nakakabanas.* yan yung nabasa ko kay Kodie. So that hideous guy named Andrei probably has something on my lady.

"Lumalandi ka ha." Pambungad tanong ni Andre kay Hazel. Andrei and Andre? I'm a bit confused with their names. Muntikan pang magka-tokayo.

Hindi ko na masyadong marinig yung pag-uusap nila at wala naman akong balak makinig hanggang sa nakita ko nalang na hawak ni Kodie yung kamay ni Hazel at pinapagpagan ito.

*Hazel, nahuhulog na ako. Masasalo mo kaya ako?* Kinuyom ko naman yung kamao ko. I think I should punch this man first. Hindi ako nakahinga nang lapitan ni Hazel si Kodie na parang nanghahamon pero nabunutan din naman ako ng tinik nang lumayo ito kaagad.

They talked but I did not bother to listen. Hinila ko nalang si Hazel imbis na suntukin sa mukha si Kodie. Maraming makakahalata--ugh shit.

Now this is my perfect time to talk. Share my feelings and stuff—that I don't usually do. Napapansin ko nga, nagiging madaldal na ako sa kaniya. I think I'm falling, hindi pa ako masyadong sigurado. But I know, anytime now tuluyan na.

She's not pretty, she's gorgeous. Plus I love her attitude, tuwing natatakot siya. Pakiramdam ko gusto ko siyang protektahan.

"Nagseselos ako." ..ng sobra. I hope, someday, maging akin ka nalang.

"Magkaibigan lang naman kami." Kahit ang manhid mo, I still like you.

"Chumachansing yun eh. Ang manhid mo talaga." Ang cute niya nang nanlaki yung mga mata niya. Nakatitig lang ako sa kaniya.

"Teka, gusto niya rin ako!?" She asked, I nodded. Naalala ko naman si Kodie, lagot sakin ang isang yun kapag nagsimula na siyang gumalaw. I'm territorial, possessive and stuff. I get what I want. I will get what I want. She's mine, got it?

Buhay nga naman, kung kailan ako nakapagconfess, tsaka may hahadlang at ang masaklap ay si Kodie pa abg leader ng grupo. Mas okay na sanang si Marlou nalang yung kaagaw ko kasi, for sure ako naman ang magwawagi pero, hindi eh yung pinakagwapo pa talaga kuno sa grupo?

Oo na, pinakagwapo na si Kodie(blah). Makikita mo naman sa mukha niya. Takte, ang hirap siguro nitong laban na 'to noh?

Pero, hindi ako mawawalan nang pag-asa dahil, hindi naman sa pagwapuhan ang batayan kung mahal mo ba ang isang tao o hindi. Sana lang talaga, mapasakin ka nalang Hazel. PICK ME.

Ayoko sana siyang sagutin. But I can't help but talk. Siya lang ata ang may kakayanan na pasalitain ako kahit na hindi niya sabihin. Tch, ang lakas niya sakin.

"I hate to say this but, yes, nabasa ko isip niya." I said and look away. Nang tignan ko na siya, nakapout siya at ang cute niya. Ang sarap halikan, oh shit dude what am I thinking?

I wanna stop her from pouting pero, wala akong nilabas na emotion ni hindi na rin ako nagsalita.

"Buti ka pa, nakakabasa ka nang isip." She murmured. Then, umalis na kami doon sa pwesto namin at binitawan ko na yung kamay niya.

'Hindi naman yata noh. Bakit si Andre? Sweet din naman siya pero, sabi niya kanina, sissy daw ang trato niya sakin. Magulo ah. Enebeyern..' I chuckled. Nakakapagtaka man na kaya niya akong patawanin. Crap, malakas na talaga tama ko sa kaniya.

Nakita ko naman na kinakausap ni Andre si Andrei. Here we go again, ang dalawang 'to na muntikan nang magkatokayo.

"San kayo galing?" Tanong ni Andre. I glanced at Andrei. Sh*t, he's looking straight at her. Naalarma naman ako sa tanong ni Andre. Naggesture nalang ako kay Hazel na 'wag sabihin ng patago. Mabuti at hindi siya masyadong slow.

"Nag-usap lang." Nakahinga naman ako nang malalim sa sagot ni Hazel.

They raised their eyebrow then, tumingin sakin si Andrei. Tinanguan niya ako at ganun din ang ginawa ko sa kaniya, nananatiling blanko ang aking mukha. Umalis na rin naman siya.

"Weh?" Biglang singit naman nitong si Rex. Mabuti nalang at may kakayanan ako na hindi nila mababasa yung nasa isip ko.

Shit that mind reading pero, okay naman minsan kasi doon ko nalaman yung tungkol sa pagkagusto ni Kodie sa gusto ko ring babae. Crap, bakit kasi si Hazel pa? Sa dinami-dami nang babaeng nakapaligid si Hazel pa talaga yung nagustuhan niya.

Syempre, hindi naman ako papayag na makuha niya yung mahal ko.

Mahal ko, kay sarap pakinggan. Tumalikod na ako at naglakad palayo saka pasikretong hinawakan yung dibdib ko.

Ang bilis ng tibok, totoo na 'to. Sana sa pangalawang pagkakataon hindi nanaman ako masawi. Ang babaeng minahal ko noon, iniwan ako saka sumama sa iba. Sana hindi na ipagdamot ng tadhana si Hazel sakin.





_____
A/N :

#TeamKodie or #TeamLuke ?

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon