CHAPPIE 61 ♚

28.7K 767 32
                                    

Warning : Sobrang ikling chapter 😂😝 Pambawi lang😘

******
Dedicated to : icecream_unnie, FairyDust427, Kyle_Franze



Hazel's Pov



Bigla nalang akong lumitaw na parang kabute sa harap nila. Lahat sila may suot na sakit at kalungkutan sa mukha. Si Kodie, nakahawak ang kaliwang kamay sa dingding habang ang kaniyang kanang kamay naman ay nakahawak sa right temple niya. Si Cymon naman nakaupo sa upuan nakasandal siya sa dingding habang nakapikit, may tumulo sa gilid ng kaniyang mata. Si Luke, bumuntong ng hininga habang nakapatong ang mga kamay niya sa tuhod niya-nakaupo siya sa sahig. Si Kuya naman nakaupo sa kama nakatingala siya habang nakapikit, dinadama ang hangin na dumadapo sa kaniya.

Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto, madilim. Tanging liwanag lang galing sa buwan ang nagsisilbing ilaw dito. Basag kasi ang ilaw, glass ng bintana atbp. Magulo, magulo ang kwarto. Ano bang naganap? Dahan-dahan akong naglakad papunta sa harap ni Kuya. I stare at him and sadly smiled. Yung maputi at makinis na gwapo niyang mukha. Yung mahaba niyang pilikmata na katulad ng akin. Yung mapula niyang labi. Ngayon ko lang siya natitigan ng ganito katagal. Nakakamiss si Kuya.

Hindi ako nakatiis kaya'y niyakap ko na siya ng mahigpit at humagulhol na ikinagulat niya.

"Dyana?" nagtatakang tanong ni Cymon.

"Kuya, akala ko hindi na ako makakabalik." Sabi ko habang humagahulhol. Bigla naman siyang tumayo at niyakap ako ng mahigpit. Ramdam ko ang pagkamiss niya sakin dahil sa higpit ng yakap niya.

Habang yakap si Kuya, Nahagip ng mata ko ang gulat na mata ni Kodie.

Kumalas si Andre at nagsilapitan sila Luke, Cymon, at Rex.

"Kung panaginip 'to sana hindi na ako magising." kausap ni Kuya sakin at hinawakan ang mukha ko. Dinama ko naman ang mainit niyang kamay sa pisngi ko. Hindi parin napapawi ang aking ngiti sa labi. Ngiting may kasamang kalungkutan.

Tiningnan ko naman si Kodie. Napangiti ako sa kaniya sabay tulo ng mainit kong luha. Napangiti rin siya. Tumakbo ako at niyakap siya ng mahigpit, yumakap din siya-binuhat ako at pinaikot habang tumawa.

"Pakshet! Totoo ba 'to?" Masaya niyang sambit. Nakatitig ako sa namumula niyang mata habang dahan-dahang tumatango. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at hinalikan ang ibabaw nun habang masayang nakatitig sakin.

Hahalikan na sana niya ako ng sumigaw yung iba. "PDA! PDA!" Natawa naman ako kasi boses ni Kuya ang nangingibabaw sa kanila. Hindi parin talaga sila nagbabago, and I think that's a good thing. ^^

Kodie kissed me on my forehead at niyakap muli. Habang magkayakap kaming dalawa, tumikhim si Cymon at nagsalita.

"Nakita mo ba si Dyana?" napapikit nalang ako sa cold ng boses ni Cymon. Kasalanan ko lahat ng 'to. Kung wala ako, wala namang ganitong mangyayari.

'No, we're glad na naririto ka... ikaw ang itinakda na mag-aayos ng magulong kingdom.' rinig kong sabi ni Kodie. Kumalas ako ng dahan-dahan.. ramdam ko yung sakit ni Cymon. Masakit talagang mawalan ng minamahal, lalo na kung alam mong malabo nang bumalik pa siya.

"Cymon, she saved me.. hindi lang pala ako, kundi sa lahat ng nandito sa Secret World. Mas pinili niyang makuha ang buhay niya kaysa sa mawalan ng buhay ang isa pang nilalang." huminga siya ng malalim. "Sorry, kasalanan ko 'to." bulong ko na tama lang na marinig nila. Sabay nun ang pagtingin ko sa paa ko.

Royal Academy ♚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon