"Hmm about a week?" - Kuya

"Medyo matagal tagal yun ah." komento ko

"Yes, kaya sulitin natin okay? Oh and I want to meet your friends too." - Kuya

Nagkwentuhan pa kami ng konti hanggang sa magpaalam si Kuya na magpapahinga na.

Pinagamit ko sa kanya ang kwarto ko. Share nalang muna kami ni Dom sa kwarto niya.





Kinabukasan.

Halos magkasabay ang kotse namin ni Sunny. Nauna lang siya magpark dahil ako nasa dulo pa.

Lumabas kami ni Dom at doon ko napansin ang lalaking lumabas mula sa driver's seat ni Sunny.

Nakaformal suit ito na black tapos shades.

Binuksan nito ang backseat at doon lumabas ang babae.

"Who's that?" narinig kong tanong ni Dom pero hindi ko sinagot dahip ndi ko rin alam.

Nauna itong maglakad sa akin at sumunod lang ako sa kanya.

Nang malapit na kami ay biglang humarang yung lalaki.

"It's okay. Kaibigan ko sila." saad ni Sunny.

Doon ko lang napansin ang wire sa tenga nito.

Bodyguard?

Awtomatikong tumabi ang lalaki.

Sabay sabay na kaming naglakad papasok.

"Bodyguard?" tanong ni Dom.

Tumango siya.

"Guys!" isang Erika ang paparating "Good morning!" ang taas ng energy niya.

Binati namin siya pabalik.

"Sunny, sino yung lalaki sa tabi ng kotse mo?" - Erika

"Bodyguard." sagot nito.

"Impernes mukhang gwapo." komento ng kaibigan niya.

Napalingon ako.

Hmm parang hindi naman. Mapanlinlang kaya ang sunglasses.

"Hi guys, good morning!" dumating sina Rainee at kasama niya si Mico na kumaway at ngumiti.

"Buti at nagkita kita tayo ngayon dahil baka malimutan ko pa yung sasabihin ko. My brother arrived yesterday and he wanted to meet all of you. Kung free kayo, kakain tayo tapos libre niya." paanyaya ko.

"Cloud si here?" - Rainee

"Iisa lang naman kapatid ko." sagot ko.

"Ang cool naman ng names niyo. Sky at Cloud." komento ni Mico

"I bet gwapo yan." - Erika

I shrugged "Kanino pa ba magmamana yun?" I winked

"Wushu yabang!" - Dom

"Um I don't know kung makakasama ako ha? medyo mahigpit kasi si Dad ngayon because of what happened." si Sunny.

"Ow um bakit hindi mo subukan na magpaalam? Kasama mo naman kami. You'll be safe with us tsaka kasama mo rin yang bodyguard mo." I suggested.

"I'll try later." she gave us a small smile.

"Osige na. Tara na at pumasok." - Dom.

"Ay oo nga pala! Sky, hinahanap ka ni Ma'am Gatdula. Puntahan mo daw siya sa faculty bago mag-start ang klase niyo." biglang sabi ni Mico.

Her Greatest Battle (Editing)Where stories live. Discover now