“ Tara na sa Horror booth! ” rinig kong sigaw ni Mae.

Lumapit ako sa kanila. Nasa tapat sila ng Horror Booth kasama si Hell at si Kuya? Kailan pa sila naging close?

Halos matapilok ako dahil sa biglaang pagsulpot ni Audrey, jusko buhay pa pala ‘to.

“ Panget ang tagal mo namang dumating kanina pa kita hinihintay.” Raklamo ni Kuya.

“ Sino bang nag-sabi na hintayin mo 'ko? ”

Tiyaka malay ko bang naghihintay siya.

“ Pinapadala ni Mommy. ” may kinuha siya sa bag niya. “Oh.”

Kinuha ko yung inabot niya. Oo nga pala sa sobrang pagmamadali ko nakalimutan ko ‘tong cellphone ko.

“ Babe, I want horror booth. Pwede mo ba 'kong samahan? ” Maarteng sambit ni Audrey kay Hell. As if naman na papayag si Hell ts.

“ Sure. ” Dafuq. Pumayag nga siya. Nahihibang na ba siya?!

Iling-iling. Kailan pa ‘ko naging pakielamera tiyaka pake ko sa kanila.

“ Umalis na kayo. Baka umiyak pa 'yan. ” sambit ko.

Inismiran ako ni Audrey pero hindi ako nagpa-talo. Inismiran ko rin siya, anong akala niya, siya lang yung may mata?

“ Demo! ”

Lumingon ako dahil sa pagtawag ni Hell. Akalain mo ‘yon kasama rin pala yung school ni Demo sa mga pupunta rito.

Si Demo ay ang crush ni Mae, at kakambal din siya ni Demi na pinsan ni Hell.

Matalino si Demo,sobrang tahimik at misteryoso kaya goodluck nalang kay Mae.

“ Oh Hell, It's nice to see you here. ” nakangiting sambit ni Demo.

“ Bakit si Hell lang Dude? ” nagtatampong sambit ni Kuya.


“ Sorry Dude, lalo kang pumupogi ah. Hindi kita nakilala. ” ngayon pa lang sinasabi ko na, na may pagka-sinungaling minsan si Demo.

“ 'yan ang gusto ko sa'yo. ” tanga Naniwala binibiro lang naman.

“ Bro alis na kami ha? ” Paalam ni Hell, napairap naman ako. Dapat kanina pa eh, nakakainis bakit ngayon lang.

“Sige lang Bro.”

“ Oy Hell, Horror booth hindi hotel ha.” natatawang sambit ni kuya. Pervert san ba siya nagmana? Sa katulong 'yata namin.

“ Gago! ”



Nang makaalis na sila, patuloy lang sa pagkuwentuhan si Demo at Kuya. Habang kaming tatlo nakatambay lang habang kumakain.

Napansin kong napakatahimik ng dalawang ‘to. Nakainom 'ata ng gamot Anti-Crazy.



Saglit akong napahinto sa pagkain kasabay ng pag-liit ng mata ko nang marealize ko kung bakit mukhang kakaiba yung kinikilos ng mga ‘to.

“ Kuya... Demo! ” Tawag ko sa kanila. “Kuya... De---” pfft... tinakpan nila yung bibig ko.

“ 'wag kang maingay!”

“ Ano bang ginagawa mo?! ”

Ubos-lakas kong tinanggal yung kamay nila sa bibig ko. Ganoon ba kalaki yung bibig ko para dalawa silang mag-takip? Kaloka.

“ Bakit? ”

Mabilis na nagsi-balik yung dalawa sa kaninang inuupuan nila. Lumapit na kasi si Kuya at Demo.

“ Kuya this is Janelle. ” hinatak ko si Janelle. “ Janelle ito yung Kuya kong maligno. ” Kinuha ko parehas yung mga kamay nila at pinag-shakehands.

At

“ Hi Demo, ito nga pala si Izzamae. Mae na lang for short. ” this time si Mae naman ang hinatak ko. Buti na lang hindi na siya nagpa-choosy. “at Mae ito si Demo. ”

“ Hmm. Kuya samahan mo muna si Janelle kasi si Mae kailangan pang i-tour si Demo. Sabi kasi ni Ma'am obligasyon namin na i-tour dito sa school yung mga studyanteng galing sa ibang school. ”

Yie, kinikilig ako sa kanila tiyaka medyo natatawa na rin dahil halatang kinakabahan sila.

" Ah I-ikaw saan ka pupunta? ” halos gusto kong magtata-talon sa tuwa dahil pag-utal na salita ni Kuya.

“ Inutusan ako ni Ma'am. Kaya mag-enjoy kayo ha? ” nakangiti kong sambit. “ At ikaw naman Mae, i-tour mong mabuti si Demo. ”

“Bye guys! ”

Hindi ko na sila hinintay makasagot, tumakbo na ako paalis. Huhu, ako pa tuloy yung walang kasama.


“ Waaaaaaaah! ”

“ Hihi, huli ka! ”


Hala! Nahuli ako sa wedding booth na ako mismo ang gumawa. Madadaya ‘tong mga kaklase ko.

“ Bitawan n'yo ko. 'Pag ako nakawala babalian ko kayo ng buto! ”

“ Say what you want, pero hindi ka namin pakakawalan. ”


Mukhang wala naman akong magagawa, kanino naman ako ikakasal? Sana naman sa pogi.




























A Story Of Heaven And Hell [COMPLETED]Where stories live. Discover now