20 - Waiting For You

Start from the beginning
                                    

Sinisisi pa rin ni Xander ang kanyang sarili, hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring hindi maganda sa dalagang iyon. Si Lorence ay tila nagaalala na rin para sa kaibigang babae, pumasok na din sa kanyang isipan na hindi maganda ang nangyayari sa panahon ngayon, at lalo na si Ellie na hindi pa masyadong pamilyar sa mga lugar dito.


" Xander, nagaalala ako para kay Ellie, baka hindi siya magiging comfortable sa weather na katulad nito.. "


Saad ni Lorence at pareho na sila ngayong hindi mapalagay para sa dalaga.




Hindi na nga nakauwi pa ng burbury house sina Chen, Barbie at Ellie.


Ngunit kasalukuyang nasa ligtas na lugar naman silang tatlo, mabuti na lang hindi pa sila nakakaalis sa bahay nila Chen bago bumuhos ang malakas na ulan. Sa ngayon nakaupo naman si Ellie sa isang maliit na sofa at nakatingin sa labas ng bintana ng kwartong iyon. Napapansin niya ang malakas na ulan at hangin sa labas, basang basa din ang labas ng nakasarang bintana nila Chen.


" Mga hija, sigurado ba kayong okay lang kayo dito? Huwag kayong mahihiya okay? Feel at home lang. " Sabi ng mama ni Chen na laging chinicheck ang dalawang dalaga sa kanilang guest room.


Tumango ang dal'wa at napapansin nila ang kabaitan na ipinapakita ng mga magulang ni Chen sa kanila.


" Ellie? Okay ka lang ba? " Napansin ni Barbie ang pagiging tahimik ng kasama.


Lumapit siya dito at umupo habang nakaharap kay Ellie ngunit sa labas ng bintana pa rin itong nakatingin.


Lumingon sa kanya si Ellie at ngumiti.


" Worried lang ako, wala pa kasing signal.. gusto ko na kasing mag-text sa kanila, especially kay Lorence kasi alam kong nagaalala na yun for me. Gusto ko lang malaman niya na okay ako, tayo nila Chen. " Pumapasok sa isipan ni Ellie ang nagaalalang hitsura ng kaibigan nyang si Lorence, at ang ganitong klaseng panahon ay hindi pa niyan naranasan sa France, umuulan naman din don, pero ito ang unang beses na makaranas siya ng ganitong nakakatakot na bagyo. Parang gusto nyang tabihan siya ni Lorence at samahan buong magdamag upang maramdaman nyang ligtas siya, nagsisimula na kasi syang matakot, hindi niya alam kung bakit..


Kahit ang pagkakaalam niya noong naaksidente siya dahil din sa malakas na ulan at kahit wala syang matandaan tungkol sa pangyayaring iyon.. pumapasok sa kanyang isipan ngayon na baka ganito din siguro ang panahon noong mga oras na iyon, kaya normal lang na makaramdam siya ng ganitong takot. Tila napapansin ni Barbie ito noong magsimulang yakapin ni Ellie ang kanyang mga binti, nagalala tuloy ang babaeng kaibigan.


" ..pero medyo nakakaramdam ako ng takot dahil siguro hindi maganda ang panahon sa labas.. hindi kasi ako sanay. " Paliwanag ni Ellie at tinanguan iyon ng kasama nyang kaibigan.


Hinawakan ni Barbie ang isang braso ng dalaga na nakayakap sa mga binti nito. " Natatakot ka? Huwag kang magalala, gusto mo bang tabihan kita mamayang matulog para hindi ka na matakot? "


Tumango si Ellie bilang tugon niya.


12 Bad Boys 2: UnrememberedWhere stories live. Discover now