Bullet Eleven

Magsimula sa umpisa
                                    

Iyak lang ako ng iyak habang hinahayaan siyang sumigaw sa harapan ko.

"I-I tried.."

"No, you didn't! Nagpatalo ka, Dakota! Hindi ko aakalain na magpapatalo lang ng basta basta yung pinakamagaling na female agent!"

"Tama na, please. Tama na."

"Tama na?! Bakit? Sa tingin mo nung sinabihan ko sila na tama na, tumigil sila? Tumigil ba sila sa pagbubog sakin? Hindi! Pinatay din nila ako, Dakota!" He gritted his teeth. "I died because of you!"

Unti unting naging halimaw si Caden sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko at dali daling bumangon at tumakbo palabas sa kwarto ko. Pagkabukas ko sa pinto ay nandun nanaman si Caden.

Pero iba na siya ngayon, puno na siya ng sugat, pasa at dugo. Maraming dugo sa tiyan niya. Tinapat niya yung baril niya sa noo ko.

"Sasama ka sakin sa impyerno." Ngumisi siya bago pinutok yung baril.

Nagising ako at bumalik sa realidad. Mabilis ang tibok ng puso ko, malalim ang aking paghinga at puno na ako ng pawis.

Fuck, that was a new nightmare.

Nadagdagan nanaman ang mga bangungot ko sa gabi.

Bakit ganon? Galit ba si Caden sakin?

Humiga na ako ulit at pumikit. Nagflash ang mukha ni Caden sa utak ko. He was happy and he was smiling at me.

"I love you, Muffin." He smiled.

I opened my eyes and clenched my fist.

Stop, please. Stop. Masakit na.

Two days later...

"What is this? Magreresign ka?" Naguguluhang tanong ni Chief. "Dakota, may mission ka pa."

"Chief, hindi ko na kaya. Ayoko na. Iassign mo nalang sa iba yung mission na yan dahil ayoko na. I quit, gusto ko nang magpahinga at umalis sa mundong ito. I want a new life."

He frowned. "Ikaw ba talaga si Dakota Torres? What happened to the real Dakota? Yung Dakota'ng sobrang tapang na parang walang kinakatakutan, yung kayang gawin ang lahat at hindi naddistract ng basta basta. Anong nangyari sayo?" Mariin niyang sabi. "simula nung dumating si Caden, nag-iba ka na. Hindi ka na nagffocus sa mission at hinahayaan mo lang na madistract ka niya. At ngayong nawala na siya, eto ka nanaman. Mas lalong nadistract!"

"Chief, hindi ito tungkol kay--.."

"Of course, it is! Tungkol ito kay Caden! You love that guy already, right? I know you do, Dakota. I can see it in your eyes. Noon, puno ng galit at coldness ang mga mata mo. Ngayon? Wala na. Lungkot na ang nasa mga mata mo. Lungkot dahil wala na si Caden," Napailing si Chief. "I am so disappointed in you, Dakota."

"I'm sorry, Chief. Thank you sa lahat pero ayoko na," Sabi ko sabay lapit nung resignation letter ko sa kanya. "please, sign my letter."

"No," He said. "hindi pwede, Dakota. You are the strongest agent in this agency. Isa ka sa mga pinakamagagaling na assassinators sa mundo natin."

"Pero, Chief--.."

"Ganito, I will just deactivate you. Hahayaan lang kita for one month. Walang mission, walang gulo, wala lahat. Irereactivate lang kita after one month."

"Chief, gusto kong habambuhay na akong labas sa mundong ito. Ayoko na." I groaned.

"Dakota, ginagawa mo lang to dahil affected ka pa rin sa pagkawala ni Caden. Kapag natapos na ang isang buwan, babalik ka na sa dating ikaw. Kapag nakapagmove on ka na, you'll be back. Babalik na yung dating Dakota."

Love & BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon