"Akala ko ba hindi ka iinom dahil hindi ka naman brokenhearted?" He chuckled.

"I'm thirsty." Pagdadahilan ko.

"Alam mo, Da, kahit hindi mo sabihin, alam ko. Alam ko na gusto mo si Caden, baka nga mahal mo na eh. Alam kong malaki ang epekto nung pagkamatay niya sayo kasi kung hindi, hindi ka magiging ganito. Lagi kang tulala tas sobrang tahimik. Kung hindi ka affected sa pagkamatay ni Caden, hindi ka magbabago. Ikaw pa rin yung Dakota na brutal, cold at laging naiinis samin ni Logan," He patted my head. "nandito pa naman kami, Da. Alam kong hindi naman mapapalitan ang posisyon ni Caden sa puso mo pero nandito naman kami para punuin ng kasiyahan yan." He smiled before leaving me.

Nabigla ako dahil tumulo nanaman ang mga luha ko. Simula nung namatay si Caden, naging iyakin na ako. Masarap sa feeling na umiyak pero ayoko. Ayoko nang umiyak. I don't cry, hindi ako to. Hindi umiiyak si Dakota Torres.

Pinunasan ko ang mga luha ko ang huminga ng malalim.

Maybe this was Autumn Medieva, not Dakota. She's crying because she lost her boyfriend.

Tangina, nababaliw na ata ako.

Tinapos ko na ang pagliligpit at nilagay ang mga gamit niya sa desk ko. Inayos ko na ang sarili ko at lumabas na sa agency. Tiningnan ko ang relo ko habang naglalakad ako papunta sa kotse ko. 10:50 PM na pala.

Pagpasok ko sa kotse ko ay bigla kong naalala ang 3 days of happiness namin ni Caden. Napahawak ako ng mahigpit sa manibela at pumikit ng mariin.

Tama na, Dakota! Stop crying, for fuck's sake!

Huminga ako ng malalim habang nakapikit pa rin. Binuhay ko na ang makina at nagdrive paalis dito sa agency.

Pagkarating ko sa bahay ay agad akong nagshower. Kung kaya lang talagang alisin ng tubig ang sakit, magpapakalunod na ako dito.

Komportableng short at shirt at sinuot ko. Magsipilyo na muna ako bago humiga sa kama ko at niyakap ang unan ko.

Hindi pala ako kumain ng hapunan. Di bale, hindi pa naman ako mamamatay niyan.

Pumikit na ako at hinayaang kainin ng pagod at antok ang sistema ko.

Parang ayoko pang matulog, gusto kong lumabas at puntahan yung lugar kung san makikita mo yung syudad. Yung lugar kung san ako dinala ni Caden noon.

"Bakit?" Tanong ko.

"Let's play a game." Sabi niya bago pinasok yung kamay niya sa bulsa niya at may kinukuha.

"What game?"

Tinaas niya ang kamay niya at nakita kong may hawak siyang coin.

"Coin flip," He said. "heads, you're mine. Tails, I'm yours."

I frowned. "Anong klaseng laro yan!" Sabi ko sabay pitik sa matangos niyang ilong.

He laughed. "Joke lang."

I missed you. I missed you so much. Namimiss ko yung pagyakap mo sakin, paghawak mo sa kamay ko, paghalik sa pisngi ko at ang pagiging straightforward mo. I missed you so  much.

Binuksan ko ang aking mga mata at kinusot yun. I need to stop thinking about him.

Napasigaw ako nang makita ko si Caden sa edge ng kama ko. Galit na galit siya at may hawak siyang baril.

"Bakit, Dakota? Bakit mo hinayaan yun?" Galit niyang sabi sakin bago tinutok yung baril sakin. "alam kong kayang kaya mong patumbahin yung hayop na yun, pero bat hinayaan mo lang siya?!"

Love & BulletsWhere stories live. Discover now