S15 - DKBMPagpaparaya

Start from the beginning
                                    

*****

Pagdating ni Sarah sa condo, hindi niya rin niya mapigilan ang mga luha ng kanyang mga mata. Kasabay ng kulog at kidlat ay ang hinagpis ng puso niya.

Umakyat siya sa dating kwarto ni Althea, kung saan tulog na tulog na si Rj. Pinagmasdan niya ang kapatid at muling naalala ni Sarah kung gaano kaimportante sa kanya ang nakababata niyang kapatid.

Flashback : Rj 8th birthday.

"Oh bakit malungkot ka Rj?" tanong nito sa bunsong kapatid.

"Paano kasi Ate wala pa sila Mommy nakalimutan niya yata yung birthday ko." nakangusong sagot nito.

"Ano ka ba wag ka ng malungkot, nandito naman ako e hindi ko nakalimutan ang birthday mo. Kaya may regalo ako para sayo. Charan!" sabay abot ng platito na my pinagpatung patong na rebisco crackers na may iba't ibang flavor.

"Wow Ate para sa akin yan?" biglang nag aliwalas ang mukha ni Rj sa binigay ng Ate Sarah niya.

"Oo! Pinag ipunan ko kaya yan, tinatabi ko yung tira sa baon ko para bilhin lahat ng flavor niyan. Alam ko namang favorite mo lahat yan!" masayang sabi nito.

"Salamat Ate buti ka pa love mo ko, kaya alam mo ikaw ang best Ate para sa akin kasi lagi mo akong pinapasaya. I love you Ate." sabay yakap sa Ate Sarah niya.

"I love you too Rj. Wag kang mag alala Ate Sarah will always make you happy. Happy birthday my little sister. " sabay ganti sa yakap ng kapatid niya.

End Of Flashback ....

"Parang kailan lang noh? Mga bata palang tayo lagi na ikaw ang inuuna ko, I always want to make you happy. Hindi kita matiis nung mga bata pa tayo pero ngayon isang tao lang pala ang magiging dahilan para masira ang solid nating ugnayan. Mahal na mahal kita bunso, alam kong alam mo yan. Kaya ngayon patawarin mo si Ate kung hindi ko maibigay sayo ang taong gusto mo. Minsan lang magdadamot sayo si Ate kaya sana wag kang magagalit o magtanim ng sama ng loob, dahil minsan lang ako naging masaya ng totoo kaya hindi ko yon maibibigay sayo." she said in her mind, mabilis niyang tinakpan ang bibig para awatin ang kanyang pag hikbi agad siyang bumaba at pumasok sa kanyang kwarto.

Ang hirap nga namang magpaubaya sa kapamilya, lalo na't yon ang dahilan ng kaligayahan mo.

~✖✖✖✖~

Kinabukasan, maagang gumising si Sarah para ipaghanda ng breakfast ang kapatid niya. Kahit meron silang hindi pagkakaunawaan ng kapatid hindi niya pa rin niya ito magawang tiisin.

Pagbaba ni Rj mula sa kanyang kwarto hindi niya alam kung paano babatiin ang Ate Sarah niya. Ngunit nang makita siya ng Ate niya binati siya nito.

"Good morning bunso, nakaready na yung milk and pancake mo." she wants to avoid awkwardness to her sister kaya nginitian niya ito. Lumapit naman si Rj at umupo sa harap ng mesa. Tahimik lang siya, kinuha niya ang baso ng gatas at uminom.

Habang hinuhugasan ang pinaglutuan ubo naman ng ubo si Sarah sabay singhot ng sipon. Nagtaka si Rj at linapitan ang Ate niya.

"Uhmm Ate okay ka lang?" she asked na tila nag aalangan pa.

"Okay lang medyo inuubo at sinisipon lang, okay lang ako wag mo akong alalahanin." she pretend na okay siya kahit hindi at ngumiti sa kapatid.

Sinalat ni Rj ang noo ng Ate niya, mainit at tila lalagnatin.

"Ate hindi ka okay, your sick." she said and being worried. Hindi pa rin kayang tiisin ni Rj ang Ate niya kahit meron silang issue.

Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPLETED)Where stories live. Discover now