SPECIAL CHAPTER - ENDING

212K 3K 219
                                    

"Anong gusto mong pangalan ng baby?" tanong niya kay James habang nakayap ito sa kanya sa ibabaw ng kama bago sila matulog. Nakasandal ito sa headboard habang siya naman ay nakasandal sa malapad na dibdib nito.

"Pwede bang James Lorenzo Almeda, Jr.!" tanong nito habang hinihimas-himas ang malaki na niyang tiyan. kabwanan na kasi niya at hanggang ngayon ay wala pang pangalan si baby.

"Ay bakit? Gusto mo nang maging senior?" natatawang tanong niya.

James chuckled. "Silly, syempre gusto ko lang isunod sa akin. First baby ko kaya 'yan."

Tinignan niya ito ng masakit. "So baby mo lang, ha?! Ikaw ba nagdadala?!"

Nanlaki ang mga mata nito. "Woah! Easy, love. Hindi ko naman inaako eh. Isa pa, wag ka nang magreklamo. Tinulungan naman kita sa pagbuo niya eh." he said grinning.

Nanliit ang mga mata niya, "Ang manyak mo!" pinagpapalo niya ito sa braso. "Ang manyak-manyak mo talaga kahit kailan!"

Hinuli nito ang kamay niya. "Sus, gustong-gusto mo naman." tsaka nito hinalikan ang kamay niya.

She blushed. "Uy! nagbablush!" pang-aasar nito.

Umiwas siya ng tingin. "Hindi ah!"

Tumawa lang ito ng tumawa. She remained silent. After his long lively laugh, she asked him again about the baby's name.

"Ikaw? Ano bang nasa isip mo?" tanong nito sa kanya.

"Gusto ko sana su od sa mga pangalan natin." sagot siya.

"Like?"

"Like Jameson?" natawa siya. "Parang James' son ganun."  tumango-tango naman ito na tila ba nag-iisip. "The second name would me Auldrenzo."

Natawa ito. "Mahal na mahal mo talaga ako, no?" tanong nito.

Kumunot ang noo niya at tinignan ito. "Hindi ah. Paano mo naman nasabi?"

Ngumisi ito. "Eh halos iyong dalawa niyang pangalan ay galing sa akin, eh! Iyong'A' lang yata ang iyo."

Pinalo niya ito sa braso. "Loko. Siyempre lalaki eh. Kapag babae, 'J' lang din makukuha mo dun, oy!"

"At talagang may balak ka nang dagdagan pa ha? Hindi pa nga lumalabas si baby boy nagplaplano ka na agad." pang-aasar pa nito.

"Hoy, James! Tigil-tigilan mo ko ha! Kung ayaw mong masaktan!"

"Sus! Kunwari ka pa eh! Uyyy!"

"Tumahimik ka nga! Kung ayaw mo eh di wag!" inirapan niya ito at humiga na sa kama. Badtrip! Siya na nga itong nasunod ang pangalan, ayaw pa!

"Love..." James kissed her bare shoulders. Nakanighties lang kasi siya na sleveless. Ewan ba niya sa asawa niya, binilhan siya ng sandamakmak na Victoria's secret nighties. Buti nalang iyong iba kasya sa kanya kahit bundat na bundat na siya.

"Ano ba! Kung ako hindi mo tinigilan, naku!"

"Love naman eh!" Mamaya-maya ay naramdaman niya ang kamay niti sa kaliwang dibdib niya.

Inalis niya ang kamay nito at hinarap ito. "Ano ba, James!"

He was smiling. "Biro lang love. Ikaw naman." then he gave her a peck on her lips.

"Ano kaya kung Auldrenzo Jameson nalang? Para naman mauna iyong part mong kakapirangot." wika nito habang natatawa. "Isa pa, ang magiging initial niya ay AJ. Pangit kasi kapag JA? He-he." sabay kamot nito sa ulo.

Hindi niya alam kung sadyang nagpapacute ang asawa niya subalit na-cucute-an siya sa asawa niya ngayon.

She smiled sweetly. "Sweet. Okey. Kung yan ang gusto mo."

The Virgin's Boss (Completed and Slightly Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon