Chapter Twenty-two - Pamahiin

135K 1.8K 14
                                    

It has been a very busy week for James and Toni. Pagkatapos ng Bagong Taon, sinundo nga siya nito sa kanyang bahay upang asikasuhin na ang nalalapit nilang kasal.

Naaawa na nga siya rito dahil habang inaasikaso nila ang kanilang kasal ay nagtatrabaho pa rin ito. Well, pati rin naman siya ay nagtatrabaho pa rin naman kaso hindi niya alam pero parang ito na ang kumikilos minsan ng mga dapat niyang gawin.

Minsan tinanong niya ito kung ano ang gagawin niya, ang sagot lang nito sa kanya ay dapat na siyang magpahinga. Dahil doon, nagkasagutan sila. Ayaw niya kasing sinusuwelduhan siya ng wala siyang ginagawa. Pero sa huli, ito pa rin ang nanalo. Sagutin ka ba naman ng, "Who is the boss here Toni?" Ayon at wala na siyang nagawa.

Minsan hinahatid siya nito ng gabing-gabi, galing silang wedding organizer noon. Tinanong kung anong motif nila, 'yong mga arrangements na gagawin, at kung anu-ano pa. Naawa naman siya kaya sa bahay nalang muna niya ito pinatulog. Pero wag magkaroon ng malisya ha - dahil ibang kwarto naman ang ginamit nito. Saka nalang sa honeymoon. He-he!

Mabuti nalang at dumating ang kanyang mga biyanan galing Amerika. Dahil doon, ang biyanan nalang niyang babae ang kasa-kasama niya sa pag-aasikaso ng kasal.

Si James naman ay laging nasa opisina though he insisted na sumama pero sinabihan nalang niya itong wag nalang muna dahil awang-awa na nga siya rito. Nangayayat na rin kasi ito. Ayaw naman niyang may marinig galing sa ibang tao na pinapabayaan niya ito o kung ano pa mang ibang bagay.

"Anak! Toni! Naku, excited na ako! Feeling ko bumalik ako sa pagkadalaga! Naaalala ko pa noong ikakasal kaming dalawa ng Papa niyo, alam mo ba iyong pakiramdam? Para kang naiihi na hindi mapakali!" wika ng biyanan niya.

Natawa siya rito. "Alam ko po Mommy," mommy na ang tawag niya rito. Dahil ayon sa mga ito, magiging anak na rin naman daw siya. Isa pa, para masanay na siya sa pagtawag sa kanila ng ganoon. "Iyong pakiramdam na iniisip mo palang, kinikilig ka na." humagikgik siya. Ganoon kasi ang nararamdaman niya tuwing iniisip niya na ikakasal siya sa lalaking gusto niya. Pero syempre, naroon pa rin ang agam-agam kung tama ba itong pinasok niya.

But the hell with that agam-agam!

---------------

Tatlong araw. Tatlong araw bago ang nalalapit nilang kasal. Nasa mansyon sila ng mga Almeda.

Isinama siya doon ni James dahil ipinasundo siya rito ng nanay nito. Pupunta kasi sila doon sa nagtahi ng kanyang gown, tapos na raw kasi ito at kailangan na ng final fitting.

"Isama niyo nalang kasi ako." James pouted. Mukha itong batang na inagawan ng candy.

Natawa siya rito. "Uy, James. Wag kang magpout. Gurang ka na para diyan." biro niya rito.

"Gurang pala ha!" nilapitan siya nito at saka kiniliti ng kinilita hanggang sa kapusin siya ng hininga.

"Mga bata kayo, oo. Sa honeymoon na ang harutan." wika ng nanay ni James. Namula naman siya. Honeymoon...

"Sige na, 'My." pilit ni James sa nanay nito.

"James! Wag ka ngang makulit! Isa pa hindi pwedeng makita ng groom ang bride kapag sukatan ng gown." wika ng nanay nito.

Kumunot ang noo nito pati rin siya. "May ganoon ba mommy?"

"Oo naman. Pamahiin iyon ng mga matatanda. May kilala nga akong ganoon eh. Nakita niya ang bride na suot ang gown nito- habang sinusukat ha. Ayon at 'di natuloy ang kasal!"

"Ay sige, mommy! Alis na kayo baka malate pa kayo." pagtataboy nito sa kanila. "Love, ingat."

"Hindi ka na sasama?" nakataas-kilay na tanong ng nanay nito.

"Hindi na 'my, Marami pa pala akong gagawin. Sige na! Tawag nalang kayo kung may problema." wika nito saka nagmamadaling pumasok ng bahay.

"Problema 'non?" tanong niya sa sarili na narinig pala ng biyanan niya.

"Sus, wag mong pansinin iyon. Takot lang iyon baka hindi matuloy ang kasal." sagot naman nito habang ngingiti-ngiti.

"Mommy, totoo ba iyon? Iyong pamahiin?" curious na tanong nya rito. Ang alam kasi niya bawal isukat iyong gown kapag nasa bahay na at malapit na iyong kasal.

"Joke ko lang iyon para hindi siya sumama." sagot nitong tumatawa habang papalapit sa sasakyan.

Naiwan siya doong nakatanga. Iyong totoo, may saltik ba ang nanay ni James? ~_____~

--------------

"Hey, Toni. Are you sure you wanna get married na with him?" tanong sa kanya ni Sab.

Pagkatapos ng fitting session nila kanina dumeretso sila sa shop ni Sab. Magkakasama rin kasi sila kanina dahil sinukat na rin ng mga ito ang kanya-kanyang gowns. Syempre, hindi pwedeng hindi bride's maid ang mga kaibigan niya. Ang pamilya niya kasi sa probinsya ay bukas pa ang dating kaya bukas na rin ang mga ito makakapagsukat. Hindi bale at nasukatan naman na ang mga ito noong umuwi sila at magaling naman ang nagtahi kaya sigurado siyang walang magiging problema.

Ang biyanan naman niyang babae ang sinudo ng biyanan niyang lalaki kaya nandito siya kasama ang dalawang baliw.

"Oo naman. Bakit?" sagot niya.

"Wala lang." Sab sighed.

"Naku! Toni, mag-aasawa ka na!" excited na wika ni Cheska. "Kwento mo sa akin ang honeymoon ha? Kung masakit ba, masarap o an--" hindi na niya ito pinatapos dahil binatukan na niya ito.

"Makabatok, wagas?!" singhal nito.

"Bibig mo! Ang bastos!" wika ni Sab

"Jusko!Wag nga kayong magmalinis!" wika nito.

"Gagita!" wika ni Sab.

"Luka!" wika naman niya na ikinatawa nito.

"Pero seriously, Toni, I'm so happy for you." wika ni Sab.

"Oo nga Toni. Sabihan mo lang kami ng problema ha? Dapat walang mababago kahit may asawa ka na. Kapag sinaktan ka niya, magsabi ka agad para maihanda ko na ang muscles ni Captain America, my loves!" wika ni Cheska.

Natawa siya sa mga ito. "Mga baliw! Syempre naman!" Natatawa sya pero muntik na siyang mapaiyak. Naiiyak siya sa tuwa. Sa mga ipinapakita ng mga ito. Sa mga sinabi ng mga ito.

"Awwww! Group hug!" wika ni Sab.

Lumapit ang mga ito sa upuan niya at niyakap siya ng mga ito. Binigyan pa siya ng mga ito ng tig-isang halik sa pisngi.

"Pero, Toni, seryoso ako." wika ni Cheska habang nakayakap pa rin sa kanya.

"Na ano?" tanong niya.

"Iyong feeling kapag nasa penetration stage na." nang maisip kung ano ang sinabi nito ay bigla niya itong pinalo sa braso.

Tumawa naman ito ng malakas. MALAKAS NA MALAKAS.

-------------

Ayan ang update ko muna ngayon! Nahiya kasi ako sa mga nagbasa noong A/N ko. Baka nadisapoint kasi A/N un hehe. Sabagay pati rin ako madidisappoint. Kaya bilang pambawi, ayan! hehe!

thanks!

Next Chapter, weddinggg! hoho!

--PV

PS: letche! ngayon ko lang alam na biyana pala ang tawag sa parents-in law haha! akala ko manugang hahahaha!

The Virgin's Boss (Completed and Slightly Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon