Chapter Seventeen - Christmas Eve

152K 2.4K 54
                                    

"Hey." bati sa kanya ni James matapos niyang pagbuksan ito ng gate.

"Hey." ganting bati niya rito.

"Hey din."

Tinignan niya ng masama ang huling nagsalita. "Tom." she said with her warning voice.

"Eh para kasi kayong mga tangang magbatian ate, wala man lang sweetness! Kiss na, dali! tatalikod ako!" tumalikod nga ang sira-ulo.

She heard James chuckled. Tinignan niya ito. "Isa ka pa. Pasok ka na nga." paanyaya nya rito.

"Thanks, love." then he gave her a kiss on cheek.

She blushed.

After kasi noong party-after they kissed, to be specific- ay parang nagkaroon sila ng mutual understanding ni James. Parang nagkaroon ito ng extra care sa kanya. They even texted goodnight with each other last night!

Nandito ito ngayon sa kanyang bahay para sunduin silang mag-anak dahil pupunta sila sa mansyon ng mga ito to celebrate Christmas Eve. And it's already 9 o'clock in the evening.

"Iho, nandito ka na pala. Sandali lang dahil ang Mama ninyo, matagal talagang magbihis." wika ng tatay niya. "Hoy Remedios, bilisan mo at nandito na si James!" sigaw nito sa kabiyak.

"Sandali lang po, mahal kong Manuel. Ang tagal ko kasi nagluto kanina dahil kami lang ni Toni ang gumalaw. Pasensya na, ha?" sarkastik na balik sigaw nito.

"Ah, hindi. Sige lang, mahal. Take your time." malambing na sagot nito.

Natawa siya sa mga magulang niya.

Hindi muna niya pinaalis ang kanyang pamilya dahil balak niyang ipasyal ang mga ito sa Maynila. Aside sa long vacation, si James na rin ang nag-insist at ang pamilya nito na magstay sila para naman daw makapag Noche Buena sila ng sama-sama.

Na-touch siya sa kabaitan na ipinapakita ng mga ito. Kaya kaninang hapon, nag-grocery silang mag-ina upang magluto ng kakainin nila mamayang gabi. Nakakahiya naman kasi kung wala man lang silang dalang kahit ano. Kahit sabihin pang mababait ang pamilya ni James, ayaw naman nilang may masabi ang mga ito.

"Sige lang ho. Hindi naman po tayo nagmamadali. Besides, alas-nuwebe palang naman po." saad ni James.

"Maupo ka muna. Anong gusto mo?" anyaya niya rito.

"Ikaw?" inosente nitong sagot.

"Ahm.. ahm.." tumikhim ang Papa niya.

Mahinang hinampas niya ito sa balikat. "Sira." inirapan niya ito pero deep in side kinikilig siya. "Juice, tubig o softdrinks?" tanong nya ulit dito.

"Just a cold glass of water, please."

"Sandali lang." nagdiretso siya ng kusina para kumuha ng tubig. Pagbalik niya, saktong pababa na rin ang ina niya.

"Oh, Ma. Ganda ng outfit natin ha." biro niya rito.

Nakasuot kasi ito ng blouse na kulay maroon tsaka slacks na black pero hindi naman pangit ang pagdadala nito sa damit. Maputi ito kaya bagay dito ang suot nito. Nothing special. Kaso trip lang talaga niyang biruin ito.

"Loko kang bata ka! Ikaw kaya pumili nito." sagot nito sa kanya.  Totoo naman kasi na siya ang pumili noon para sa ina. Wala lang, trip lang niya talagang biruin ito.  Natatawa siya habang ini-aabot kay James ang baso ng tubig. "Hoy kayong dalawa!" turo sa kanila ni James.

The Virgin's Boss (Completed and Slightly Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon