Chapter Twenty-eight - HURT

139K 1.8K 111
                                    

Isang buwan na ang nakalipas simula ng ipagtapat sa kanya ni James ang tunay na nararamdaman nito.

And she can see and say that they are both happy being in love with each other. Doble ang ipinapakitang pagmamahal sa kanya ni James ngayon. And she's beyond happy. Hindi siya makapaniwala. It's like a dream come true.

Nakuha rin nito ang mga investors at sa susunod nabuwan ay sisimulan na ang pagpapatayo ng building sa Ortigas.

Kasalukuyan sila ngayong nasa opisina. Yes, sekretarya pa rin siya ni James hanggang ngayon. Ang gusto sana nito ay magpahinga nalang siya sa bahay o magpunta nalang sa kung saan nya gusto. Kaso ayaw nya ng walang ginagawa. Nasanay na kasi ang katawan nya ng may ginagawa. Isa pa, hindi niya ugaling maglakwatsa. Kung sa bahay lang naman siya, mabobore siya ng sobra. Kaya pinakiusapan muna niya itong mag-stay bilang sekretarya nito.

Isa pa, being James' secretary has many benefits--araw-araw niyang masisilayan ang kagwapuhan nito kaya araw-araw din siyang magiging inspirado.

Ang gusto nga sana nitong kapalit sa pakiusap nya ay ang paglilipat niya ng kanyang lamesa sa loob mismo ng opisina nito ngunit tinanggihan niya iyon dahil sa oras na lumipat siya sa opisina nito ay wala na silang magagawang matinong trabaho. Lalong-lalo na siya. Maisip lang niya na kasama niya ito sa apat na sulok ng opisina ay hindi na siya mapakali. Para siyang naiihi na ewan. Isa pa, baka maglandian lang sila buong maghapon.

Napukaw ng atensyon niya   tumunog na elevator hudyat na may dumating. Nakita niyang iniluwa noon si Angelica. Nakasuot ito ng three-inches-above-the-knee-sexy-maroon dress. Bagay na bagay sa kutis nitong maputi at walang bahid ni anumang peklat. She's as sophisticated as ever.

Ilang araw na ring pabalik-balik doon si Angelica. Kung sabagay, isa ito sa mga business partners ng kanyang asawa. Wala namang problema roon sa kanya dahil may tiwala siya kay James at mahal siya nito. Ngunit sa babaeng narito ngayon ay wala.

She still remember the time when James introduced her to Angelica as his wife.

"Angelica, meet my wife, Toni." proud na pagpapakilala sa kanya ni James.

"Hi, Angelica." ngumiti siya rito at ini-abot dito ang kamay niya upang sana ay makipag-kamay.

Ngunit tinignan lang siya nito mula ulo hanggang baba at nag-smirk. Umirap pa ito sa kanya.

"Nakakainsulto ka naman James, ipinagpalit mo ako sa taong kalevel lang ng paa ko." wika nito.

From then on, naniniwala na siyang looks can really be decieving.

A face of an angel but a soul of a devil.

Nang makatapat ito sa kanya ay tinignan siya nito mula ulo hanggang paa.

"Sa tingin mo, anong nagustuhan sa'yo ni James?" tanong nito sa kanya.

She smiled before answering, "My whole. Ang pagiging totoo ko. Isa pa, mahal ko siya ng buong-buo."

Tumawa ito ng pagak. "Bakit, Toni? Totoo ka nga ba o may hidden agenda ka lang kung bakit mo siya minahal? Kawawa naman si James. Nag-alaga ng ahas na tutuklaw sa kanya." sinabi nito bago umalis sa harapan niya at tuluyang pumasok sa opisina ni ng asawa niya.

Anong karapatan nitong pumasok nalang ng hindi man lang kumakatok sa opisina ni James? Isa pa, anong sinasabi nito? Wala siyang alam sa sinasabi nito at wala rin siyang alam na dahilan upang sabihin nito iyon dahil alam niya sa sarili niya na wala siyang ginagawang masama ngunit....bakit siya nakaramdam ng kaunting takot? Bakit parang may hindi magandang mangyayari?

The Virgin's Boss (Completed and Slightly Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon