Chapter Twenty-three Wedding Day

160K 2.2K 66
                                    

Toni's POV

"Ateng! Ang ganda-ganda mo talaga! Ang simple lang ng ginawa ko sa'yo pero ang ganda mo pa rin!" sigaw ng baklang nag-ayos sa kanya.

"Oo nga mother! Ganda niya! Pak na pak! Pwedeng gawing model" sang-ayon rin ng isang bakla.

Nasa hotel sila na pagmamay-ari ng mga Almeda. It's her wedding day. At hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala! Almost 4 months ago, single and problematic siya dahil sa kawalan ng buhay pag-ibig! Pero tingnan mo ngayon at ikakasal na siya sa lalaking minamahal niya ng patago.

He was her boss for more than 8 years. Three months ago, he was her boyfriend. 2 months ago, he was her fiancee.And later on, he'll be her husband and she will be Mrs. James Lorenzo Almeda.

Mrs. James Lorenzo Almeda....

Ang sarap isipin at pakinggan!

Oo, inaamin niya kaninang umaga nang siya'y magising ay nag-aalinlangan pa siya kung sisipot siya sa kasal o hindi. Masyado kasing kumplikado ang pinasukan niya. Pero nang nagtext sa kanya si James ay napangiti siya at kinilig! At buong-buo na ang pasya niyang ituloy ang kasal!

Itext ka ba naman ng, "See you later, soon-to-be Mrs. Almeda." Eh di go! Kasal kung kasal!

Ngumiti siya sa dalawang bakla. "Mga bolera kayo. Eksaherada!" natawa siya sa mga ito. Sa pagkakasabi kasi ng mga ito ay mukhang siya na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa at kaliskis ng mga isda sa dagat.

"Sinasabi mo lang yan kasi hindi mo pa nakikita ang itsura mo sa salamin." wika ng nag-ayos sa kanya. "Halika at nang makita mo na sarili mo." iginaya naman siya nito. Mejo nahirapan pa siya dahil sa taas ng heels niya, plus sa suot niyang wedding gown.

Dahan-dahan siyang humarap sasalamin para mas dramatic ang dating, he-he. Nang makaharap na siya ay dahan-dahan din niyang itinaas ang nakatungo niyang mukha. Pagkatapos ay dahan-dahan rin siya dumilat---dahil nakapikit siya kanina.

She gasped. "Ako ba 'to?" tanong niya.

Para kasing hindi siya. Simple lang naman ang make-up niya pero parang hindi naging simple sa gandang nakikita niya sa salaming iyon. Her hair was tied up para naman daw maiba. Nasa itaas na rin ng ulo niya ang belo. Her gown was simple yet elegant. Siya ang namili noong gown dahil ayaw niya ng masyadong showy. The simplicity of the gown matched her simple make-up.

"Ay grabe, ha! Ikakasal lang nakalimutan na agad ang itsura?" narinig niyang wika ni Cheska na hindi niya namalayang nakapasok na pala sa silid na inaakupahan niya. Kasama nito si Sab.

"Oh my gosh, Toni! You look dashing!" Tili ni Sab habang niyayakap siya nito. "Ay sorry." hinging paumanhin nito nang mapansin nitong nagugulo na nito ang ayos ng buhok niya.

"Maiwan muna namin kayo." wika ng dalawang bakla.

"Sab, Chesk." naluluhang wika niya sa mga ito. Niyakap niya ang mga ito ay hinalikan sa pisngi.

"Huy, mga lukaret! 'Wag nga kayong umiyak diyan! Para kayong mga tanga!" wika ni Cheska pero namumula na rin ang ilong nito para sa nagbabadyang luha nito.

Natawa siya rito. "Sab, Cheska. Ito na, he-he." Tinignan niya ang mga ito. "Paano ba yan? Di na ako single."

"Loka! 'Tol, basta promise us. Walang magbabago, ha?" Umiiyak na wika ni Sab.

Pinalo niya ito ng mahina sa braso. "Adik! Oo naman! Payakap nga!" wika niya sa mga ito. Naramdaman niyang sumisinghot ang mga ito kaya napabitaw siya sa pagkakayakap sadalawang kaibigan. "Ano ba naman kayo! Sayang 'yong pinagmake-up sa inyo kung iiyak rin lang naman pala kayo! Tigil na. Ang gaganda nyo pa naman." Natatawang wika niya sa mga ito.

The Virgin's Boss (Completed and Slightly Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon