Chapter Four - Accepted or Rejected?

169K 2.4K 67
                                    

Another day has passed. It was a busy day for Antonette. As usual.

This day, balak niyang magpaalam sa boss nya upang mag take ng leave.

She knocked on his door.

"Come in." sabi nito pagkarinig sa kanyang katok.

She smiled to her boss. Smile. Kailangan ko 'to ngayon.

"Sir, gusto ko po sanang magpaalam."

Tinignan sya nito ng maigi. "Why? You've got something to do in your house?"

"No, sir!" bawi nya agad dito. "I mean, gusto ko po sanang magpaalam sa inyo. Balak ko po kasing magbakasyon. Since..."

"NO." Putol nito ang kanyang sasabihin.

She let out a frustrated sigh. "But Sir...for the passed 8 years dito ko lang po nilaan ang buhay ko. Iv'e never took any vacation before. Ngayon lang po sana".

"That's my point. Why do you need to take a vacation if for the passed 8 years, hindi mo naman kinailangan?" tanong nito sa kanya. She calmed her nervous body. Grabe talaga si Sir mag-interrogate.

"Because in life Sir, kahit na sa iyo na ang lahat, may kukulang at kukulang pa rin."

"Meaning?" nakataas na ang kilay nito ngayon.

Patay tayo. Paano ba ito =_= kahiya naman kasi kung sabihin kong "Sir, gusto kong maghanap ng lalaki". Isip isip din, Antonette!

Mabilis syang nag-isip, "I just want to fullfill my dreams Sir."

"What dreams?" Sir, kailangan bang i-elaborate?

"Having my own family." his eyes is now full of amusement.

"So why do you need to take a vacation kung yan lang naman pala ang hanap mo? You can have your own family without taking a vacation"

"Thats my point, sir. Paano po ako makakabuo ng isang pamilya kung nandito lang po ako sa apat na sulok ng building ninyo?" medyo napipikon na rin siya. Ang dami kasing tanong.

Ilang segundo bago ito sumagot. "I think your work has nothing to do with your dilemma, Miss Darang."

"It has, Sir. Because in thefirst place, paano po ako magkakabuo ng pamilya kung unang una ay wala pa akong nagiging boyfriend kahit kailan? At papaano po ako magkakaroon ng isa kung dito lang umiikot ang mundo ko?" nagbilang siya ng isa hanggang sampu para pakalmahin ang kanyang nagwawalang nerves. "From the day I graduate, Sir, dito ko na po ibinuhos ang oras ko. Sana mapagbigyan nyo po ako kaht isang buwan man lang, Sir."

"I dont like the way you said those words. Parang ako pa ang may utang na loob sayo ha." He crosses his arms around his chest. Syet! Nanginginig na siya!

"Sorry, Sir." Nagbaba sya ng tingin. "I didnt mean it. Its just that.. that I'm already 29 and yet, wala pa ring lovelife. Gusto ko rin naman pong magkaroon ng pamilya Sir. Mahirap po kasing tumanda mag-isa. Walang mag-aalaga sayo. Kung hindi pa po ako kikilos ngayon? Kailan pa? Alam nyo naman sir, sa panahon ngayon, mahirap na po ang humanap ng matinong lalaki. Baka kung ipapapasalangit ko pa po, baka abutin na ako ng kwarinta'y hindi pa ako nakakahanap ng makakasama sa buhay."

Bumuntong hininga ito. "I get it. But you're still young. You're only 29. Bakit ka nagmamadali?"

"I am ALREADY 29, Sir. Sa tingin nyo, kung hahanap ako sa mga susunod pang mga taon, makakahanap pa kaya ako ng matino? Baka nga po gurang na mahanap ko noon eh. Tiyaka baka hindi na rin po ako magkaanak. Ayoko naman noon, Sir." at least ngayon medyo kalmado na rin siya.

The Virgin's Boss (Completed and Slightly Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon