Chapter Thirty-one - HAPPINESS I

158K 2K 50
                                    

Toni was standing near the window looking at the beautiful view in front of her. She felt the cold breeze touched her face. Inilipad rin ng hangin ang may kahabaan niyang buhok.

Napayakap siya sa sarili niya.

Seconds later,  another batch of cold breeze came. Huminga siya at pinakiramdaman ang malamig na hangin sa sistema nya. She smiled automatically. It has been years since she has felt this kind of feeling--ang makalanghap ng sariwa at malamig na hangin.

Summer na at mataas na ang sikat ng araw ay malamig pa rin ang klima sa Sagada.

It has been a week since she left Manila--right after James told her he never loved her. Masakit para sa kanya iyon. He was her firsts and yet...he chose to break her heart. So she made up her mind while at the taxi going home.

Agad syang nag-empake ng gamit pagkarating niya. Habang nag-eempake ay iyak na siya ng iyak. Well, what do you expect? He is her great love. The man she loves---so much, the man who made her feel special, the man who told her 'I love you' but didn't mean it, the man she used to kiss goodnight and good morning, the man who made her smile and cry, the man who made her 'kilig' every time he will look at her, the man she married and promised to be with in sickness and in health, 'til death do they part, her first love, her first kiss, her firsts in all..... and yet he was even the first man who broke her heart into pieces.

Kahit  labag sa kalooban niya ang umalis ay pikit mata pa  siyang tumalikod sa pinto. Because if she really wants to move on, she has to start right at that moment. Ngayon ay naiintindihan na niya ang mga nababaliw sa pag-ibig. Ang sakit pala, sobra.

Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ay hinding-hindi siya nanghinayang na makilala, maging amo at magpakasal kay James, bagkus ay ipinagpapasalamat pa nga niya ang mga nangyari dahil sa piling ni James, doon siya sumaya--kahit sa sandaling panahon--iyong sayang walang katulad. Iyong sayang hindi niya alam na pwede pala noyang maramdaman.

Kung hindi man naging maganda ang resulta ng pagsasama nila ay ayos na rin iyon para sa kanya. At least balang-araw, kapag nagtanong ang anak niya o kaya ay ang mga magiging apo niya kung anong pakiramdam ng nagmamahal ay may maisasagot siya.

She felt a liquid on her cheek.  Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya. Agad naman niya iyong pinunasan.

Maya-maya ay nakaramdam na siya ng gutom. Natawa siya. Nito kasing mga nakaraang araw ay nagiging masiba siya at nagiging tamad kaya lumubo siya ng konti. Idagdag pa ang hindi niya pagpapawis dahil sa lamig.

Napatingin siya sa magulong kama. Nagkalat roon ang mga pocketbooks na binili pa siya sa SM Baguio. The pocketbooks were written by her favorite writers mula sa kilalang romance publishing house sa bansa -- sina Sonia Francesca at Sofia.

Halos lahat ng mga nobela ng mga ito na hindi pa niya nababasa ay kinuha niya..LAHAT. Kaya sa mahigit isang linggong pamamalagi niya roon ay wala siyang ginawa kung hindi ang matulog, magbasa, kumain,  at mamasyal. Ngunit mas maraming oras siyang nasa kwarto lang at nagbabasa. And  it helped her forget about James...kahit sandali lang.

Nadadala siya sa mga nobelang nababasa niya. Every story she read has a happy ending. Naisip niyang mabuti pa ang mga nobela may happy ending, bakit siya wala? Tinawanan niya ang sarili dahil doon.

"Of course, Toni! Sa'yo na nga nanggaling na nobela ang mga iyon. Meaning, they are all scripted. They are far different from the reality." sigaw ng utak niya

Napabuntong-hininga siya. Buhay nga naman. Hindi lahat ng gusto mong mangyari ay mangyayari. Same goes with "You cannot have all what you want in life."

The Virgin's Boss (Completed and Slightly Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon