Chapter Twenty - Plans

145K 2K 19
                                    

"Toni! Gala muna tayo bago tayo umuwi ng probinsya. I heard there's a new resto bar in Makati na may live band tuwing alas-otso ng gabi." sagot ni Cheska sa kabilang linya. Cheska, the music lover.

Napailing nalang siya habang nakangiti.

Tinignan muna niya si James sa kaliwa nya habang ito'y nagmamaneho. Galing sila sa isang wedding coordinator na kaibigan ng nanay ni James. Sinunod na rin nilang puntahan ang wedding gown maker.

Hay.. tuloy na tuloy na talaga.

Tinignan niya ang relong-pambisig. It's already 7 pm.

"Wait, I'll ask James." wika niya kay Cheska.

"Woooh! Girlfriend na girlfriend ang dating ah!" tukso nito sa kanya. "Isama mo na rin si fiance para naman makilala rin namin."

Natawa siya. "Ganyan talaga." pagsakay niya sa kalokohan nito.Binalingan niya si James na nagmamaneho pa rin. "James, nag-aaya si Cheska. You wanna come? Sa Makati raw. Live band." tanong niya rito.

Sinulyapan siya nito."Sure. What time?"

"8pm raw umpisa eh."

"Okay. No problem. Tell her we'll just eat dinner."

Inilapit niya ulit sa kanyang tenga ang kanyang phone. "Expect us. Kakain lang muna kami....ng matinong pagkain." wala kasi gaanong matinong pagkain sa mga ganoong lugar.

She heard her chuckled. "Sige. Tatawagan ko pa rin si bruha." binigay nito sa kanya ang pangalan ng pupuntahan nila pati na rin ang address at saka ibinaba ang phone.

Binalingan nya ulit si James. "Are you sure?Pagod ka tapos uuwi pa tayo bukas."

Tinignan siya nito. "I'm perfectly fine. Don't worry." tsaka ito ngumiti sa kanya.

She sighed. Ibang-iba na talaga ang James ngayon sa James na una niyang nakilala at nakasama sa loob ng halos walong taon. He's now a gentle person, sweet, always smiling, caring and understanding .Kaya madalas niyang tanungin sa kanyang sarili kung ano kayang nangyari rito.

Naputol ang kanyang pag-iisip nang tumunog ang phone ni James. Kinuha niya para rito ang phone at ibinigay rito.

"Thank you." he said to her with a smile. "Yes?" tanong nito sa kausap. Kumunot ang noo nito. "Why?"tanong ulit nito.

["Meron. Actually, we're heading to Makati."]

["Nag-ayang lumabas 'yong isang kaibigan ni Toni na makinig ng live band."]

Tinignan siya ni James. "Is it okay if my friends will be joining us?" tanong nito sa kanya. "Nag-aaya rin kasi sila."

"Sure." sagot niya rito.

"Are you sure? Hindi ba nakakahiya sa mga kaibigan mo?" tanong ulit nito.

"Walang problema sa mga iyon. Isama mo lang sila. The more, the merrier!" sagot niya rito ng nakangiti.

"Sige sumama lang daw kayo sabi ni Toni." wika nito sa kausap at sinabi kung saan ang lugar pati ang oras. "See you then." paalam nito sa kausap.

Alam naman niyang maiintindihan ng mga kaibigan nya 'yon. Isa pa kinikilig siya sa mga ito. By partners sila mamaya! Excited na siya.

"Why are you smiling?" tanong nito sa kanya.

The Virgin's Boss (Completed and Slightly Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon