Chapter Nine - Confrontations and The Main Solution

166K 2.5K 29
                                    

Toni's POV

Okey....she feels awkward by the look that her boss is giving her.

Ngumiti lang siya dito at ipinagpatuloy ang naudlot na pag-upo. Tinanguan naman siya nito.

Nasa harapan niya ngayon ang dalawa niyang kaibigan at nasa bandang likuran niya ang kaniyang boss dahil ayaw niyang makita ang mukha nito ngayon. Syempre gusto naman nyang masilayan ang mukha nito dahil ang gwapo nito sa suot nito ngayon. Ibang-iba sa nakasanayan ng mata niya pero hindi nya alam..basta nahihiya siya. Maybe because of what she's wearing. Ngayon lang kasi siya nito nakita na ganito ang ayos. Kahit kasi sa mga business parties na pinupuntahan nila ay naka 3-piece suit siya.

Kahit naka talikod siya ay nararamdaman niya ang tingin nito sa kanya. Kung 'yon ay KUNG nakatingin nga ito. O baka naghahallucinate lang siya.

She calmed herself. She heaved a sigh.

"Toni, are you okey?"

"Yes, Sab. I'm fine. Hindi lang siguro ako sanay."

Binigyan siya nito ng isang ngiti. "Just relax, okey? Smile."

She did.

"Hindi pa ba tayo oorder?"taning ni Cheska.

"Naku! Itong baboaeng 'to! laging pagkain nasa isip!" Saad ni Sab.

Tinaasan lang ito ng kilay ni Cheska. "Paki mo? Sa gutom ako eh!"

As usual, balik referee ang role niya. "Okey! Stop that, you two! Tawagin niyo nalang 'yong waiter."

Tinawag na ni Cheska ang waiter.

"Gusto ko nito, nito, nito, nito, at nito!" turo ni Cheska sa menu. "Sa inyo?" bumaling ito sa kanila.

" At hindi pa talaga kami kasama doon sa order mo ha?Grabe Ches! makakaya mo lahat 'yon?! Grabe talaga! Kaya hindi ka pumapayat eh!" saad ni Sab

"Sorry Sab. You let my anacondas hungry, eh!" na ang tinutukoy nito ay iyong make-over na ginawa nila.

"Iyon lang po ba, Ma'am?" tanong ng waiter sa kanila.

Binigay na rin nila ang order nila ni Sab.

Papaalis na ang waiter nang tawagin na naman ito ni Cheska. Tinignan nila ito with dont-you-order-again-look.

Sinimangutan sila ni Cheska bago muling lumingon sa waiter. "And water."

Ngumiti ang waiter. "Okey, ma'am."

"Thank you!" Nakangiting sabi ni Cheska sa waiter bago sila tignan nito. "Kayo talaga ang bad nyo! You guys are bad for my stomach talaga!"

"Dami mo na kasing na-order. Baka di mo na kayang ubusin." sagot nya dito.

"Hindi naman ako oorder ng hindi ko kayang ubusin.That's bad, you know." In fairness naman dito sa kaibigan nila, kahit gaano karaming in-oorder, nauubos naman nito.

"So, Toni, Let's start." saad ni Sab.

"Let's start what?" naguguluhang tanong niya.

Sab just rolled her eyes. "Duh! the reason why we are here! Hello?!"

Ah, oo nga. She forgot.

"Tumatanda na talaga." tudyo ni Cheska habang tumatawa.

"Yeah. What about it?" saad niya. Hindi na niya pinansin ang sinabi nito tungkol sa katandaan. Mahirap man kasing aminin, totoo naman na tumatanda na siya. Kaya nga aila nandito, di ba?

The Virgin's Boss (Completed and Slightly Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon