Chapter Thirteen - Missing Him

145K 2.2K 49
                                    

"Ma, alis na po kami." paalam nya sa mama niya bago siya sumakay ng sasakyan. Paalis na sila ni James sa probinsya dahil tumawag ang isa nitong empleyado at sinabing nagkaproblema raw sa isang kumpanyang hawak nito. Kaya imbes na sa makalawa pa ang alis nila, naging ngayong araw na.

"Mag-iingat kayo roon mga bata kayo. Huwag ninyong pababayaan sarili ninyo." hinawakan siya nito sa pisngi. "Lalo ka na, Toni. Ingatan mo sarili mo roon. Tumawag ka kaagad kung may problema ka. Di bale ngayon at medyo panatag na ang loob ko dahil magkasama naman kayo ni James." binalingan naman nito si James. "James, ikaw na bahala kay Toni ha? Kung pasaway, itawag mo agad dito sa amin."

Natawa sila. "Mama naman."

"Opo ma. Itatawag ko agad dito." wika naman ni James. "Sige po mauna na po kami."

Niyakap siya ng kanyang mga magulang. "Mag-iingat ka doon, Toni." wika mg kanyang ama.

"Opo, Papa." binalingan niya ang nakababatang kapatid. "Tom, ikaw na bahala kina Papa. Tumawag ka agad kung may problema. Ikaw nalang ang nandito. Huwag kang masyadong maggagala-gala kapag day-off mo." paalala nya rito.

Wala na kasi roon ang kapatid nyang babae. Humiwalay na ito ng bahay kasama ng asawa nito.

"Opo, inay." biro sa kanya ni Tom.

"Sapakin kaya kita riyan?" inis na sabi niya dito.

Niyakap siya nito sa likuran. "Ikaw naman ate, hindi na mabiro. I love you, ate. I'll miss you." hahalikan na sana siya nito sa pisngi kung hindi lang niya ito pinigilan gamit ang kamay.

"Kadiri ka, Tom! Umalis ka nga!"

"Ouch naman, ate! Nakakahurt ka naman! Ikikiss ka lang naman eh! Arte mo! Buti nga may hahalik pa sayong kasing gwapo ko. Well, except kay kuya James."

Namula siya dahil naalala naman niya ang nangyari kahapon sa kasal. Hanggang ngayon hindi pa siya makaget-over. Ganoon ba talaga ang unang halik? Hindi madaling kalimutan?

"Tumahimik ka na nga!"

Natawa lang ito.

"Hoy Tom, tama na yan. Sige na James, Toni. Humayo na kayo't magpakarami!" pagtataboy sa kanila ng kanyang ina.

"Ma!"

"Biro lang! ito talagang anak ko. Sige na at nang hindi na kayo gabihin sa daan."

"Sige po." wika niya at hinalikan sa pisngi ang kanyang mga magulang.

"Ma, Pa, alis na po kami." paalam ni James.

"Sige. Ingatan mo si Toni ha?" habilin ng ina niya.

"Opo. Sige po. " sagot nito. Tumingin ito sa kapatid niya. "Tom." pamamaalam nito.

Tumango naman si Tom. "Ingat sa pagdrive kuya."

Sumakay na sila ng sasakyan. They opened their doors' window and waved their hands. "Bye!"

---------------

Tahimik. Sobrang tahimik habang nasa daan sila. Halos kalahating oras na sila sa byahe at wala pa ring nagsasalita sa kanila.

Awkward.

"You have a wonderful family." wika nito. Hindi na rin siguro nito matagalan ang katahimikan.

The Virgin's Boss (Completed and Slightly Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon