Chapter Fourteen - Interrogations

147K 2.4K 23
                                    

"It would also be our engagement party."

Napanganga siya.

"James...." she said. Hindi na niya ginamit ang 'Sir'. She was shocked for Pete's sake! Ang bilis ng mga pangyayari. Last month, wala pa siyang boyfriend at namomroblema siya. The same month, she got this deal with her boss and the next thing she knew, may boyfriend na siya! Three weeks ago, he 'proposed'. Oo at tinanggap niya iyon pero hindi niya akalaing ganito kabilis. Ano next month, kasal na?

"What?" tanong nito sa kanya na parang hindi namomroblema.

"You can't be serious."

"I am already. Besides, why do you look so shock? Hindi ba napag-usapan na natin ito?"

"Yeah. But I-I didn't know it would be this fast. Bakit ang bilis naman y-yata?" nauutal niyang tanong dahil sa pagbilis bigla ng puso niya.

"Doon at doon rin lang naman ang punta natin, Toni. Bakit pa natin patatagalin?"

Umiling siya. "N-nothing. Nabigla lang ako."

She heard him sighed deeply. "Toni, kailangan natin itong gawin ng mas maaga. Para pagkatapos ng kontrata natin, hindi pa tayo masyadong matanda. In that way, we can have the life we have always wanted."

Of course she knew what he meant. Gusto nitong madaliin ang lahat para kapag dumating ang panahon na may nahanap na ito, hindi na ito maghihintay ng matagal upang siya'y hiwalayan. They would only be together for one year afterall. Ouch!

Ngumiti siya pero hindi naman umabot sa kanyang mga mata. "Right."

Tumango ito. "May mga gusto ka pa bang imbitahan bukod sa pamilya mo?"

She remembered her friends. "Yes. My two friends, Cheska and Sab."

"The girls you were with at the bar?"

"Yes. They are my high school bestfriends."

"I see. Sila lang ba?"

"Yes." wala naman na kasi siyang iba pang mga kaibigan aside sa dalawang baliw na iyon.

"It's settled then."

"What about you? Who are you going to invite?" she has to know para naman makapaghanda siya.

"Well, aside from my family, relatives, other businessmen and employees, I would also invite my college buddies." Inaasahan na niya ang iba doon dahil ganoon naman lagi kapag may Christmas Party sila.

"Iyon ding mga kasama mo noon sa bar?"

"Yes. You already knew Karl, right? Siya tapos si Toby. Ipakikilala nalang kita kay Toby sa party."

"No need. I already know him." tumingin ito sa kanya na nakakunot ang noo. Tila nagtatanong. "He was my schoolmate way back in high school."

Tumango-tango ito. "Oh yes! I remember sinabi mo na yan sa akin dati. Anyway Toni, I want this deal to be a secret."

"Of course, James! Hindi naman siguro ako tanga para ibunyag ito sa ibang tao, no! But my friends already knew this. I mean, they know I am searching for a boyfriend pero hindi nila alam na ikaw ang nakapagkasunduan ko. And if I tell them na walang deal na nagaganap dito, magdududa ang mga iyon. To think na biglaan ang lahat."

Speaking of her friends, hindi pa pala niya nakakausap ang mga ito simula noong nasa bar sila. Mamaya nalang niya tatawagan ang mga ito para na rin sabihin ang tungkol sa engagement party.

The Virgin's Boss (Completed and Slightly Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon