S13 - #DKBMGustoKita

Magsimula sa umpisa
                                    

      Nakaramdam naman ako ng kunsensya, hindi ko alam na nahihirapan siya. Yayakapin ko sana siya kaso tumunog na ang elevator hudyat na nasa 18 floor na kami.

      "Rj, saka nalang tayo mag usap. I have a lot of things to do pa, nasa trabaho na tayo just call me Ms. A. Let's go." ang sabi ko nalamang sa kanya at humakbang na palabas ng elevator at naglakad papunta ng office, naramdaman ko naman na nakasunod lang din siya sakin. Binilisan ko nalang ang paglakad para hindi na kami mag pang abot pa.

      "Good morning Ms. A!" pagbati ng mga emleyado ko, at isang pilit na ngiti ang sinagot ko sa kanila.

      Pagdating ko sa office ko napabuntong hininga ako, at umupo sa table ko. Nakaramdam ako ng pagkahilo kaya't tinanggal ko ang salamin sa aking mata.

      "Oh akala ko hindi ka papasok?" bungad ni Vanessa ng pumunta sa office ko.

      "Kailangan ko ng pumasok, ikaw na rin ang nagsabi na namumukha na akong zombie." sagot ko sa kanya at binuksan ang laptop ko.

      "Nagkita na ba kayo ni Rj?" she asked.

      I just nodded "Yes, magkasabay pa kami sa elevator kanina."

      "Grabe tol ang kulit pala non, sa anim na araw at simula nung itext mo ako ihatid siya sa condo niyo, para siyang imbestigador ang daming tanong. Tapos inaaraw araw ako sa pagtatanong kung nasaan ka raw. Buti nalang loyal ako sayo hindi ko sinabi kahit kay Sarah, nagtanong din kasi yon sa akin pero isang beses lang hindi kamukha ni Rj na makulit." nakakunot noong sabi ni Vanessa. Napatingin ako kay Vanessa ng sabihin niya ang pangalan ni Sarah.

      "Hinanap niya ako?" napaawang ang labi ko ng tanungin ko siya.

     "Oo, pero isang beses lang. Oh ano pumapalakpak na ba ang puso mo sa kilig sa nalaman mo? Naku Althea wag mo na ngang ipasok ang sarili mo sa komplikadong sitwasyon. Maawa ka naman sa puso mo durog na nga dudurigin mo pa? Ano nalang ang matitira sayo niyan?" she said at napakamot na ng ulo.

      "Vanes pwede ba wag mo na akong sermunan nahihilo na ako sa mga sinasabi mo." tatayo sana ako nang makaramdam ako ng pagkahilo at napahawak ako sa table para hindi mabuwal.

      "Hoy Althea? Okay ka lang?" dali dali itong tumayo at inalalayan ako.

      "Nahilo lang ako pero okay lang ako." i said at sa muling paghakbang ko tila nanghina ang tuhod ko at nawalan na ako ng malay tao.

                            ~✖✖✖~

      Pagmulat ng mga mata ko isang nakakasilaw na ilaw mula sa taas ng kesame ang bumungad sa akin. My sight was blurred, di ko tuloy maaninag ng maayos kung nasaan ako. Hinang hinawang katawan sa oras na ito.

      "Althea kamusta ang pakiramdam mo?" someone asked me naramdaman ko nalang na hinawakan nito ang kamay ko. At nang ibaling ko ang aking tingin mula sa boses na yon nakita ko sa side si Rj.

     "Nasaan ako?" I weakly asked.

     "Nasa hospital ka, dinala ka namin ni Vanessa dito nang mawalan ka ng malay. Bumalik na si Vanessa sa office may meeting siya kaya hindi ka na niya nahintay magising." she said with her soft voice.

     "Okay." matipid kong sagot.

     "Ang sabi ng Doctor mababa raw ang red blood cell mo kaya ka nag collaps. Althea bakit mo naman kasi pinabayaan ang saliri mo? Ano ba kasing nangyari, andito naman kasi ako handa akong damayan ka." she said at ramdam ko na sensiridad sa kanyang boses. Hindi siguro sinabi ni Sarah ang mga nangyari kaya walang  alam si Rj.

Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon