Chapter XXVII: Tournament (Pt. II)

Start from the beginning
                                    

Para naman akong natuod sa kinatatayuan ko. Pero hindi pwede, kailangan ko itong gawin at wala ng atrasan. Umalis narin ako sa hardin at dumiretso sa arena kung saan gaganapin ulit ang pangalawang parte ng tournament.

Umupo sa tabi ni Ken dahil yun nalang ang bakante. Napatingin naman ako sa gawi niya na walang emosyon sa mukha. Nagitla naman ako ng bigla akong kinalabit ni Ken.

"Dahan-dahan lang bro baka matunaw yan." Pang-aasar niya sa'kin kaya mabilis kong binatukan.

"Tumahimik ka," Malamig kong utos.

"Oo na, ito naman ang bilis ma inis. Ang bigat ng kamay mo bro." Aniya kaya mabilis ko siyang tiningnan sa mata kaya tumahimik rin siya agad.

Hindi rin nag tagal ay dumating na si Tita Alisha.

Tricia's POV

"Good morning my dear students! Did you rest well? If you did then it's a good thing, so that you have enough energy for today. Blah blah blah blah blah." Hindi na ako nakinig sa mga pinagsasabi ni Tita Alisha dahil inaantok pa ang diwa ko. Kulang na kulang pa ako sa tulog. 

Bigla naman napawi ang antok ko ng makaramdam ako ng kuryente na dumapo sa katawan ko. Napatingin ako sa taong may kayang kumeryente sa'kin. 

"Ano?" Pa-inis kong tanong kay Dom. May kinuha siya sa bulsa niya at binigay sa'kin. 

"Inumin mo para mawala ng panandalian yang antok mo. Ito oh tubig." Ani niya at bigay ng tubig.

Ang bilis na naman ng pintig ng puso ko at siya lamang ang kayang papintigin ng ganito kalakas ang puso ko. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako sa kanya.

"Thank you," Pasasalamat ko at ininum yung binigay niyang gamot. Nakalipas ang ilang segundo ay nawala bigla ang antok ko at napatingin ako sa kanya na pasimple kung humikab. I think para sa kanyang sarili dapat yung gamot na binigay niya pero dahil napansin niya ako binigay niya sa'kin. Nakokonsensya naman ako,babawi na nga lang ako sa kanya mamaya.

Pero heck, hindi ko kayang isurpress ang kilig na aking nadadarama sa kanyang munting aksyon. Naputol ang aking pagmoment ng tinawag ni Tita Alisha ang aking pangalan. Dun ko lang napagtanto na tinatawag kami para papuntahin sa stage. 

"Tricia Reyes," Pag-ulit ni Tita sa aking pangalan. Kaya umakyat ako sa stage at yumuko sa harap ng mga tao. Pumwesto ako sa tabi niya dahil siya yung katabi ko kanina. Nang natawag na ang lahat ay sabay kaming yumuko at bumalik sa aming upuan.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya sa'kin kaya napatango ako.

"Tricia, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Jacob.

"I'm fine, don't worry about me Jacob." Ani ko sa kanya at ngumiti kaya pinalampas na niya.

"Now that you already knew who passed the first part of the tournament. Let me announce what kind of challenges will they be facing. Keys & Riddles, that's the name for today's challenge. There are 36 keys & riddles. You need to answer the riddles to get the keys. You need to have 3 keys in order to pass the second part. The first 12 students who can find the keys and answer the riddles will go to the last part of the tournament. You only have 1 hour to find the keys and to answer the riddles. The time will start at the same time you get out of the door. You can search all over the university, but don't ever go out of the premises. Participants who will be caught cheating will face serious consequences." Anunsyo ni Tita. "May the luck be with you." 

Nagsimula na kami maglakad papalapit pinto. Nang nasa pinto na kami ay may biglang nag count off.

"1"

The Mafia: The Real HeirsWhere stories live. Discover now